Unexpected 42

35 7 8
                                    

Ayann’s POV

Naging normal naman ang mga sumunod na araw. Gaya nga ng gusto ni Isaiah,siya na ang naghahatid-sundo sa akin. Medyo nakasanayan ko na rin iyon. Hinahayaan ko na lang din siya na pagbuksan ako ng pinto kapag sasakay at bababa ng kotse niya. Patuloy pa din ang pasimple niyang pagpapareserve ng pagkain para sa akin sa canteen kaya patuloy din ang pagtatanong ng mga kaibigan ko. Si Sky naman ay hindi pa din ipinapaalam sa mga kaibigan naming ang tungkol sa kanila ni Kheean. Hindi na naulit yung first date daw namin ayon kay Isaiah dahil medyo naging busy na kami sa mga lesson. Sunod-sunod na mga lesson.

“Oy Ayann,may assignment ka ba sa Math?”tanong sa akin ni Sky. Recess na naming ngayon pero hindi ako bumaba dahil busog pa ako at wala sa mood.

“Oo naman,bakit? At bakit ka pala andito? Di’ba bumaba ka?”Tanong ko sa kanya. Lahat kasi silang lima ay bumaba dahil gutom kaya nagtataka ako bakit bumalik si Sky.

“Ah nakalimutan ko kasing may assignment tayo sa math. Pakopya naman ako pleaseee”sabi niya.

Kinuha ko ang Math notebook ko sa bag. “Oh ayann. Kunin mo na”sabi ko at iniabot sa kanya. Agad naman niyang kinuha iyon.

“Thank youuu. Ay wait bago ko makakalimutan,may nagpapabigay pala sa iyo”sabi niya at may kinuha sa bag

“Ano iyon?”tanong ko. Agad namang nanlaki ang mata ko nang makitang patong patong na box iyon ng chocomucho na iba’t ibang flavors. Sa lahat kasi ng chocolates, chocomucho ang pinakagusto ko. Hindi kamahalan pero the best ang lasa.

“Kanino galing to?”tanong ko kahit medyo may idea na ako.

“Ewan ko. Pinaabot lang sa akin ng nakasalubong ko na estudyante kasi nakilala niya ako na kaibigan mo. Pinaabot lang din daw sa kanya. Penge isa ah”sabi niya at binuksan ang isang box at kumuha ng dalawa.
‘Wow kala ko ba isa lang?’

Pasimple ako lumingon sa likod ko dahil andoon ang nagbigay nito sa akin habang busy sa pagkopya si Sky sa assignment ko.

“Thank you”sabi ko na wala boses kay Isaiah. Siya lang naman ang magbibigay nito sa akin.

Nginitian niya lang ako. Grabe,noong nakaraan ko lang nakuwento sa kaniya na mahilig ako dito at ngayon nagbigay na. Hindi lang isang box. Nakakatouch naman. Nakangiti akong nagbukas ng isa at kinain ito habang nagcecellphone.

“Bye mga tih. See you next week”paalam ko sa mga kaibigan ko at bumeso. Uuwi na kasi sila at ako naman at dadaan pa ng SSG Office dahil may pinapagawa na naman. Kaloka!!! Akala ko pa naman ay makakapagpahinga na ako since Friday na pero hindi pa pala.

Nang makarating na ako sa office agad akong dumiretso siya mga pinapagawa sa akin. Naatasan akong mag-ayos ng mga compilation ng papers at kailangang ayusin alphabetically.Medyo nahirapan ako sa pag-aayos dahil sobrang dami ng papel pero salamat at natapos ko naman. Agad kong dinala iyon sa table ni Abraham dahil doon daw ilalagay iyon.

Naabutan ko siyang nag-aayos din sa table niya. At ang gwapo niyang tingnan habang ginagawa iyon. Bakit ba? Crush ko pa din naman siya pero slight na lang. Inilapag ko na ang mga papel sa table niya.

“Oh tapos mo na?”tanong niya sa akin.

“Ah oo. Di naman ako masyadong nahirapan”sabi ko.

‘LOL niloloko mo Ayann?’

“Buti naman. Text kasi ng text itong si Isaiah kung anong oras ka daw makakalabs. Nakakairita na”nakangiting sabi nito sa akin.

“Huh?”yun lang ang nasabi ko.
“Gulat ka ba? Don’t worry alam kong nililigawan ka ng pinsan ko”agad naman akong namula sa sinabi niya.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon