Unexpected 4

116 17 2
                                    

Ayann's POV

Tulala pa din akong naglalakad papuntang classroom namin. Hindi pa rin kasi magsink in sa utak ko yung mga sinabi kanina ni sir na kukunin nila ako para itrain na maging contestant sa quiz bee. Matagal ko na kasing dream yun ever since na pumasok ako sa school na to. Pero mas hindi magsink in sa utak ko na kukunin ako bilang tutor Isaiah. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi. May part kasi sa akin na nagsasabi "go kunin mo na kasi sayang yung pera. Magagamit mo pa yun at makakatulong sayo". Meron namang nagsasabing ,"Wag mo nang kunin kasi for sure mabubuwisit ka lang at maiinis kay Isaiah". Hays ang hirap magdesisyon. Magpapoll kaya ako mamaya sa Twitter. Sasabihin ko na kung sino ang payag magtweet ng #goforit nang nakatag sa akin. Tapos yung hindi naman mag tutweet ng #don'tgoforit nang nakatag din sa akin. Chos hahaha. Di pala ako famous sa Twitter.

Bakit ba naman kasi napaka OA ng principal namin. Eh naging lowest lang naman sa pre test sa kupal ah. Tapos kailangan na kaagad ng tutor. As if naman hindi siya matututo kapag nagstart na ang klase formally.

Hindi ko namalayan na nasa labas na pala akong ng classroom. Mukhang wala pang teacher dahil maririnig mo pa ang ingay nila sa labas. Pumasok na ako at umupo sa upuan ko habang nagdadaldalan ang mga kaibigan ko.

"Uy bat ka pinatawag??. Chika naman diyan?,"tanong ni Kate.

"Sabi ni Mr. Thomas. Ite train daw nila ako para maging contestant sa Math Quiz bee. Sa January pa naman yun"

"Talaga?? Wow naman. Edi pagnanalo ka may tarpaulin ka sa gate. Hahaha"sabi ni Sky.

"Tapos sabi pa ni Mr. Thomas,gusto daw ako kunin ng principal para maging private tutor ni Isaiah sa math kasi diba lowest siya"

"Talaga!!!! Kukunin kang tutor ni Isaiah. Ang swerte mo!!!!,"gulat na sabi ni Kyla. Napalakas pa ang boses niya. Buti na lang wala pa yung tatlong Cross sa likod.

"Shhhh. Ano ka ba?? Yung bunganga mo tih. Tsaka anong swerte dun? Maiinis lang ako kay Isaiah for sure"

"Duh ang swerte mo!! Mapapalapit ka kaya kay Isaiah tapos sa bahay ka pa nila kayo magtutoring. Specifically sa kwarto nya"sabi ni Jin.

"Eh hindi ko pa nga alam kung tatanggapin ko eh. Pero sayang kasi yung pera na ibabayad nila sa akin kapag dinecline ko yung offer na maging tutor"

"Oh yun naman pala eh. Edi tanggapin mo na. Makakatulong naman pala sa'yo yan eh kasi may pera namang ibabayad. Pwede mo pa itulong sa pangangailangan nyo sa bahay nyo,"sabi ni Jim.

"Eh kasi baka mabuwisit lang ako kay Isaiah kapag nagkataon"

"Ikaw bahala gurl. Pero kung ako sa'yo tatanggapin ko yung offer,"sabi naman ni Kate.

Sandali akong napaisip kung tatanggapin ko ba o hindi. Natigil ako sa pag iisip ng tumunog ang bell. Hudyat na tapos na ang lunch at mag uumpisa na yung afternoon class namin.

Mga ilang minuto pagkatapos tumunog ng bell,may pumasok namang teacher.

"Magandang hapon sa inyong lahat. Ako nga pala si Ginoong. Jermaine Hernandez. Ako ang inyong guro sa asignaturang Filipino para sa taong ito" pagpapakilala niya in straight Filipino.

Pinatayo niya kami isa-isa para magpakilala. Dapat daw in straight Filipino gaya ng pagpapakilala niya. Nung kami na ng mga kaibigan kong bakla ang nagpakilala,medyo na awkward kami sa paggamit ng Filipino. Kasi naman. Palong palong yung liptint namin tapos magpapakilala kami with matching ginoo.

Wala naman siyang pinagawa sa amin. Nagpakilala lang kami. Pagkatapos ng time niya, nagpaalam na siya at lumabas ng classroom. Maya maya pumasok naman ang isang babaeng nakatshirt at jogging pants. Obviously siya ang teacher namin sa MAPEH. Siya daw si Ms.  J-well Cruz. Syempre di nawala ang itroduce yourself. Pero sa kanya may twist. Magpapakilala daw kami, sasabihin ang pangalan tapos magpeperform kami ng talent namin na connected sa subject niya. Pwede daw kaming magdrawing,sumayaw,kumanta o pagsasabay sabayin. Kung magdadrawing ka daw,syempre isa ka lang gagawa. Kung kakanta or sasayaw pwede kayong bumuo ng grupo na may miyembro na hanggang anim. Binigyan niya kami ng 10 minutes para makapag isip ng gagawin at para makapagdrawing na din yung magdadrawing.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon