Chapter Fifteen

8.2K 252 20
                                    

"Nagkita kayo ni Andi kahapon?" tanong ni Mica.

Nasa pantry kami at kumakain ng lunch.

"Yup. Binigay niya sa'kin 'to," sabi ko saka ipinakita ang sapatos na bigay ni Andi.

"Talagang binilhan ka niya ha?" natatawang sabi ni Mica.

Though joke lang naman talaga 'yung pangungulit ko sa kanya na bilhan niya ako ng sapatos, binilhan niya pa rin ako dahil baka raw umiyak pa ako.

Naka-isang linggo na ring nakabalik si Andi at kahapon ko lang siya na-meet ulit dahil sobrang busy niya pa rin at mas madalas din akong lumalabas dahil may nagyayaya. Speaking of the devil, nag-text siya.

[In the photo: Text messages with Liam Pogi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[In the photo: Text messages with Liam Pogi

Wednesday, December 21, 2016; 

Liam <12:24pm>: Girlfriend alert!

Gen <12:25pm>: Noted.


Napa-iling na lang ako matapos reply-an ang text niya. Hanggang ngayon, natatawa pa rin ako sa ipinangalan niya sa sarili niya sa phone ko. Pati sa picture na siya mismo ang kumuha. Pinalitan niya 'yan noong gabi na mag-inom kami sa apartment niya.

"Si Liam?" tanong ni Mica.

Tumango ako.

Nasanay na siyang madalas kaming magkasama ni Liam at alam niyang magkaibigan lang talaga kami. Never na siyang nag-isip ng iba dahil kung minsan, kasama naman namin siya.

Kahit na hindi siya nagtatanong, alam kong hinihintay niyang sabihin ko kung anong sinabi ni Liam kaya sinabi ko na rin.

"Nag-alert lang siya na may girlfriend siya ngayon," sabi ko.

Tinignan ako ni Mica sa nagtatanong na mga mata. Tumawa ako ng kaunti dahil sa hitsura niya.

"Alert lang. Parang sa NDRRMC. Ina-alert niya lang ako na may girlfriend siya ngayon at siya muna ang magyayaya if ever lalabas kami or tayong tatlo," sabi ko at tumango-tango si Mica.

Most of the time kasi, ako na rin ang nagsasabi kay Mica dahil naging busy masyado siya. Bukod sa trabaho niya sa opisina ay may mga ibinibigay pa sa kanyang trabaho ang kuya niya. Mas okay na rin na busy siya dahil nakakalimutan niya ang tungkol kay Xander. Mas nakikita ko na ngang ngumingiti siya ngayon.

Patapos na kami ng pagkain nang mag-ring ang phone ko.

Unknown number 'yun. Nag-hesitate akong sagutin pero sinagot ko na rin matapos ang ika-limang ring.

~*~

Hindi ako maka-concentrate sa trabaho. Galing sa half-sister ko ang tawag kanina at pinapa-punta ako sa bahay nila. Mukhang may problema pero ayaw niyang sabihin sa akin at pumunta na lang daw ako roon.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon