Chapter Thirty-seven

8K 262 16
                                    

"Sama ka na, please?" yaya ko kay Adam.

Ito ang first time na isasama ko siya sa company party. Pwede raw kasing magsama ng date.

"Wala naman akong gagawin doon e," sabi niya mula sa kabilang linya.

Halata na naman sa boses niya ang pagka-irita. Hindi na talaga siya bumalik sa dating sweet na lalaking nakilala ko pero kahit ganoon ay hindi ako sumusuko at pilit na iniintindi siya.

"Ngayon lang naman ako humiling e. Sige na, please?" medyo sinamahan ko pa ng pagtatampo ang boses ko.

Narinig ko pa ang paghinga niya nang malalim mula sakabilang linya.

"Fine. Sasamahan na kita. Pero ako ang bahala sa isusuot ko. Ayoko nang masyadong formal," sabi niya na ikinangiti ko.

"Thank you!" excited na sabi ko bago ibinaba ang tawag.

Ang totoo niyan ay hindi ang party ang main agenda ko. May pinaplano ako para sa amin mamaya pagkatapos ng party dahil monthsary namin bukas. Balak ko sanang salubungin namin 'yon.

Inihanda ko na ang mga isusuot ko. Apat na oras pa naman bago ang party kaya mas okay na kung makakapaghanda na ako. Pupuntahan ko pa kasi si Adam dahil hindi niya alam kung saan 'yon.

***

Marami na ang tao nang dumating kami sa venue. Isa itong high end na hotel sa BGC. Kahit na hindi naman talaga akma sa lugar ang suot ni Adam ay hindi naman siya mukhang out of place. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil doon.

"Why?" tanong niya nang makita akong nakangiti.

"Nothing. It's just that you look handsome," sabi ko.

Ngumiti siya at hinaplos ang buhok ko... just like how he does noong bago pa lang kami.

Naupo kami sa isang mesa na wala pang naka-pwesto.

As usual ay busy na naman sa cellphone niya si Adam. Nasanay na rin ako na sa tuwing magkasama kami ay hindi naman kami talagang nag-uusap. Parang normal na sa amin ang tahimik lang. Ang mahalaga ay magkasama kami.

Nagulat pa ako nang may tumabi sa akin.

"Hi!" bati ni Mica kay Adam.

Ngumiti naman si Adam at tumango. Pero nawala rin agad ang ngiti niya nang makita kung sino ang kasama ni Mica.

Mabilis na hinawakan ko ang kamay ni Adam para kalmahin siya. Umiinit kasi talaga ang ulo niya 'pag nakikita si Liam o naririnig man lang ang pangalan nito.

Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin si Liam at ganun din ang ginawa nito. Tahimik lang siyang naupo sa tabi ni Mica. Ayaw niya rin siguro na magkagulo dito sa party.

Dalawang buwan na rin ang nakakalipas mula nang nag-walk-out ako mula sa apartment niya pero hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi niya.

I won't give you up. I love you too damn much to do that.

And true to his words, hindi nga siya naggi-give up. Paulit-ulit niya pa rin akong sinasabihan na hiwalayan ko na ang nobyo ko at siya na lang ang piliin.

"Nakita mo na si Xander?" tanong ni Mica.

"Nope. Pero for sure doon siya pupwesto," sabi ko sabay turo sa mesa para sa VIPs. "Doon ka nga dapat e. Nandoon ang mama at kuya mo o," sabi ko pa.

Umiling agad siya.

"Ayoko doon. Mabo-bore lang ako. Baka makatulog pa ako. Dito na lang ako sa tabi mo," sabi niya.

Napatingin ako kay Liam na nakatingin lang sa kawalan. Hindi ko napigilang magsalita.

"Bakit nga pala isinama mo 'yan? Akala ko ba nagkaka-ayos na kayo ni Xander? Makakagulo lang 'yan e," sabi ko.

Sinadya ko 'yong sabihin para lang maisip ni Adam na lahat naman ng babae ginugulo ni Liam, hindi lang ako.

"Well, nag-prisinta siyang maging date ko ngayong gabi so siya ang isinama ko. Hindi naman kasi ako niyaya ng lalaking sinasabi mo e so bakit ako tatanggi sa kasama ko ngayon?"

Pinaningkitan ko ng mata si Mica.

"Sus, tampo ka lang kaya mo isinama 'yang asungot na 'yan e. Given na kasi 'yon na kayong dalawa ang magkasama. Hindi ka na niya kailangan pang yayain," naiiling na sabi ko.

"Hala, ano 'yon hulaan kami ganun? Maghihintaya akong sunduin niya ako kahit wala naman siyang balak?" sabi niya.

"Bakit kasi hindi ka na lang nagtanong?" sulsol ko pa.

"Ayoko nga 'no. Baka mapilitan pa siya. Magmukha pa akong desperada."

Napapa-iling na lang ako dahil kay Mica.

"Ewan ko sa'yo, Mica. Kaya wala kayong patunguhan ni Xander e. Tapos, nakikisali pa 'yang asungot na 'yan," sabi ko saka inginuso pa si Liam.

Doon siya napatingin sa akin.

"Alam mong naririnig kita, Genie ng lampara 'no?" Nag-smirk pa siya. "Sus, miss mo lang ako e," sabi niya.

Naramdaman ko bigla ang tensyon sa katawan ni Adam kaya hinawakan ko ulit ang kamay niya.

"Whatever, Liam. Just leave us alone," sabi ko.

Natahimik siya at nakita ko pa ang pagngiti niya nang mapait.

"Yeah, whatever," sabi niya.

***

Mabilis lang dumaan ang gabi. Nasa parte na ng party kung saan nagsasayawan na sa gitna ang mga tao. Busy pa rin si Adam sa pagce-cellphone kaya nag-aalangan akong yayain siya. Pero nilakasan ko na lang ang loob ko at kumapit sa braso niya.

"Babe, sayaw tayo," sabi ko.

Sa pagkagulat ko ay nagkibit lang siya ng balikat at tumayo. Mabilis namang ngumiti ako at kumawit sa braso niya.

Tahimik lang kami habang sumasayaw sa gitna ng dance floor. Slow music kasi 'yon kaya naman magkayakap lang kaming sumasayaw sa gitna.

Nasa kalagitnaan ng kanta nang mapansin kong naglakad papunta sa gitna ng dance floor sina Mica at Liam. Sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ko mapigilang maya't-mayang mapatingin sa kanila. Para bang may magnet ang dalawa at laging napupunta ang tingin ko sa dako nila.

Mabilis na iniiwas ko ang tingin ko sa tuwing mapupunta 'yon sa kanila. Pero nang huli ay nagtama ang mga tingin namin ni Liam. Nakatitig lang siya sa akin at hindi inaalis ang tingin. Naco-conscious ako pero hindi ko pa rin magawang umiwas nang tingin sa kanya.

Napasinghap na lang ako nang habang nakatitig pa rin sa akin ay yumukod si Liam at hinalikan si Mica. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at bigla na lang kumirot ang dibdib ko.

"Bakit?" tanong ni Adam.

Mabilis na tumingin ako sa kanya at umiling.

"It's nothing," sabi ko.

Para hindi na makita kung ano man ang nasa paligid ay isinubsob ko na lang ang mukha ko sa dibdib ni Adam.

Nang matapos ang kanta ay bumalik na rin kami sa upuan namin. Naroon na si Liam pero wala si Mica. Nagtataka man ay hindi ko matanong si Liam kung anong nangyari rito.

"Sorry, Gen. I have to go. May emergency lang sa banda," sabi ni Adam.

Napatingin ako sa kanya at wala nang nagawa kundi ang tumango.

"Sige, ingat ka pag-uwi," sabi ko.

Hinalikan niya pa ako sa pisngi bago siya mabilis na umalis. Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan ang papalayong bulto niya.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon