Chapter Six

8.9K 263 15
                                    

"Wow! Umayos siya ha, baka balatan ko siya ng buhay!"

Napatingin kami lahat ng ka-team ko kay Kath ang naka-pwesto sa katapat kong workstation.

"Sapakin na 'yan!" sulsol ng isa sa ka-team kong lalaki.

"Ipa-abang na ba natin sa labas? Kontakin ko na mga tambay sa'min?" singit pa ng isa.

Natawa kami sa mga sinabi nila. Normal lang kasi kay Kath ang mainis at bigla na lang mag-tantrums 'pag may na-receive na hindi magandang feedback sa gawa niya.

Nagulat kami nang bigla na lang siyang tumayo at naglakad palabas.

"Hala, susugod na 'ata," sabi ng katabi ko.

Natahimik kaming lahat at sinundan lang siya ng tingin. Mayamaya ay biglang nagtawanan na naman.

"Wala talagang pumigil e 'no?" naiiling na sabi ko.

Nagsibalik kami sa mga ginagawa namin pagkatapos. Nasa kalagitnaan ako ng pagko-compose ng email nang maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko.

 Nasa kalagitnaan ako ng pagko-compose ng email nang maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[In the photo: 

Incoming call...

Guillermo Benedict Ortega]


Tinitigan ko pa 'yun sandali bago ko kinuha. It's been 3 weeks since we last talked to each other kaya naman nagulat akong tumatawag siya.

"Hello?" sagot ko sa tawag.

Actually, noong pumunta siya sa apartment ko at ibinalik ang wallet ko ang last na nagkita kami. At ang chat ko sa kanya sa facebook ang huling pag-uusap namin.

Akala ko nga na-offend ko siya nun. Nakahiyaan ko na lang na mag-chat uli sa kanya.

"Si Mica, nand'yan? Di niya sinasagot phone niya e," bungad niya.

"Good morning din," sarkastikong sabi ko.

I don't know why pero sa tuwing mag-uusap kami, I feel comfortable in an instant na nagagawa kong magbiro sa kanya.

Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya.

"Good morning, Geney sa botelya. Ano, nand'yan ba si Mica?"

"Mukha ba akong yaya ni Mica?" sabi ko pero tumayo naman na ako at naglakad papunta sa workstation ng huli.

"Actually... yes?" aniya na halatang biro.

Nag-roll eyes ako saka sumagot ulit.

"Wala rito si Mica sa station niya. Nasa meeting 'ata, nandito ang phone niya, kuyang bodyguard," sabi ko.

Tawa lang isinagot niya sa akin doon.

"Alright, sige. Thanks!"

Nagkibit lang ako at ibababa na sana ang tawag nang marinig kong tawagin niya pa ulit ang isinumpa kong pangalan. Buong-buo talaga makatawag!

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon