It's been 2 weeks mula nang huli kong makita si Liam. Simula noong hinatid ko siya sa unit niya pagkatapos ng kasal ni Mica at Xander ay hindi na siya nagpakita sa akin.
"Busy lang 'yon," napatingin ako kay Andi na nagsalita bigla.
"Huh?" tanong ko.
Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niyang busy. Kung may sinasabi man siya bago 'yon ay hindi ko narinig. Masyado okupado ang utak ko.
"Sabi ko, 'yong iniisip mo, busy lang. Masyado kang drama queen d'yan, tapos hinahanap mo naman," sabi niya.
"Hindi ko siya hinahanap, okay?"
"Hindi ko siya hinahanap, okay?" animated na ulit niya sa sinabi ko.
Inirapan ko na lang siya at inabutan ng burger.
"Ayan, kainin mo na lang 'yan nang mapuno 'yang bibig mo at wala ka nang masabi."
Nag-make face pa siya sa akin bago naman kumagat sa burger.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at itong si Andi pa talaga ang niyaya kong lumabas ngayon. Sobrang bored lang talaga ako sa bahay kaya sinabihan ko siyang ililibre ko siya. Tuwang-tuwa naman ang gaga dahil first time ko raw man-libre—which is not true. Nanlibre na kaya ako ng candy before!
"Ang sarap talaga ng libre!" sabi niya habang ngumunguya. Halos hindi ko na nga 'yon naintindihan dahil punom-puno ang bibig niya.
Tinignan ko siya nang masama.
"Kain lang, para tumaba ka at mas mahal kitang mabenta sa palengke."
Umirap siya sa akin saka napatingin sa gilid. Nagningning agad ang mga mata niya nang makita ang lalaki roon.
Natawa na lang ako at pumitik sa harap niya.
"Gaga ka, baka matunaw!" sabi ko.
"Ang gwapo, 'te. Taken na kaya?" sabi niya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa lalaki—si Patrick.
"I think so. Matagal ko siyang hindi naka-usap so hindi ako updated," sabi ko.
Doon napatingin sa akin si Andi sa nanlalaking mga mata.
"Kilala mo?" tanong niya.
Ngumiti ako saka tumango.
Nawala sa isip ko na first time niyang makarating dito sa Lovie Patty kaya naman never niya pang nakita si Patrick.
"Siya ang may-ari nitong resto, gaga ka. Kaya tigilan mo kakatitig baka mapalayas tayo nang wala sa oras."
"Fine!" sabi niya sabay irap. "Oo nga pala, nakita ko 'yong Fafa mo sa resto kahapon," aniya.
"Si Papa?" tanong ko.
"Gaga! Hindi 'no! 'Yong ex mong ex din ng isa nating friendship!" sabi niya. "Hindi ko na sana sasabihin sa'yo 'to pero na-konsensya bigla ang beauty ko kasi pinalamon mo ako. Yeah, I know ex mo na, pero dahil ganyan ang hitsura mo, I assume you haven't moved on. So, para maka-move on ka, ito... may kasamang supermodel 'yong si Liam kahapon. Naka-abresyete pa sa kanya 'yong babae habang naglalakad sila."
Parang may pumiga sa puso ko pero pinilit kong ngumiti. Kung tama ang hinala ko, iisang babae lang 'yon.
"That's good. At least hindi niya na ako guguluhin kahit kailan." I heard my voice crack at the last word pero pinilit kong hindi 'yon ipahalata kay Andi. Ngumiti pa rin ako at tumingin sa kanya.
"Alam mong hindi tugma sa expression ng mukha mo 'yong sinasabi mo 'di ba? You don't have to pretend in front of me, girl. Kaibigan mo ako. It's okay kung nasasaktan ka. Normal 'yan. Ilang linggo pa lang naman kasi ang nakakaraan," sabi niya.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...