Nasa kalagitnaan ako ng himbing ng pagtulog ko nang mag-vibrate ang cellphone ko. Hindi ko 'yun pinansin noong una pero nag-vibrate pa ulit 'yun matapos ang ilang sandali kaya naman wala sa sariling kinuha ko 'yun at sinagot ang tawag.
"Hello?"
"Hello, my girlfriend!" narinig kong sabi ng nasa kabilang linya. Halata sa boses nitong lasing na lasing. Nasa background nito ang malakas ng music.
Tinignan ko ang caller ID kahit na alam kong boses ni Liam iyon.
Tinawagan niya ako kagabi para lumabas kami, ang kaso, may event kaming inaayos ng team namin kaya naman nag-OT kami. Kailangan na kasi namin 'yung ma-finalize kaya inabot na rin kami ng halos madaling araw na. Sobrang pagod na rin ako kaya naman hindi na ako pumunta sa sinabi ni Liam na pupuntahan sana namin kagabi.
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Mag-aalas-tres ng madaling araw.
"Hello, Liam! Nasaan ka?" tanong ko.
"Ma'am! Kayo po ang girlfriend nitong si Sir? Naku, mukhang hindi na po nito kayang umuwi e. Baka pwede pong pasundo na. Malapit na rin po kasi kaming magsara. Mga 30 minutes na lang po," ani ng nasa kabilang linya. Ini-assume ko na bartender 'yun dahil nabanggit niyang magsasara na sila.
Tinanong ko kung saan ang bar na kinaroroonan ni Liam at sinabi niya naman 'yun.
Kahit na antok na antok pa ay bumangon ako at nagbihis. Ewan ko ba. Masyado akong mabait na kaibigan at susunduin ko pa talaga 'yung nagpakalunod sa alak na lalaking 'yun.
Mabilis na nag-book ako ng grab car papunta sa sinabi ng bartender dahil hindi ko alam kung saan iyon. Iilan lang naman kasi ang bar na napuntahan ko kasama si Mica o si Liam at normally, hindi sa maingay. Sumasakit kasi ang ulo ko kapag maingay, lalo pa at pakislap-kislap ang mga ilaw.
Halos 15 minutes din ang lumipas bago ako nakarating sa bar na 'yun. Pumasok agad ako at hinanap si Liam. Marami pang tao at halatang lasing na ang karamihan sa mga iyon. May mangilan-ngilan pang humarang sa dinaraanan ko at niyayaya akong sumayaw.
Mabilisan ang ginawa kong paglalakad para maka-iwas, kasabay ng paglingon-lingon sa paligid para hanapin si Liam. Napatigil ako nang makita ko ang pamilyar na bulto niya sa isang bar stool. Hawak niya pa sa isang kamay niya ang baso ng alak pero hindi niya na 'yun iniinom dahil nakatungo na siya sa mesa.
Agad na nilapitan ko siya at tinapik.
"Liam, let's go," malakas na sabi ko sa tenga niya dahil sa lakas ng tugtog.
Halos pikit ang mata niya nang tumingin siya sa akin saka ngumiti. Pagkatapos ay bumaling sa kaliwa niya kahit wala namang tao roon.
"I told you I have a girlfriend!" aniya na ikina-roll eyes ko.
Napatingin ako sa bartender na sa tingin ko ay ang kumausap sa akin kanina.
"Kanina pa po kasi siya nilalapitan ng mga babae. Noong una nakikipag-usap siya pero nung nalasing, pinapa-alis niya lahat," paliwanag ng lalaki.
Tumango ako saka ngumiti. "Salamat ha," sabi ko saka pilit na itinayo si Liam.
Mabigat siya lalo na't lasing pa pero pinilit kong maakay siya palabas ng bar. Hindi ko na kinaya ang bigat niya nang makalabas kami kaya naman iniupo ko siya sa sidewalk at naupo na rin ako roon.
"Iinom-inom kasi, hindi naman kaya!" inis na sabi ko sabay kinutusan pa si Liam. "Tapos ako pa ang naisipang tawagan. Ngayon pa talagang sobrang pagod ako sa trabaho," pagmamaktol ko kahit na hindi niya naman naririnig.
Tinignan ko ulit si Liam na nakatungo. Nakakalang lang ang mga braso niya sa mga hita niya at malapit nang matumba. Hinila ko agad siya bago pa siya tuluyang mapasubsob.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...