Ayann's POV
Pagkapasok namin ng classroom,agad na bumungad sa amin ang mga kaklase naming abala sa pag prepare ng kanya kanyang report ng bawat grupo. Kaya kaming dalawa ni Abraham ay hindi na nagpatumpik tumpik pa at agad na umupo sa pinakamalapit na upuan para matuloy na ang pag eedit ng powerpoint namin.
"Uy anong magandang transition effects dito?"tanong ko sa kanya.
"I think eto na lang"sabi niya kaya agad ko namang sinunod. Pipindutin ko na sana yung transition effects na yun nang may biglang nagsalitang tao sa tabi.
"Wait wait. Wag mo munang pindutin yan. I think this one is better"sabi ni Isaiah sabay turo sa effects na gusto niya.
"But that effects is boring kaya eto na lang"sabay turo ni Abraham sa effects na sinuggest niya kanina.
"But masyado namang time consuming yung gusto mong effect. Dapat sakto lang tayo sa oras dahil hindi lang naman tayo ang magrereport dito. May apat na grupo pa. Huwag mo namang isipin yung sarili mo palagi"sagot sa kanya ni Isaiah.
"I'm not doing this just for myself. I'm doing this for our group kasi kasama ang creativity sa rubrics kaya kailangang maging kaakit akit yung gawa natin para magustuhan"sagot ni Abraham.
"Pero- sasagot pa sana si Isaiah kaso ako na ang pumigil.
"Hep hep. Tama na. Walang naitulong yung pagbabangayan niyo,alam nyo ba yon? Tsaka kung may problema kayong magpinsan,wag ngayon okay? Sige para walang away eto na lang gagamitin"sabi ko sabay pindot sa effects na gusto ko. Pagkatapos no'n ay isinave ko na dahil iyon ang last slide.
"Yan tapos na? Nakita nyo? Isang slide at yung last pa yung pag aawayan nyo? Oh kung di ko kayo pinigil? Edi hindi to natapos? Tsk tsk. Berry berry wrong. Oh siya tawagin nyo na yung mga kagrupo natin para magbriefing na tayo. Mamaya andyan na yung teacher natin"utos ko sa kanilang dalawa.
Walang imik naman silang sumunod at tumayo para tawagin yung mga kagrupo namin. Buti naman sumunod agad sila. Pero mukha natakot ko ata sila?! Geezz nakakahiya kay Abraham. Baka maturn off na sya sa akin.
Wala pang isang minuto ay nasa harapan ko na ang mga kagrupo ko nakapabilog dala-dala ang kani-kanilang kopya ng kaniya-kaniyang report. Agad ko namang pinakita sa kanila ang n revised nang presentation. At pagkatapos ay idinuscuss ko ang magiging flow ng reporting namin at yung mga strategies namin para maengganyo silang makinig sa amin. Tumango tango naman ang bawat isa habang isa isa kong dinidiscuss ang gagawin. Nice I think we're ready na...
"Oh mukhang handa na kayong lahat at kitang kita sa mga mukha ninyo. Maganda yan. Oh siya tumayo na kayo para sa pagdadasal at pagkatapos ay umpisahan na natin ang inyong paguulat"sabi ni Mr. Hernandez pagkapasok na pagkapasok niya.
Tumayo naman kami kaagad at nag umpisang magdasal.
"Ngayon ibigay nyo ang inyong ¼ kung saan nakasulat ang mga miyembro ng inyong pangkat. Mag umpisa tayo sa unang pangkat"sabi niya kaya agad naman kaming tumayo ng mga kagrupo ko.
Habang sinet up ni Abraham ang presentation namin,nagkaroon muna kami ng final briefing. Nag matapos na ang set up tumayo na ako sa pinakaunahan para umpisahan ang report namin.
"Magandang hapon sa atin guro at magandang hapon din sa inyo aking mga kamag aral. Ang aming pangkat ay naatasang iulat sa inyo kung ano ang Mitolohiya. Umpisahan natin sa kahulugan nito"sabi ko at agad na lumapit si Abraham para sabihin yung sasabihin niya.
Yung ang naging flow ng report namin. Bawat slide ay may isang taong magsasalita sa harapan para sa topic na binigay namin sa kanila.
"At muli iyon ang Mitolohiya. Iyon lamang po at maraming salamat sa paglalaan ng inyong munting oras para makinig sa aming ulat"pagtatapos ko sa report namin. Nagsipapalakpakan silang lahat habang kami ay pabalik sa mga upuan namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/189438614-288-k77401.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionSi Ayannry o mas kilala bilang Ayann ay isang normal at tipikal na gay. Mahilig siya sa mga girly na bagay. Actually lahat at ng gamit niya, pambabae. Almost everything tungkol sa kanya ay normal at parang predictable. Until one day,he met this guy...