Chapter Twenty-five

8.3K 306 33
                                    

Liam

"Gen!"

Susundan ko na sana si Gen nang maramdaman ang kamay ni Bella, my current fling na ngayon lang ay sinubukan kong hiwalayan gamit ang tactic na pagpanggapin si Gen na girlfriend ko.

I looked at her and her hand on my arm.

"That wasn't necessary, you know?" she smirked. "You know I'll let you go whenever you want."

Ngumiti ako at dahan-dahang hinila ang braso ko. I know she'll let me go when I want to but I suddenly thought of Gen this morning.

"Where's the fun in that?" I said.

She rolled her eyes on me. "You know, you should stop these games, Liam..." Lumingon siya sa labas at napatingin rin ako roon. Gen wasn't there but I know where she went. "Before you lose that woman."

She shook her head and walked out.

Naiiling na sinundan ko siya ng tingin.

"No, I won't lose her. Why would I?"


Gen

Kanina pa ako lingon nang lingon sa paligid pero ni anino ni Liam ay hindi ko makita. Kakatapos ko lang magpanggap for the 3rd time na girlfriend niya at heto ako ngayon at hinihintay siya.

"Anong nangyari doon? Na-kidnap na 'ata nung ex niya," bulong ko saka inilibot ulit ang mga mata ko.

Bumuntong-hininga ako at tumingin sa malayo.

Grabe, medyo pagod pa ako dahil malayo ang mall na 'to sa opisina. Dito ako dumeretso galing doon. Namroblema pa akong wala akong masakyan na grab o taxi kaya sumakay ako ng shuttle, jeep at MRT. Kaya heto, ang sakit ng katawan ko. Nangawit ata sa pagsiksik ko sa MRT.

Nakatulala pa rin ako nang may cup ng ice cream na biglang humarang sa paningin ko.

Tumingala ako at nakangiting mukha ni Liam ang bumungad sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya at kinuha ang ice cream.

"Ba't ang tagal mo?" reklamo ko.

"Hinanap ko pa 'yang ice cream na 'yan. Saka ginawa pa e. Sabi mo gusto mo 'yan 'di ba?"

Naalala ko nang sinabi ko sa kanya na gusto ko nitong ice cream na 'ito. Handmade kasi at nakakatuwa rin na mga deaf mute ang staff nila bilang suporta na rin sa mga ito. Bibihira lang din kasi ang store na sumusuporta sa disabled

"Thanks!" sabi ko saka sinumulan 'yong kainin.

Napansin kong wala siyang ice cream kaya naman sumandok ako nun at itinapat sa bibig niya.

"Tikman mo," sabi ko.

Tinikman niya naman agad 'yon saka tumango-tango.

"It's good. By the way, where do you want to have dinner?" tanong niya habang lumilingon pa sa paligid.

Nagkibit ako ng balikat at lumingon na rin sa paligid.

"Kung saan walang masyadong tao," sabi ko. Sobra na kasi akong gutom at alam ko namang walang pakialam si Liam kung magkano man ang presyo ng pagkain.

Iniabot niya ang kamay niya sa akin at kinuha ko naman 'yon.

Pumasok kami sa pinaka-unang restaurant na nadaanan namin na konti lang ang tao.

Habang kumakain ay bigla na lang yumukod si Liam sa harap ko.

"Baguio tayo," sabi niya.

Napatitig ako sa kanya sandali. "Ngayon na?" tanong ko.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon