"Prob?" tanong ko kay Liam nang iabot ko ang baso ng tubig.
Kakagaling lang namin ng airport mula Australia at nagsabi siyang magpapahinga muna rito sa apartment ko.
Tipid na ngumiti siya, ibinaba ang baso sa center table at sumenyas na yakapin ko siya. Agad naman akong naupo sa tabi niya at yumakap sa beywang niya.
"Tired?" tanong ko, baka kasi 'yon lang ang dahilan kaya mukhang malalim ang iniisip niya.
Naramdaman ko ang pagtango niya mula sa pagkakapatong ng ulo baba niya sa ulo ko.
"You can stay here as long as you want," sabi ko saka pumikit.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko saka ako niyakap pa nang mas mahigpit.
Matagal na tahimik lang kami ni Liam hanggang sa magsalita na lang siya bigla.
"I'm worried about my parents," sabi niya.
Napa-angat ang tingin ko dahil sa sinabi niya. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya, naghihintay ng susunod na sasabihin niya.
"Austin called me while we were in Australia. He told me my parents fought again." Umiwas siya ng tingin sa akin, tumungo bago nagpatuloy. "It's about that woman again. Something happened and my dad insisted on helping her, of course, my mom got angry."
Hinawakan ko ang kamay niya para iparamdam na magiging okay ang lahat.
Sandaling nag-isip siya bago tumingin sa akin.
"Remember that article you were reading while we're in Pinnacles?"
Napatigil ako bago dahan-dahang tumango.
"Did you know how guilty I was because of what goes through my mind the moment I read that article? Sabi ko sa isip ko, 'she deserves it. That's her punishment.'"
Ngumiti nang mapait si Liam bago nagsalita ulit.
"That woman in the article...that's my father's mistress."
***
Kanina pa ako nakatitig sa article. Parang binibiyak ang ulo ko dahil sa gulo ng isip ko. Hindi ko alam kung anong gagawin.
Hindi ko inaalis ang tingin ko sa phone ko nang may tumawag roon, ang Tita Agnes.
"Tita, napatawag ka?" sabi ko, pinilit kong pasiglahin ang boses ko.
"Pinuntahan mo na ba siya?" bungad na tanong niya.
Huminga ako nang malalim saka sumagot.
"I don't think it's necessary, Tita," simpleng sagot ko.
Sandaling tahimik siya sa kabilang linya. Magsasalita na sana ako nang maunahan niya ako.
"Hindi kita pinalaki ng ganyan, Gen. Gawin mo kung anong tama. Ilang beses na raw tumawag ang ama mo sa'yo pero hindi ka pa rin pumupunta."
Napapikit na lang ako nang mariin at bumuga ng hangin.
"Okay, Tita. I'll think about it—" naputol ang sinasabi ko nang may kumatok sa pinto. "Ah, Tita, may bisita 'ata ako. Tawagan na lang kita mamaya," sabi ko saka ibinaba ang tawag.
Galing sa loob ng kwarto ay pumunta ako sa kinaroroonan ng pinto. Tatanungin ko na sana kung sino ang naroon nang marinig ko ang boses ni Liam.
"Gen, open up, please?" mahina lang ang pagkakasabi niya pero dinig na dinig ko 'yon.
Dahan-dahang binuksan ko ang pinto. Nag-aalalang mukha ni Liam ang bumungad sa akin.
Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto para papasukin siya.
Pagkapasok niya ay hindi siya naupo. Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Is there something wrong? Did I do something?" tanong niya, kita ang pagkabalisa sa mukha niya.
Limang araw na rin ang dumaan mula nang dumating kami mula Australia. Magmula ng araw na 'yon, hindi ko malaman kung paano ko siya pakikitunguhan. Hindi ko alam kung paano haharapin ang katotohanang natuklasan ko.
Yumakap ako sa beywang niya at isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya.
"Can I stay with you tonight?" tanong ko.
Inalis ni Liam ang pagkakayakap ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Malungkot na sinalubong ko ang tingin niya.
Tipid na ngumiti naman siya at tumango.
"Of course."
***
Kanina ay inusisa ako ni Liam kung anong nangyayari sa akin. He concluded na sobrang pagod ako sa trabaho. Marami rin kasing natambak na trabaho sa'kin dahil isang linggo rin akong nawala.
He decided to cook for me. Pinanood ko lang siya habang nagluluto siya. Maya't-maya siyang tumitingin sa akin at sinasalubong ko naman ng ngiti ang bawat tingin niya.
Nang matapos kumain ay tumambay kami sa veranda habang umiinom ng kape. Sinabihan ko na kasi siya na iwasan ang sobrang pag-inom ng alak dahil makakasama 'yon sa kanya pagtagal. Walang namang reklamo na sumunod siya.
Mayamaya ay ibinaba ko ang tasa ng kape sa maliit na mesa na naroon saka yumakap sa likod ni Liam.
"Liam..." bulong ko.
"Hmn?"
"Gaano mo ako kamahal?"
Medyo natawa siya sa tanong ko. Inalis niya pa ang pagkakayakap ko at humarap sa akin. Mariing hinalikan niya ang mga labi ko saka pinisil ang ilong ko.
"What kind of question is that?" sabi niya habang nakangiti pa rin.
Hindi ako sumagot at seryoso lang na tumingin sa kanya. Napansin niya naman 'yon at naramdamang kailangan niyang sagutin ang tanong ko, kaya huminga siya nang malalim saka humawak sa magkabilang balikat ko.
"I don't know how much, okay? I don't think it can even be measured." Hinaplos niya ang pisngi ko saka nagpatuloy. "I've never felt this way to any other woman before. I just love you so damn much that it pains me to see you like this," aniya. "Can you please tell me what's wrong? I've been worrying about you these past few days."
Hindi muna ako sumagot at yumakap sa beywang niya.
"Have I ever told you about my mother?" tanong ko.
Hinaplos niya ang buhok ko bago sumagot.
"Just one time. But you didn't really go into details. It's just that she left you when you were just a baby," sabi niya.
Tumango ako.
"She never went to see me. Kahit kailan, hindi ko naramdaman ang pag-aalaga niya. Sa tuwing may sakit ako, hindi nanay o mama ang iniiyak ko, kundi 'Tita'. Alam ko kasing kahit na anong sigaw ko sa pangalan niya, hindi naman siya darating. Kahit anong tawag ko, walang ina na mag-aalaga sa akin."
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko at mahinang paghikbi.
"All my life, I've been looking for a mother's love. Kahit na nariyan ang tita ko, iba pa rin kasi kung mismong nanay mo ang nand'yan e."
"Alam mo kung anong mas mahirap?" pagpapatuloy ko. "'Yong alam mo kung sino siya. 'Yong alam mo kung nasaan siya. 'Yong nakikita mo siya kahit na saan ka lumingon pero hindi mo siya mahawakan. The most difficult part is, you can't even tell anyone she's your mother."
Tumingala ako kay Liam.
"Liam... Cristina Cruz, your father's mistress... she's my mother."
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...