Nakangiti pang tinitigan ko si Liam habang kumakain siya ng burger. I don't know why but even the little things he does, I find it so adorable.
Nakapangalumbaba pa ako sa harap niya at hindi kumakain.
"Are you done eating? Halos 'di mo nagalaw 'yang burger mo ha?" sabi niya nang mapansin na hindi ako kumakain.
Ngumiti ako sa kanya at umiling.
"I just love watching you," sabi ko na ikinangiti niya. "Do you like it?" tanong ko at inginuso ang burger.
Tumango siya bago kumagat muli roon at maganang ngumuya. Kahit hindi ko itanong, kitang-kita naman sa pagkain niya na nagustuhan niya 'yon.
We're here in Perth, Australia at dinala ko siya sa burger place na kinainan ko 18 months ago. Noong panahon 'yon na nagpunta ako rito para dalawin si Tita at i-celebrate na rin ang birthday ko at the same time. Nandito rin kami ngayon for the same reason, para dalawin si Tita at maipakilala ko siya.
Si Liam ang nag-insist na pumunta kami rito. Siya ang nag-asikaso ng lahat at pinag-file lang ako ng leave of absence for a week.
It's Monday today at dumating kami kaninang umaga. Nag-check-in lang kami sa hotel at nagpahinga sandali, pagkatapos ay lumabas na rin at naggala. Nag-rent si Liam ng sasakyan para hindi kami mahirapan sa paglilibot namin lalo na't sa Wednesday ay pupunta kami ng Fremantle kung saan nakatira sina Tita at ang asawa niya.
They married 5 months ago. Hindi ako nakapunta dahil malaki ang gastos papunta rito. Kahit si Tita ay nag-insist na 'di ko kailangang pumunta at kapag naka-ipon na lang saka ako dumalaw... but now, Liam paid for everything so we're here. I told him I should pay at least some of our expenses, but he insisted he pay for everything.
Napabalik ang isip ko sa kasalukuyan nang subuan ako ni Liam ng fries.
"Ang lalim ng iniisip mo ha?" sabi niya.
Ngumiti ako at nagsimula na ring kumain. Inubos ko muna ang laman ng bibig ko saka ako nagsalita.
"I just can't believe we're here. I remember the last time I ate here, I was thinking of you. Now you're here in front of me," sabi ko.
Napatitig siya sa akin bago siya tila nahihiyang ngumiti.
"Why? Because you can't forget what we shared in the gazebo? You can't forget my lips?" pang-aasar niya, tinutukoy ang "first kiss" namin which happened before I came here the last time.
Inirapan ko siya saka ako uminom ng soft drinks.
"Not really," sabi ko. Nakatingin lang siya sa akin at naghihintay ng susunod na sasabihin ko. "Well, you've kissed me a lot of times before that while you were drunk, remember? You even..."
Sinadya kong putulin ang sinasabi ko.
Naningkit bigla ang mga mata niya bago siya ngumuso.
"You really are an evil woman. How can you make me remember that? The last time we—" Pumikit pa siya nang mariin saka huminga nang malalim. "Eat up," sabi niya saka siya uminom ng soft drink.
Hindi ko napigilang matawa sa kanya.
"The last time we what?" panunudyo ko sa kanya.
Sumimangot lang siya at umiwas ng tingin sa akin.
He actually called me "Evil wife" for a few weeks after his birthday... matapos niyang mabitin nang iwan ko siya sa ere. We never did it again even after we officially dated. Na-trauma na 'ata.
***
Hindi ko mapigilang mamangha sa view mula sa floor-to-ceiling window ng kwarto namin ni Liam dito sa hotel. Kita rito ang Swan River pati na rin ang Perth city skyline at talaga namang magandang pagmasdan ang mga ilaw habang gabi.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...