Chapter Forty-four

7.7K 309 30
                                    

"Since I know that Liam's parents wanted a daughter-in-law who can sing, Gen should sing for us, right?"

Napaturo ako sa sarili ko dahil sa non-sense na sinabi ni Betty. In the first place, hindi ako girlfriend ni Liam kaya wala akong dapat patunayan. At anong klaseng pagpapatunay ang sinasabi ng gagang 'yan?

Naramdaman ko bigla ang bilis ng tibok ng puso ko. Kahit naman kasi wala akong dapat na patunayan, napapahiya ako dahil nakatingin sa'kin ang lahat.

"You don't have to do it," bulong sa akin ni Liam.

"She should prove her worth, right?" sabi pa ulit ni Betty mula sa stage.

Pinilit kong ngumiti at kinalma ko ang sarili ko. Kung wala lang ibang tao dito iniuntog ko na sa pader 'yang babaeng 'yan e.

Nagulat pa ako nang bigla siyang bumaba ng stage at hinila ako paakyat. Nakakalokong ngumisi pa siya sa akin saka ako iniwan doon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bababa na sana ako nang may dalawang babae na umakyat sa stage at hinawakan ako sa kamay.

"Don't worry, we got you," sabi ng isa.

Sa pagkaka-alala ko ay ipinakilala siya kanina na pinsan ni Liam. 'Di ko lang maalala ang pangalan niya.

May mga tinanong sila sa akin na kanta at thankfully, alam ko ang mga 'yon. Parang wala na ako sa huwisyo dahil sa mga nangyayari at nakisabay na lang sa agos. Nag-panic pa ako bigla nang marinig ko kung ano ang kanta. Malay ko ba naman kasi kung anong part ang ibibigay sa'kin.

"I'll do the rapping," sabi ng isa pa. "You sing the second verse," aniya pa.

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Buti naman, kasi naman paniguradong magkakalat ako 'pag ako ang nag-rap.

Napatulala pa ako nang magsimulang kumanta ang isa sa kanila. Liam was right, they really are great when it comes to music. Lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko.

Ano naman kasing laban ng boses ko sa mga 'to?

Kabadong-kabado ako habang hinihintay ang part ko.

Nang malapit na akong kumanta ay hinawakan ng isa ang kamay ko at ngumiti. Nakalma ako ng konti at pumikit na lang saka nagsimulang kumanta.

Pagkadilat ko ay nakita ko ang mga nakangiting mukha ng nanonood. Pumapalakpak pa sila kasabay ng beat. Nang tignan ko si Liam ay kita sa mukha niyang proud na proud siya.

Nang matapos namin ang kanta ay pumalakpak ang lahat. Nagsitayo pa sila para batiin kami.

"I think you should sing one more song by yourself," sabi sa akin ng isa.

Nag-panic ako bigla at hinawakan ang kamay niya para hindi nila ako iwan sa stage.

"You're great, girl. Do it. I'm sure you'll do a great job."

Wala na akong nagawa nang bumaba sila at nagsimulang tumugtog. Isa 'yon sa mga tinanong nila kanina kung alam ko.

Inisip ko na lang na nasa shower ako-kahit na hindi naman ako mahilig kumanta sa shower-para lang hindi na ako kabahan. Sa pagtagal, naramdaman ko na rin na nare-relax ako habang nasa stage at nagpatuloy lang.

Nang matapos ang kanta ay nagulat ako nang umakyat si Liam doon at niyakap ako.

Mas malakas na palakpakan at sigawan pa ang umalingawngaw sa paligid.

***

Nagsimula nang magsikain ang lahat pagkatapos ng ilan na nag-perform na kamag-anak nina Liam. Si Liam pa mismo ang naglalagay ng pagkain ko at nakita ko kung paanong tumingin sa akin ng masama si Betty.

Simula pa kanina nang bumaba kami ng stage ni Liam ay ganyan na siyang makatingin. Akala mo kakainin ako ng buhay. Hindi ko na lang siya pinansin dahil masisira lang ang gabi ko. Ang mahalaga, hindi ako napahiya kahit na 'yon ang intensyon niya kanina.

Nagulat na lang ang lahat nang biglang ihampas ni Betty ang mga kamay niya sa mesa. Lahat ng tao sa party, napatingin sa kanya.

Napatigil ako nang tumingin ulit siya sa akin nang masama.

Mabilis ang naging pangyayari at namalayan ko na lang na tumayo si Liam at iniharang ang sarili niya sa akin, pero nakalusot pa rin ang isang kamay ni Betty na ngayon ay hawak ang buhok ko. Naramdaman ko ang sakit no'n at hindi napigilang mapasigaw.

Mabuti na lang at mabilis na na-alis ni Liam ang kamay niya sa buhok ko at niyakap ako.

"What the hell is your problem?" singhal ni Liam kay Betty habang nakayakap sa akin.

Hindi sumagot si Betty. Nanlilisik lang ang mga mata niya na tumitig sa akin.

Napasigaw ulit ang karamihan nang tangkain ulit akong atakihin ni Betty. Pero this time, napigilan agad 'yon ni Liam at itinulak si Betty na napaupo sa sahig.

"Are you okay?" masuyong tanong sa akin ni Liam.

Tumango ako at naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko.

Akala ko ay okay na ang lahat. Pero mas nagulat ako nang may dalawang lalaki na biglang humila kay Liam mula sa pagkakayakap sa akin. Mabilis na pinagsusuntok siya nang mga 'yon na ikinatulala ko. Marami ang umawat sa mga ito kaya mabilis namang nai-alis mula sa pagkakadukwang kay Liam.

Pero kahit na napigilan din agad ay duguan pa rin ang mukha ni Liam.

Hindi ko mapigilang mapaluha nang makita ang hitsura niya. Nakahiga lang siya sa sahig at hindi gumagalaw habang duguan ang mukha.

Nakita ko pang kinaladkad ng ilang lalaki ang mga bumugbog kay Liam, at pati na rin si Betty.

Dahan-dahan ang ginawa kong paglapit kay Liam. Hindi ko malaman kung saan ko siya hahawakan dahil puro dugo ang mukha niya. Nanginginig pa ang mga kamay ko na dahan-dahang hinawakan siya sa pisngi.

"Liam?"

Hindi sumagot si Liam at nasa ganoon pa ring ayos. Hindi siya gumagalaw kahit na konti.

Nag-panic ako bigla at naging sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha ko.

"Liam? Please gumising ka na d'yan," pabulong na sabi ko.

Inilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya at tinitignan nang mabuti.

"Wag mo naman ako takutin nang ganito o," sabi ko at mahinang hinampas siya sa dibdib. Pero kahit na ginawa ko 'yon ay hindi pa rin siya kumilos o dumilat man lang. "Gumising ka na, please?" Niyakap ko na siya kapagkuwan. "Sasagutin na kita. Gumising ka lang," sabi ko pa.

"Talaga?'

Napabitaw ako bigla sa pagkakayakap ko kay Liam nang marinig ang boses niya.

Nang tignan ko siya, ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa akin. Magkahalong relief at inis ang naramdaman ko. Hinampas ko siya ulit sa dibdib, this time, nilakasan ko 'yon.

"Aray!" sabi niya.

Napahawak ako bigla sa dibdib niya na nahamapas ko dahil sa takot na nasaktan nga siya.

Tumawa siya at hinawakan niya ang kamay kong nasa dibdib niya kapagkuwan. Kinuha niya 'yon at dinala sa bibig niya.

"Wala nang bawian, hmn?" sabi niya at malapad pang ngumiti.

Umirap ako sa kanya saka ngumiti. "Fine! Hindi ko babawiin. Bumangon ka na d'yan!" sabi ko.

Sa gulat ko, imbis na bumangon siya ay sumigaw siya bigla.

"Mama! Papa! Magpapakasal na ako! Woohoo!" sabi niya sabay tawa.

Nakitawa na rin ang mga tao sa paligid dahil doon.

"Ang sabi ko lang-"

"Doon din ang punta no'n," putol niya sa sinasabi ko at hinila ako padagan sa kanya.

Hindi na ako naka-angal nang bigla niya akong halikan sa mga labi. Kahit na nalalasahan ko ang dugo roon ay hindi ko na lang 'yon pinansin.

"I love you," sabi ni Liam na ikinangiti ko.

Hindi ako sumagot pero mabilis na hinalikan ko muli siya sa mga labi.

His Mischievous HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon