"May chance ka na," sabi ko pagkatapos uminom ng tubig.
Kumakain kami ng breakfast ni Liam pagkagaling namin sa beach.
Simula pa kagabi ay wala siyang comment sa nangyayari kina Mica at Xander. Ine-expect ko na may sasabihin siya dahil kung tutuusin, mas madalas naming pag-usapan ang dalawa kesa sa mga sarili namin.
"I'm not that kind of guy, Gen. Besides, kahit naman magkalabuan sila, I know Mica would never take me back. Considering what I did..."
Tinitigan ko siya sandali bago sumubo ulit ng pagkain. Pagkalunok ay saka ako nagsalita.
"What exactly did you do?"
Nagkwento noon si Mica pero hindi 'yun detalyado. Ang alam ko lang, pinagpalit niya si Mica sa iba.
Tumigil sa pagkain si Liam. Huminga siya nang malalim at tumingin sa malayo. Iniisip malamang kung sasabihin niya sa akin kung ano man ang nangyari noon.
Matagal rin siyang ganun bago bumuga ng hangin at tumingin sa akin.
"Remember that woman I introduced to you on my resto's opening? The night of my birthday?" tanong niya.
Nag-isip ako. Sa dami ng pinakilala niya ay hindi ko na maisip kung sino ang tinutukoy niya.
Umiling ako. "Marami kang pinakilala nun," sabi ko.
"The first one I introduced to you. When I said you were my date?" aniya pa sa pagtatangkang ipa-alala sa akin kung sino 'yun.
Nag-isip ulit ako at naalala ang babaeng may ipinakilala niya sa akin. May pagka-elegante ang babae at halatang galing sa mayamang pamilya.
"Ah! 'Yung dumaan lang? 'Yung hindi kumain?" sabi ko. "Ano ngang pangalan nun?" tanong ko sa sarili ko.
"Lenny," sagot ni Liam kahit na hindi naman para sa kanya ang tanong.
"Yeah, your ex." Ngumiti pa ako pagkasabi nun. Feeling achieved dahil naalala ko ang tinutukoy niya. "What about her?"
Sandaling napatigil si Liam at nag-isip ng sasabihin.
"Well... she was Mica's friend."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "And she's your ex too? How come?"
Tumungo si Liam bago nagsalita.
"She was the one I cheated with while Mica and I were together."
Napatulala na lang ako sa sinabi niya. Masakit na nga na pagtaksilan, pero sa kaibigan mo pa? Hindi ko ma-imagine kung anong sakit ang naramdaman ni Mica noon.
Hindi ako nagsalita at tinitigan lang si Liam, clearly judging him.
Hindi rin siya nagsalita ng ilang sandali bago bumuga uli ng hangin.
"I was going through something at that time and Lenny..." Napapikit siya nang mariin bago umiling. "I needed someone, and Mica was too busy. She was even out of the country and... I don't know. I just find myself drawn to Lenny. She was there when I needed her and—"
Tumigil siya at tumingin sa akin. Ako naman, nakatingin pa rin sa kanya tulad ng kanina. Kahit na ano pang sabihin niya, para sa akin ay hindi nun maju-justify ang panlolokong ginawa niya.
"Yeah, I know. There's no excuse for what I did. But believe me when I say it was the first and last time I did that. I may have had a handful of girlfriends, but I never dated them at the same time since then."
Tumango-tango na lang ako na parang sinasabing "whatever" at hindi ako naniniwala.
Tumingin siya sa kisame at umiling na lang. Alam niya kasi na hindi niya ako makukumbinsi sa sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
His Mischievous Heart
Romance[Completed] Palikero, at maloko si Liam. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin napigilan ni Gen na mahulog ang loob dito. Sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman sa lalaki. Magagawa niya nga kayang ma...