Unexpected 18

66 11 4
                                    

Ayann's POV

Nang matapos na kaming kumain ng recess namin,bumalik na kami sa classroom baka kasi malate naman kagaya nung isang araw. Habang naglalakad kami,iniisip ko kung itutuloy ko pa ba yung sinabi ko sa kanila na tatanggapin ko na yung offer. Kasi baka di ko kasi talaga kayanin. Di kasi ganon kahaba yung pasensiya ko pagdating sa pagtuturo. Naalala ko kasi dati,nagpaturo sa akin yung mas bata kong pinsan. Eh hindi niya magets kahit ilang beses ko nang pinaulit ulit. Sa sobrang inis ko ay nasigawan ko siya kaya ayun umiyak. Ganon din nangyari nung pinagtripan ako ni Kheean dati. Nagpanggap kasi siyang di niya alam yung isa nilang lesson dati kaya ayun nagpatutor sa babay nila. Inulit ulit ko din yung pagtuturo pero tatawa tawa lang siya kaya ayun sinigawan ko siya lalo na nung sinabi niyang niloloko niya lang ako. Sa sobrang inis ko nung mga panahong iyon,nag-walk out ako nun at umuwi. Ilang araw ko din siyang di pinansin nun sa sobrang inis.

"Uy teh sobrang lalim ng iniisip mo ah? Malunod ka diyan. Ano ba yan?"tanong ni Kyla sa akin.

"Oo nga teh. Share mo naman sa amin"tanong naman ni Kate. Kaming tatlo ang magkakasabay maglakad. Yung tatlong bakla naman ay nauuna sa amin maglakad.

"Iniisip ko kasi teh kung itutuloy ko ba talaga yung pagtutor kay Isaiah"sabi ko.

"Eh?? Akala ko ba tutuloy mo na. Kakausapin mo na nga sir Thomas mamaya diba? Oh anyare?"sabi ni Kyla.

"Kasi iniisip ko kung kakayanin ko ba? Alam nyo naman ako diba? Hindi ganun kahaba yung pasensya ko when it comes in tutoring. Naalala nyo pa ba yung nangyari sa amin ni Kheean dati?"sabi ko.

"Pero gurl. Try to think about it again. If ever na magpapart time ka sa mga cafes or coffee shops nearby medyo mahihirapan ka. Kasi dapat unang una medyo hassle sa schedule. Siguro sa first month medyo chill lang. Pero for sure sa mga susunod na months mahahasle ka na kasi for sure again madami nang ipapagawa sa atin niyan"sabi ni Kate.

"True gurl. Plus if ever na magpapartime job ka man sa mga cafe hindi din ganon kalaki sweldo mo. Baka di mo pa maabutan yung deadline ng payment by the end of the month Kasi first part timer ka lang. Then you're a student lang. Tas for sure once a week la ang day-off mo. Eh pano pag di natapat yun sa Sunday? Edi nagtaka si tita kung bakit wala ka ever Sunday. Di katulad doon sa pagtututor kay Isaiah. Ikaw ang masusunod sa schedule mo. Tsaka for sure malaki yung ibabayad sayo kasi requested ka talaga. Plus kukunin ka pa para itrain sa quiz bee"sabi ni Kyla.

"Hayss. Bahala na nga. Kakausapin ko nga si Sir mamaya. Wala na tong atrasan. Sana lang talaga kayanin ko ito at matagalan. Sana di ako mainis at di ko siya masigawan if ever na may tutoring session kami"sabi ko sa kanila.

"Naku ikaw pa ba? Kaya mo yan"sabi ni Kyla.

"Oo nga. You got it gurl! Fighting!!"sabi naman ni Kate.

"Hoy ano na mga teh? Dalian nyo naman maglakad diyan. Wala tayo sa Luneta Park"sigaw sa amin ni Sky. Natigil kasi kami sa paglalakad dahil sa pagchichismisan namin kanina. Nasa may pinto na siya ng classroom namin. Yung kambal naman ay nakapasok na sa loob.

Dahil sa pagtawag niya sa amin,dali dali kaming naglakad papuntang pinto ng classroom namin. Sakto namang pagpasok namin,dumating na si Ms. Cortez kaya di na kami nakapagchikahan at umupo na kami.

Pagkatapos niya kaming batiin,pinakuha niya kami ng one whole at ballpen dahil gagawa daw kami ng essay tungkol sa pangarap namin at kung paano namin maabot iyon. Pagkatapos noon ay isa isa niya kaming pinabas ng mga sinulat naming essay. Nang matapos na magbasa ang lahat,nagpaalam na siya at lumabas ng classroom namin. Time na din kasi.

Ilang minuto pagkatapos lumabas si Miss Cortez,dumating na din si Sir Thomas. Binati niya kami at binati din namin siya pabalik. Kakausapin ko na sana siy about doon sa offer niya kasi nga tatanggapin ko na kaso pinaupo niya kami kaagad at nag umpisa na siyang maglesson. Hayss mamaya na nga lang pagtime na.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon