Hindi ako makapagsalita. I can't believe na ang lalaking kagabi pa iniistorbo ang utak ko ay narito na naman ngayon sa harap ko.
Natauhan lang ako bigla nang pasimpleng pitikin ni Mica ang braso ko. Yumuko ako sandali at pumikit.
Huminga ako nang malalim kapagkuwan saka nag-angat ng tingin at ngumiti.
"Hi! Nice to see you again!" sabi ko.
"Well, it's nice to see you too. I couldn't introduce myself yesterday. As Mica said, I'm Liam Ortega." Iniabot niya ang kamay niya at tinanggap niya naman 'yun.
"Gen Granada," simpleng sagot ko na nagpatigil sa kanya.
Kumunot ang noo niya saka nag-isip. "Your name is not Athena." It was a statement rather than a question.
Umiling ako, "nope," sabi ko.
"But your cup clearly says 'Athena'," sabi pa niya.
Nagkibit lang ako ng balikat. Wala ako sa mood na ipaliwanag kung bakit ibang pangalan ang ibinibigay ko sa coffee shop.
Nasa kalagitnaan kami ng pagpapakilala sa isa't-isa nang may ma-realize ako. His name's Liam Ortega. Pero bakit iba ang nakalagay sa invitation? Maybe his father? Though hindi iyon ang issue, he's name's fuckin' Liam Ortega. Agad na hinila ko si Mica palayo na nagpagulat sa kanilang dalawa.
"Mica, he's name's Liam Ortega," sabi ko sa mahinang boses.
Dahan-dahang tumango siya, nagtataka sa inaasal ko.
"Liam, as in THE LIAM ORTEGA?" tanong ko pa.
Alanganing ngumiti siya.
Bumuga ako ng hangin, pasimpleng tumingin kay Liam sa 'di kalayuan na mukhang naguguluhan na sa inaasal namin ni Mica. Bumaling ulit ako kay Mica para kumpirmahin ang hinala ko.
"Liam, as in your EX Liam?!"
"Uh, yep," simpleng sagot niya.
"Then what are we doing here?" pabulong na sabi ko.
"Attending his resto's opening party?" natatawang sabi niya.
Huminga ako nang malalim. I know what his ex, Liam, did to her. He cheated on her. At simula nang marinig ko ang kwento na 'yun mula kay Mica ay kinamuhian ko na ang lalaki. Not that he did anything to me, but he still cheated on my best friend!
"Let's go," 'aya ko kay Mica. Hindi ko gustong mapalapit uli si Mica sa lalaking 'yun. Baka makagulo pa siya sa relationship ni Mica at Xander.
Hinila ko ang kamay ni Mica pero pinigilan niya ako.
"Kalma lang, bruh. It's okay. We're friends," sabi niya.
"You're friends with your ex? Alam ba ni Xander 'to?" tanong ko.
"Mabait si Liam, okay? He was not a perfect boyfriend, but I assure you, he's a good friend. Kaya kalma ka lang d'yan, sayang free food mo," natatawang sabi niya.
Tinitigan ko siya para basahin kung nagsasabi ba siya ng totoo. Mukha namang seryoso siya sa mga sinabi niya kaya tumango ako at hinayaan na lang siya. Anyway, sayang nga ang free food, haha.
Bumalik kami sa pinag-iwanan namin kanina kay Liam. This time, nakasimangot na ako sa kanya. Mukha namang nakuha niya na agad kung bakit kaya hindi na lang siya nagsalita. Naiiling na lang na itinuro niya kami sa mesa na inihanda niya para sa amin.
~*~
"In fairness ha, kahit na palikero 'yang ex mo masarap ang pagkain sa restaurant niya ha," sabi ko sabay subo pa uli ng pagkain. Nasa main course na kami ngayon at hindi ko pinagsisisihan na sumama ako rito. Lahat ng pagkain, masarap.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...