Chapter Eight

8.7K 245 5
                                    

Gen

"Ang ganda naman ng vibes dito!" bungad ni Claire pagka-upo niya pa lang ng upuan.

"Yup. Last week ko lang na-try dito at talagang nagustuhan ko 'tong lugar kaya dito ko kayo gustong i-meet today. Sayang lang wala pa si Andi girl," ani Mica.

Nandito kami sa Lovie Patty, isang resto sa katabing bayan. Nag-i-specialize sila sa burger pero marami na rin silang ibang menu. Mukhang marami silang regular customer dahil napansin kong halos kilala na ng mga waiter ang ibang customers.

"Video call natin si Andi. What time ba dun ngayon?" si Mica.

"Two pm. Try natin i-chat baka pwede siya kahit sandali," sabi ko.

Si Claire ang kumuha ng phone niya para i-contact si Andi. Pag ako kasi, panigurado hindi sasagutin nun. Kanina lang kasi inasar ko na naman siya.

It has become my habit to tease Andi. Ang sarap niya kasing asarin dahil pikon.

Habang kino-contact ni Claire si Andi ay nag-order naman kami ni Mica sa lumapit na waitress.

"Ayan na!" nakangiting sabi ni Claire saka iniharap sa amin ang phone niya. Nasa screen si Andi at mukhang lumabas ng opisina.

"Break time lang namin sa training sandali. Need ko rin bumalik agad sa loob," mabilis na sabi ni Andi. Kumaway pa siya sa amin ni Mica saka nagsalita ulit. "Happy birthday Mica loves!" nag-gesture pa siya ng pag-flying kiss pagkasabi nun.

"Thanks, Andi girl! Miss ka na namin!" ani Mica.

"Ako rin, miss ko na kayo." Sumimangot pa siya at nag-pout. "Di bale, ilang week na lang babalik na ako. Out of town tayo pagbalik ko."

"Basta ba sagot mo e!" singit ko.

"Hay naku kang babaita ka! Gumastos ka naman kahit konti!" singhal niya sa akin na ikinatawa naming tatlo nina Mica at Claire.

"Hoy, gumagastos naman ako! May priorities lang! Pag napagawa ko na 'yung dream house ko kahit ako pa sumagot ng gala, gora!"

Ngumiti si Andi. "Sabi mo 'yan ha! Kaso kelan naman kaya 'yun? Mag-asawa ka na lang ng mayaman!" tumatawang sabi niya. Napatingin siya bigla sa gilid niya saka nagmamadaling naglakad.

Nakatingin lang kami sa kanya habang halos patakbo siyang maglakad.

"Girls! Gotta go! Magsisimula na ulit 'yung training namin. Bye! Mwuah!"

"Bye! Ingat ka d'yan!" halos sabay-sabay na sabi naming tatlo.

Ilang minuto lang din ay dumating na ang mga order namin. Marami kaming napag-kwentuhan kahit na hindi naman ganun katagal simula nang huli kaming magkita-kita. Ganito lang talaga kami, kahit ano kasi pinag-uusapan namin.

"Ikaw naman, bruh. Ingat-ingat ka ha. Baka ikaw naman ang masaktan!" biglang sabi ni Mica maya-maya.

Napaturo ako sa sarili ko habang nakatingin sa kanya.

"Bakit?" tanong ko.

Umirap si Mica sa akin saka nagsalita. "Alam mo naman ang ginawa niyang si Liam dati 'di ba? I know he's attractive. Kaya nga ex ko 'yun e. Mabait din siya, oo, at sabi ko nga mabuti siyang kaibigan. Pero kung—"

'Di ko siya pinatapos ng pagsasalita. Tinapik ko agad ang braso niya at may itinuro. Tutal, 'di ko naman talaga siya pinakikinggan. Dahil sabi ko nga, wala naman akong balak na maging more than friends ang status namin ni Liam.

"Sino 'yun?" bulong ni Claire. Napatingin rin kasi siya nang ituro ko ang lalaki.

"Dunno. Kaya ko nga itinuro kay Mica e." Bumaling ako kay Mica kapagkuwan. "Kilala mo?" tanong ko.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon