Ayann's POV
"Hey Ayann!!!"narinig kong may tumawag sa akin.
Papasok na ako ngayon ng school namin. Nasa bandang lobby na ako at paliko na papuntang building namin nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko. Liningon ko iyon at nakita kong andoon si Vanya,nagmamadaling naglalakad papunta sa akin.
"Oh hey Vanya"sabi ko sa kanya ng makalapit siya sa akin.
Hingal na hingal siya. Binawi niya muna ang hininga niya at kinausap ako.
"Thank God you're here na"sabi niya sa akin.
"Oh bakit?! May kailangan ka ba sa akin Vanya?!"tanong ko sa kanya. Mukhang importante kasi ang sasabihin niya.
"Uhm yes. Tara let's go to the office na"sabi niya at hinila ako.
Pinigilan ko sya."Ah wait lang. Aakyat ko muna yung bag ko sa taas"sabi ko sa kanya.
"Don't worry. Pwede mo naman iwan yan sa office. Tara na!!"sabi niya sa akin at hinila ulit ako. Wala na akong nagawa kung hindi magpahila.
"Hi guys. Andito na ako"sabi ni Vanya pagkapasok namin.
"Oh Vanya buti naman. Oh hi Ayann. Aga mo ah"sabi sa amin ni Benjamin.
"So guys since wala yung nakaassign sa prayer dahil may sakit. Si Ayann na lang ang iassign natin since di pa siya nakakapaglead sa flag ceremony?!"sabi ni Vanya na ikinagulat ko.
"Huh?! Ako?! Bat ako?!"tanong ko sa kanya. Di naman sa pagiging OA ah pero impromptu kasi ang prayer. Eh di ko alam kung anong sasabihin ko dun mamaya.
"Yes ikaw. Since di ka pa nakakapaglead. And don't worry girl. Yung ginawang prayer nung nakaassign ay sinend niya. Yun na lang gamitin mo. Wag ka nang magimpromptu"sabi ni Vanya.
Hays... Buti naman..
"So are you okay with the plan Ayann??"tanong sa akin ni Abraham.
"Ah yes. Pang bawi ko na lang din to sa mga past na flag ceremony na hindi ako nakaattend. Nakakahiya naman para sa position ko kung tatanggihan ko pa to"sabi ko sa kanya.
"Good so tara na"sabi ni Miss Shyantal at nauna nang lumabas. Sumunod naman kaagad ang ibang office sa kanya palabas.
"Oh ikaw Ayann? Come on lets go?!"sabi sa akin ni Abraham.
"Wait paano tong bag ko? Dadalhin ko muna to sa room natin"sabi ko.
"Just leave it there. Pwede mo naman yang daanan dito mamaya. HGP naman tayo eh mamaya. Kahit wag ka na ngang pumasok doon"sabi niya.
"Okay"sabi ko at ibinaba ang bag ko sa table na malapit sa akin.
"Come on let's go"sabi ni Abraham at bigla na lang hinila ako sa pulso ko palabas ng office namin.
Hinayaan ko na lang na hilahin niya ako palabas. Keri lang noh hahaha malambot naman ang kamay niya at marahan lang naman ang pagkahila niya sa akin. Na para bang isa akong babasaging bagay hahaha.
Hindi ko maiwasang kiligin,dahil hanggang ngayon hila hila pa niya din ako. Para tuloy kaming magjowang nagmamadaling maglakad sa park hahaha.Kaso badtrip lang. Pagdating namin sa may quadrangle binitawan niya na ang pulso ko. Kainis naman kala ko hanggang pag akyat na yun ng stage eh!! Hays bala siya dyan. Hahaha. Tampuhin ka ghurl?!
Umakyat na kami kaagad ng stage dahil late na kami para sa flag ceremony. Pagkaakyat namin ay agad na kaming nag umpisa at gaya nang napagusapan kanina,ako ang nag opening prayer. Naging mabilis lang ang buong ceremony dahil pinamadali na kami dahil late na. Nagbigay lang ng kaunting message si Mrs. Cross at pagkatapos noon ay pinaakyat na ang mga estudyante.
![](https://img.wattpad.com/cover/189438614-288-k77401.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected
Novela JuvenilSi Ayannry o mas kilala bilang Ayann ay isang normal at tipikal na gay. Mahilig siya sa mga girly na bagay. Actually lahat at ng gamit niya, pambabae. Almost everything tungkol sa kanya ay normal at parang predictable. Until one day,he met this guy...