Unexpected 33

48 10 4
                                    

Ayann's POV

Maaga pa lang ay gising na ako. Ewan ko ba kung bakit ang aga ko ngayon nagising eh,mamayang 8am pa naman ako aalis. Siguro nga sobrang excited ko lang ngayon. Ngayon lang naman kasi ang Inter-High namin at lagi kong kasama si Abraham sa loob ng three days. Argh!! Nakakaexcitee!!

Bumangon na ako at inayos ang higaan ko. Nag-ayos lang ako sandali ng mukha ko at lumabas na ng kwarto. Tulog pa si mama dahil 4:30 pa lang naman ng madaling araw. Hahaha pasensya na,sobrang excited ko talaga ih hahaha. Nagsaing na ako at nagluto ng ulam namin. Ako na ang nagluto kasi lagi na lang si mama ang nagluluto and it's my time naman para magluto hahaha.Saktong pagkaluto ng kanin at ulam ay siyang paglabas ni mama sa kwarto niya.

"Oh Ayann. Ang aga mo naman nagising. Akala ko ba mamayang alas-otso ka pa aalis"sabi ni mama ng makita ako.

"Ah hehe ewan ko ba ma. Bakit ang aga ko nagising ngayon. Excited siguro masyado haha.  Upo ka na diyan ma. Maghahain na ako"sabi ko.

Umupo na siya sa upuan habang naghahain ako. Pagkahain ay sabay na kaming kumaing dalawa. Naunang matapos kumain si mama dahil kailangan niya pang maligo dahil papasok na siya.

Nang matapos akong kumain,tumayo na ako at iniligpit ang pinagkainan naming dalawa. Habang naghuhugas,lumabas na si mama habang nag-papatuyo ng buhok niya.

"Ayann susunduuin ka ba ni Kheean mamaya?"tanong ni mama habang nag-aayos siya ng sarili niya.

"Ah opo ma. Alam mo naman yun"sabi ko habang nagpupunas ng kamay.

Lumapit ako kay mama na sakto namang nagmamake-up.

"Oh himala ma nagmamake-up ka na"pang-aasar ko sa kanya. Normal na sa amin ito dahil sobrang close kami.

"Naku paminsan minsan lang naman to nak. Nga pala may ibibigay ako sa iyo"sabi niya at iniabot sa akin ang dalawang paper bag. Binuksan ko ang mga iyon at nagulat ako sa laman. Sa isang paper bag may lamang iba't ibang make-ups habang sa isa naman ay may lamang mga skin care.

"Hala saan to galing ma? Sobrang dami naman"sabi ko.

"Ah galing yan sa isa kong client na nagtravel sa South Korea. Bilang pasasalamat ayun pinasalubungan ako niyan pagkauwi niya kahapon"sabi niya.

"Kumuha ka na dito ma?"tanong ko. Sobrang dami kasi nito.

"Naku hindi na. Hindi ko naman yan magagamit. Kilala mo naman ako simpleng make up lang ako"sabi niya.

"Pero sobrang dami naman nito ma"sabi ko.

"Naku bigyan mo na lang sila Sky at yung iba pang Unicorns"sabi niya. Agad naman akong natuwa. Kilala na kasi ni mama ang mga Unicorns at masaya ako na parang mga anak na rin ang tingin nya sa kanila.

"Hala! Sige ma. Matutuwa yung mga bakla"naeexcite kong sabi.

"Naku sabihan mo sila kamo miss ko na sila at nagtatampo na ako dahil hindi na sila bumibisita dito"sabi ni mama na pakunwari ay galit pa.

"Sige ma hahaha"sabi ko.

"Oh siya alis na ako. Eto dagdag mo sa pera mo"sabi niya sabay abot ng 500.

"Hala ma. May baon pa ako eh"sabi ko.

"Ano ka ba okay lang. Nakuha ko na kasi commission ko kaya okay lang yan. Oh siya alis na ako ah. Ingat ka mamaya. Ikamusta mo ako kay Kheean at sa mga Unicorns"sabi ni mama. Humalik muna siya sa akin at umalis na.

Iniligpit ko muna ang mga pinamigay ni mama sa kwarto ko. Saka ko na siguro ibibigay yung iba sa mga bakla. Dahil maaga pa naman,nanood muna ako ng tv sa sala. Nang mabagot na ako sa kakapanood,tumayo na ako at pumasok sa kwarto ko para mag-ayos. Sakto ala-syete na rin naman. Bago maligo inilatag ko muna ang susuotin ko sa araw na iyon. Isang high waisted denim shorts at over-sized shirt. Pagkatapos ko itong ayusin ay naligo na ako.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon