Unexpected 2

130 21 9
                                    

Ayann's POV

"Hays!!!! Nakakainis talaga Yung lalaking yun. Feeling pogi. At saka porket pamilya niya ang may ari ng school eh puwede na syang sumingit!!!!?," inis na inis na sabi ko sa mga kaibigan ko.

"Uy teh kalma ka lang okay,"sabi sa akin ni Jim.

"Pano ako kakalma teh eh nakakainis talaga. Tsaka tingnan mo oh,"turo ko sa tuhod ko. "May gasgas yung tuhod ko dahil sa pagtulak niya,"sabi ko. Oo may gasgas yung tuhod ko kanina pero huli na ng mapansin namin.

"Hay nako teh pag di ka kumalma, ipapasok ko yang ulo mo sa aircon ng mall para lumamig,"biro ni Kate. Nagtawanan naman silang lahat maliban sa akin.

"Che ikaw ipasok ko sa aircon eh. Para pumuti ka,"pang aasar ko sa kanya. Maitim kasi si Kate. Inirapan niya lang ako.

"Hahaha talo ka pala kay Ayann sa asaran Kate eh,"tukso sa kanya ni Jin.

"Ano pa bang aasahan mo kay Ayann eh mapangbara yan,"sabi ni Kyla.

"Trueee. Kaya minsan nakakainis yan eh. Chos lang sis,"sabi ni Sky.

Nag asaran kami nang nag asaran. Puro tawanan din kami napag usapan namin ang mga kalokohan namin noong summer. Pinagtitinginan na nga kami ng tao dito sa mall dahil sa sobrang ingay namin.

Oo andito na kami sa mall kami pero haysss haggang ngayon talaga inis na inis pa din ako dun sa Isaiah na yun. Bwisit sya. Nakakainis talaga kala niya sa kanya yung daanan. Hayop siya. Isama nya pa yung pinsan niyang si Jeremiah. Makatawag sa aking bakla pero titig na titig naman sa legs ko ang gago. Oo totoo yun. Well mayroon po kasi akong pambabaeng legs. Pero thankful pa din ako sa nangyari kasi nakainteract ko ang crush kong si Abraham. Gosh ang gwapo niya talaga. At napakaunexpected na lumapit siya para tulungan ang baklang tulad ko.

Nasa food court kami ng mall ngayon. Tinext ko na kay Kheean ang location namin pero wala pa syang reply.

"Uy teh, ano na wala pa din ba si Kheean,"tanong sa akin ni Sky.

"Oo nga tih. Kanina pa kami gutom dito oh,"sabi naman ni Kyla.

"Teka lang tinext ko na sya kung asan tayo banda. Baka nagdadrive kaya wala pang reply kasi sabi niya kanina paalis na siya. Tsaka bat nyo ba sya hinihintay? Bumili na kasi kayo doon ng pagkain nyo doon kung nagugutom kayo,"sabi ko sa kanila.

"At ikaw tatanga lang dyan habang kumakain kami??,"tanong ni Jim.

"Oo nga mukha ka pang kawawa kapag nakita ng mga tao na kami kumakain at ikaw hindi,"sabi naman ni Kate.

"Oo nga baka sabihin pa nila "Ay anu bayan di man lang nila pinapakain yung yaya nila". Ayokong masabihan nun noh,"sabi ni Jin sa akin.

"Wow kapal. For your information di hamak na mas maganda ako sayo noh. At isa pa natural sa akin ang lahat di gaya sayong puro pills,"sabi ko naman kay Jin. Oo nag pipills sya. Sila ng kambal nya. Supported kasi sila ng mga magulang nila.

Asaran kami ng asaran tungkol sa kapintasan ng isat isa. Wala namang pikunan na nagaganap kasi sanay na kami sa isat isa.

Natigil ako sa pakikipagdaldalan sa kanila nang naramdaman kong nagvibrate yung phone ko. Kinuha ko ito at nakitang may text si Kheean.

From:Best Khee

Andito na ako sa mall. Asan nga ulit kayo.

Aba kanina ko lang sinabi na nasa food court kami. Tas limot na niya. Boyset sya. Nagreply ako sa kanya.

To:Best Khee

Andito kami sa food court dalian mo kanina pa ako gutom. Feel ko uulcerin ako dahil sayo eh.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon