Private burial ang ginawa namin. Maraming reporter and nagtangka na i-cover ang burol pero napigilan 'yon ni Liam. May mga tao siyang kinuha para masigurong walang makakapasok dito sa chapel na hindi namin kamag-anak o kaibigan.
Isang araw lang ang balak namin na burol. Kinabukasan din ay ililibing na ang mother ko dahil wala naman kaming hinihintay na kailangang magpaalam sa kanya. Siniguro rin naming hindi 'yon malalaman ng press para hindi nila ma-cover.
Sa buong araw ay nasa tabi ko lang si Liam. Siya ang nag-aasikaso ng lahat ng kakailanganin ko kahit na sinabihan ko naman siya na kaya kong mag-isa.
"Girl, alis na kami. Babalik kami bukas," paalam ni Andi. Kasama niyang aalis sina Mica, Xander, Claire, at Josh. "Ikaw nang bahala dito sa kaibigan namin ha?" sabi niya pa kay Liam.
Bahagyang ngumiti ako sa kanila saka tumango.
"Mag-iingat kayo," sabi ko.
Noon pa man ay alam na nila ang tungkol kay Mama. Nabanggit ko 'yon sa kanila isang beses na nagtanong sila. That was the time na sobrang daming controversies patungkol sa mother ko pero wala silang sinabi na masama. Nai-cheer up pa nila ako at sinubukang pabulaanan ang mga tsismis na 'yon. Kesyo masyado lang marami ang naiinggit kay Mama.
I never told them about Liam's father though. And I don't think I'll ever will. Mas okay na sigurong sa amin na lang ni Liam ang bagay na 'yon.
Hindi na sila nagpahatid palabas. Isa-isa lang nila akong niyakap bago umalis.
Matagal na nakatitig lang ako sa kabaong sa unahan habang naka-akbay sa akin si Liam na tahimik lang din. Ang kaibigan ni Mama ay nasa kabilang upuan at umiidlip.
"Gen, Liam..."
Sabay na napalingon kami sa nagsalita. Napatayo rin kami bigla nang matantong ang ama 'yon ni Liam.
"Papa," sabi ni Liam at tumingin pa sa pinto marahil ay para tignan kung kasama nito ang Mama niya. Pero walang pumasok roon kaya bumaling uli siya sa ama niya.
"My condolences, Gen. I have no idea you're her daughter," sabi nito, may pagtataka pa rin sa mukha.
Tipid na ngumiti ako. Malamang ay nakita niya ang balita tungkol sa pagkamatay ni Mama. Nalaman lang din namin kanina na may reporter na naglabas ng identity ko at isinama sa balita.
"She mentioned before that she has a daughter pero hindi niya na kasama."
Tumango ako. "Iniwan niya po ako sa pangangalaga ng tiyahin ko, na kapatid ng Papa ko, noong sanggol pa ako. I just had a chance to be with her lately but then—"
Hindi ko napigilang mapahikbi at hindi na natuloy ang sinasabi ko. Si Liam naman ay automatic yumakap sa akin at hinaplos ang buhok ko.
Nasa ganoong tagpo kami nang may magsalita mula sa pinto.
"What's this?" galit na mukha ng Mama ni Liam ang sumalubong sa amin.
Hindi kami nakahuma dahil mabilis na naglakad siya palapit sa amin.
"Pinlano niyo ba 'tong mag-ina? Ang tuhugin ang mag-ama ko? Nang hindi siya nagtagumpay na makuha ang asawa ko, pina-akit niya naman sa'yo ang anak ko?"
Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Kahit na alam kong wala naman akong gaoong plano ay hindi ko pa rin napigilang ma-guilty dahil itinago namin sa kanya ang totoo.
"Mama! What the hell are you talking about?" ani Liam. Ihinarang niya pa ang sarili niya sa pagitan namin ng Mama niya.
"Can't you see it, Liam? Nalason na bang talaga ng babaeng 'yan ang utak mo? Sinadya niyang mapalapit sa'yo at akitin ka! Katulad din ng malandi niyang ina!"
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Kahit kailan, hindi ko binalak ang mga sinabi niya. At oo, may kasalanan ang ina ko pero hindi ko maatim na pagsalitaan niya na lang ito basta dito pa mismo sa burol nito.
"Layuan mo ang anak ko! Hindi ko matatanggap na magkaroon ng kahit na anong kaugnayan sa babaeng 'yan!" pasigaw pa ring sabi niya.
Doon na naubos ang pagtitimpi ko at hinarap ko siya.
"Kahit sa panaginip, hindi ko naisip ang mga ibinibintang niyo sa akin! At baka nakakalimutan niyo? Kayong mag-ina ang nagpumilit na pumasok sa buhay ko!"
Hindi ko napigilan ang mabilis na pagtulo ng mga luha ko.
"Gen..." ani Liam at mabilis na pinunasan ang mga luha ko.
Ang ina ni Liam, pagalit na tumingin lang sa akin pero hindi na nagsalita. Kapagkuwan ay naglakad din siya palabas ng chapel kasunod ng ama ni Liam na apologetic na tumingin sa akin.
"I'm sorry, wife. Kakausapin ko si Mama, okay?" sabi ni Liam.
Hindi ako sumagot at umiyak lang.
Kahit na sandali ay hindi ko naisip na magagawa akong pagsalitaan ng ganun ng Mama ni Liam. Mula simula ay sobrang bait niya sa akin at ramdam ko kung paano niya akong itinuring na sarili niyang anak.
Ngayon, bukod ng pagkawala ng tunay na ina ko ay ramdam kong tila nawalan pa ko ng isa pang ina.
***
Tahimik na natapos ang libing ni mama.
Kami kami lang ang naroon dahil hindi rin naman nagkaroon ng maraming kaibigan si Mama. Ang kaisa-isang kaibigan niya lang na naroo't punong-abala sa burol at libing niya.
Nagpunta si Papa at ang asawa niya para damayan ako. Pati ang mga kaibigan ko ay naroon rin
Sakay ng kotse ni Liam ay inihatid niya ako pauwi sa apartment.
Sa buong gabi hanggang sa libing ay hindi ko kina-usap si Liam. Pero naroon pa rin siya at inaasikaso ako. Hindi namin pinag-usapan ang tungkol sa mga sinabi ng mama niya, pero sa tuwing may pagkakataon ay humihingi siya ng sorry.
Naupo ako sa sofa nang makapasok sa apartment. Sumunod din naman agad si Liam at naupo sa tabi ko.
"Magpahinga ka na. Teka, ikukuha kita ng bihisan," sabi niya at tumayo.
"Let's stop this," sabi ko na nagpatigil sa kanya.
Ramdam kong nakatitig siya sa akin pero hindi ko sinasalubong ang tingin niya.
"What are you talking about?" tanong niya kahit na alam kong alam niya kung anong sinasabi ko.
Dahan-dahang inalis ko ang singsing na ibinigay niya sa akin noon. Kahit kailan ay hindi ko 'yon inalis mula nang araw na maging official kami. Inilapag ko 'yon sa center table at tinitigan.
"Don't do this, Gen," pagmamakaawa niya. Nag-squat pa siya paharap sa akin, pilit na sinasalubong ang tingin ko. Hinawakan niya ang mga kamay ko at mahigpit na hinawakan ang mga 'yon.
"We shouldn't have even pursued with this relationship when we found out the truth."
"We can figure this out. Please—"
Inalis ko ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Let's break up," pinal na sabi ko bago tumalikod at pumasok sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...