Chapter Twenty-six

8.1K 269 34
                                    

"Wake up, wife!" dinig ko ang boses ni Liam sa tenga ko pero ayoko pang dumilat. Masyado pa akong inaantok dahil madaling araw na kaming nakarating at hindi rin ako nakatulog agad.

Umungol lang ako bilang sagot.

Mahinang tawa ni Liam ang narinig ko kasunod saka bumulong ulit sa tenga ko.

"Let's eat breakfast. I already ordered room service," sabi niya pa.

Huminga ako nang malalim saka unti-unting dumilat. Nagulat pa akong nasa tapat ng mukha ko ang mukha ni Liam, nakakalang lang ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko kaya hindi siya nakadagan sa akin.

Mabilis na ngumiti siya nang makitang nakadilat na ako saka tumayo.

"Come here," aniya saka pumunta sa may mesa.

Gaya ng sabi niya, naroon na nga ang mga pagkain.

Humikab pa ako saka bumangon. Tumingin ako sa wall clock. Alas-syete pa lang ng umaga. Dahan-dahan pa ang lakad ko papunta sa hapag saka naupo roon.

"Here, eat this."

Naglagay siya ng bread toast, egg, at bacon sa pinggan ko. Tinitigan ko lang 'yon noong una bago kumuha ng tinidor. Bahagyang tumawa siya saka tinanggal ang takip ng isa pang pinggan sa gilid.

"Of course, I didn't forget your pancakes," natatawang sabi niya.

Napangiti ako dahil doon. Actually, 'yon naman talaga ang hinanap ko sa mga pagkain sa hapag.

Tahimik lang kaming kumain. Nang matapos ay hihiga sana ulit ako.

"We're going on a morning walk. Wear these," aniya sabay abot sa'kin ng paper bag.

Hinalungkat ko 'yun. May jogging pants, dri-fit shirt, at underwear.

Hindi na ako nahihiya sa tuwing aabutan ako ni Liam ng underwear. Maraming beses niya na rin kasi akong binilhan nun kapag nagi-stay ako sa condo niya. Parang normal na lang sa'min 'yon.

Nagpunta na lang ako ng banyo at hindi na umangal.

Paglabas ko nang matapos magbihis, saktong isinusuot ni Liam ang shirt niya.

"Ready?" tanong niya.

Tumango lang ako at sumunod sa kanya palabas ng kwarto.

***

Mabilis ang lakad namin ni Liam. Nawala sa isip namin na malamig nga pala at hindi kami nakapagbitbit ng jacket kaya giniginaw kami noong una. Pero tumakbo kami kanina para kahit paano ay mabawasan ang lamig. Sa ngayon, medyo nilalamig na ulit ako kaya naman naglalakad na naman ako ng mabilis.

Nakaka-relax ang lugar. Hindi na kasi ako masyadong nakakarating ng mapunong lugar, pag sinadya ko na lang, kaya naman natutuwa akong narito kami ngayon.

Nagulat akong biglang yumakap si Liam mula sa likod ko.

Napapitlag ako at napatigil sa paglalakad.

"It's cold, wife. Let me stay like this," sabi niya, may kaunting nginig pa sa boses niya.

Hindi ko napigilang matawa.

"Let's go back to the hotel. Baka sipunin ka pa," sabi ko.

Tumango siya at bumitaw sa pagkakayakap. Pero umakbay rin agad siya sa akin at kinuha ang isa ko pang kamay at hinawakan 'yon. Hindi na lang ako umangal at sinabayan siya sa paglalakad.

***

Nakapaligo na si Liam at ako naman, nakatitig lang sa kagubatan na kita mula sa balcony ng kwarto namin.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon