Sobrang ganda ni Mica habang suot ang traje de boda niya. Napaka-elegante noon. Maganda ang design no'n na pinasadya nila, at may ilang diamonds akong nakitang nakalagay naroon.
Well, knowing Mica's mother, for sure hindi 'yon papayag na hindi engrande ang kasal ng bunso niya at hindi basta basta lang ang isusuot nitong gown.
Dito sa isang garden venue sila sa kalapit na bayan ng Manila ikakasal. Kung eestimahin ang mga bisitang nakita ko sa labas ay aabutin 'yon ng ilang daan. Parang marami pa nga 'ata sa isang buong baranggay.
Ako ang bride's maid niya kaya naman kagabi pa lang ay kasama niya na ako at nag-aasikaso ng mga kailangan niya.
"Hindi mo ba talaga bibigyan ng chance ang relationship niyo ni Liam?" tanong niya bigla.
Sandaling napatitig ako sa kanya bago ngumiti ng mapait at umiling.
"I don't think it'll work. Ayoko naman na maging malayo siya sa pamilya niya nang dahil lang sa'kin. Alam ko ang pakiramdam noon, and I don't want him to feel that emptiness," sabi ko.
"He feels empty without you, though. Don't you know that?"
Inirapan ko siya bago inabot ang tubig para makainom siya.
"At paano mo naman nalaman? Ikaw ba siya?" sarkastikong sabi ko saka bahagyang tumawa.
"No. But I can see it. He looks empty. Mas malala pa kesa sa hitsura dati groom ko," sabi niya sabay tawa.
Naiiling na umiwas na lang ako ng tingin.
"He'll be here, will you be okay?" tanong niya pa.
"As if naman hindi ko siya nakikita nang madalas."
It's been almost a month mula nang maghiwalay kami ni Liam. Pero palagi pa rin siyang umaaligid sa akin at nagmamakaawa na balikan siya.
Nang araw lang na 'yon, magdamag siyang nagtigil sa apartment ko at naupo lang sa tapat ng kwarto ko. Kung hindi niya pa kinailangang umalis ay paniguradong nandun lang siya kahit gaano katagal.
Madalas din siyang pumupunta sa opisina nang mga unang araw hanggang sa pagbawalan siya ni Xander dahil nakaka-istorbo na raw sa trabaho ko. Ang ginawa niya na lang, hinihintay niya ako sa ibaba ng building tuwing pwede siya. Dahil hindi ako sumasama sa kanya ay siya ang sumasabay sa akin sa pagco-commute at pagsakay ng jeep.
"Gen! Okay ka lang?"
Nagulat ako nang maring ang boses ni Claire na kapapasok lang ng kwartong kinaroroonan namin.
Alangang ngumiti ako bago tumango.
"Tulala ka. Iniisip mo ba 'yong ex mo? Ayun nasa labas na. For sure kukulitin ka na naman mamaya," sabi pa ni Claire.
Magkaiba sila ng opinyon ni Mica sa relasyon namin ni Liam. Kung si Mica, kinukumbinsi ako na balikan si Liam, si Claire ay hindi. Sabi niya nga, hindi magiging masaya ang buhay ko kung ipipilit ko ang sarili ko sa pamilya ni Liam na ayaw naman sa akin... and I agree with her.
Mayamaya lang din ay tinawag na kami para magsimula ang kasal.
***
"Bakit hindi mo sinalo 'yong bouquet?" napapitlag ako nang may biglang magsalita sa tabi ko.
Sa sulok ako nakatayo at hindi na muna bumalik sa mesa namin nina Claire.
Alam kong si Liam 'yon pero hindi ko siya tinignan. Naka-focus lang ako sa panonood sa pag-alis ng bride at groom.
"We could've been next you know?" sabi niya pa ulit.
Huminga na lang ako nang malalim at tumalikod. Naramdaman ko pa ang pagkapit niya sa braso ko pero inalis ko rin agad 'yon.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...