Unexpected 17

67 10 0
                                    

Ayann's POV

"Nak. Nak gising. Ayann gising na"ramdam kong may tumatapik sa akin.

"Mmmm uh"

"Ayann gising na. Anong oras na. Wala ka bang pasok?? Malalate ka na."

Bigla akong napabangon sa pagkakahiga ko. Shet late na ba ako??

"Huh? Anong oras na ba ma?"tanong ko ng makita ko si mama sa loob ng kwarto ko. Siya pala yung tumatapik sa akin kanina habang natutulog ako.

"Quarter to 6 na"sabi niya.

"Huh? Sabi mo malalate na ako"sabi ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako.

"Talagang malalate ka kung di ka pa babangon kasi alam ko ang tagal mo maligo. Dalian mo na diyan. Andiyan na si Kheean sa may kusina kumakain"sabi niya at lumabas na ng kuwarto ko.

"Hays kahit kailan talaga si Kheean. Ang yaman yaman. Pero lams na lams kung andito. Di ba siya pinapakain sa kanila?"sabi ko sa sarili ko at umiling iling dahil sa mga ginagawa niya.

Tumayo na ako at pumasok sa cr at naligo. Ang normal kong ligo na isang oras ay naging 25 minutes na lang. Alam ko kasing tatalakan na naman ako ni Kheean dahil ang bagal bagal kong maligo. Pero halos ayaw naman niyang tumayo habang kumakain ng luto ni mama. Ang lakas lakas kumain pero di tumataba. Hayss hahaha.

Pagkatapos kong magbihis at mag ayos ng sarili ko lumabas na ako kwarto ko. Pumunta na ako ng kusina at naabutan ko si Kheean sa kumakain. Halos di siya magkanda ugaga sa pag subo. Di ba talaga toh pinapakain sa kanila?? Pag sa kanila kasi di naman siya ganito kalakas kumain. Dito lang sa amin. Eh doon nga sa kanila andaming pagkain.

"Oh hinay hinay sa pagsubo. Baka mabulunan ka diyan"sabi ko sa kanya. Kumuha ako ng pinggan at umupo na din para kumain.

Nilunok niya muna ang pagkain niya bago sumagot sa akin.

"Tsk. What took you so long? Kanina pa ako. Antagal mo talaga maligo kala mo talaga babae"sabi niya. Inirapan ko siya habang sumusubo ako ng pagkain.

"Wow!! Anong matagal? Eh 25 minutes na nga lang ginugol ko sa pag ligo ko eh. Kulang pa yun ng 35 minutes. Tsaka mukhang di ka naman naburyo sa pag aantay sa akin. Sarap na sarap ka sa kinakain mo eh"sabi ko sa kanya. Di niya ako pinansin at tuloy tuloy lang siya sa pagkain.

Sasandok pa sana ulit siy ng kanina at ulam nang pigilan ko siya.

"Hep hep. Tama na yan. Tara na tapos na ako kumain"sabi ko sa kanya.

"Eh? I'm not done yet. Tsaka yun na kinain mo?"tanong niya.

"Oo. Ganun naman kadami palagi yung kinakain ko eh"sabi ko sa kanya.

"Eh? Ang unti lang noon. Don't tell me takot kang tumaba gaya noon"sabi niya.

Oo mataba ako dati. As in lobong lobo at  putok na putok. Isa rin yon sa factor kung bat ako nabully noong bata ako aside sa gender identity. Pero wag na nating alalahanin yun. Past is past na ika nga nila. Limot ko na nga yung mga nambully sa akin at sana di ko na yun sila makita. Hays bat kasi pinaalala niya pa yun.

"Tss ewan ko sayo. Tumayo ka na nga dyan"sabi ko sa kanya.

Wala siyang nagawa kaya tumayo na lang siya at inilgpit ang pinagkainan niya.

"Ma pasok na po kami"sabi ko kay mama.

"Oh aalis na kayo? Maaga aga pa naman"sabi niya.

"Huh? Eh ikaw nga nagsabi ma na baka malate kami kanina ah. Ano ba talaga ma?"nalilito kasi ako dito kay mama.

"Oo nga tita. Tama ka. Maaga aga pa naman eh. Di pa nga po ako tapos kumain eh"singit ni Kheean. Pinandilatan ko siya ng mata.

Di pa siya tapos sa lagay na yun? Halos mangalahati na nga yung laman ng rice cooker.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon