Chapter Seventeen

8.2K 288 33
                                    

"Gen, wake up!"

Nariring ko ang boses ni Liam pero sobrang inaantok pa ako. Isang oras pa lang 'ata ang tulog ko dahil naisipan pa naming manood ng horror movie, at maglaro ng playstation pagkatapos kumain ng noche buena.

Hindi ko matiis na hindi linisin lahat ng kalat, at pinakainan namin kaya naman mas late akong natulog. Isa pa, dahil sa hindi ko sariling kwarto ang tinulugan ko ay namahay ako. Pakiramdam ko ay sandali pa lang akong nakakatulog at ngayon ay narito na si Liam na ginigising ako.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto mayamaya. Nagsasalita pa si Liam habang naglalakad papasok sa loob pero hindi ko 'yun pinapakinggan. Naramdaman ko na lang ang paghila niya sa akin pabangon.

Napaupo ako sa kama dahil sa ginawa niya pero hindi pa rin ako tumayo. Naimulat ko ng kaunti ang mga mata ko at tinignan siya pero hinila rin ulit ako ng antok at pumikit.

Tumawa pa siya bago nagsalita.

"Baka ma-traffic tayo. Madadagdagan pa 'yung oras ng travel natin pag nagkataon," sabi niya.

Hindi ako sumagot at hindi rin kumilos. Naka-upo lang ako sa kama at nakapikit.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong buhatin. Hindi na ako nakapalag nang mabilis na dinala niya ako sa banyo. At dahil wala naman akong uupuan doon ay napilitan na rin akong tumayo. Nakasandal pa ako sa pader at hindi pa rin kumikilos.

Dahan-dahan pa ang paggalaw ko at isasara ko sana ang pinto nang bumalik si Liam at iniabot sa akin ang isang bath robe. Itinuro niya rin ang tuwalya na nasa rack.

Nang tignan ko siya ay doon ko lang napansin na naka boxer shorts lang pala siya. I felt that he was shirtless when he picked me up earlier, but I didn't know he was in his boxers.

"At least wear proper clothes around me, Liam. I'm not your wife."

Hindi ko alam kung bakit 'yun lumabas sa bibig ko pero hindi ko na 'yun mabawi.

Tumingin siya sa akin bigla at sa suot ko saka siya umiwas ng tingin. Nakita ko pa ang pagpigil niya sa ngiti niya bago siya nagsalita.

"You look like a wife to me though," aniya saka niya isinara ang pinto.

Doon ako napatingin sa suot ko. Hindi ko napansin na t-shirt at underwear lang pala ang suot ko. Hindi kasi ako komportable sa shorts niya noong natutulog na ako at hindi ako natutulog ng naka-bra kaya inalis ko ang mga 'yun kagabi. Malay ko ba naman kasing papasok siya sa kwarto at bubuhatin ako papunta sa banyo.

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko sa pagkapahiya.

Akala ko ay umalis na siya pero narinig ko pa siyang nagsalita mula sa kabilang bahagi ng pinto.

"Besides, you cook for me, clean for me... you even have some stuff here. You're like an unofficial wife," aniya sabay tawa.

Hindi ko mapigilang mapangiti.

"Then let's make it official! Let's get married right now!" pabirong sabi ko. Pero sa loob ko ay seryoso ako kahit paano.

Tawa lang ang isinagot niya sa sinabi ko saka niya mahinang kinatok ang pinto. "Wash up already. Baka ma-late tayo ng alis," aniya.

Hindi na ako nagsalita at nagsimula nang kumilos.

Napatitig pa ako sandali sa mga pambabaeng gamit sa banyo niya. Binili niya ang mga 'yun kagabi para gamitin ko. Sinabi ko pa sa kanyang maliit na bote o sachet na lang ang bilhin niya nang tanungin niya ako kung ano-anong bibilhin pero puro malaki pa ang binili niya. Para raw may magamit ako sa mga susunod.

Kinuha ko ang bote ng facial wash at hindi napigilang mapangiti.

"Sa mga susunod," bulong ko sa sarili ko.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon