Unexpected 8

84 10 1
                                    

Ayann's POV

"Oh here's your Mixed berries float and large fries."sabi ni Kheean sabay lapag ng tray sa lamesa namin.

Andito kami ngayon sa isang fastfood chain sa isang mall kung saan doon din nakapwesto ang store nila. Taray nila no? Ang store nila nasa loob ng isang mall. Iba talaga kapag mayaman. Hahahaha

"Thank you.."sabi ko sa kanya. Umupo na siya sa upuang katapat ko.

"I thought you're not hungry huh? Eh bat large fries pa inorder mo"takang tanong ni Kheean.

"Ah kumalam bigla yung tiyan ko eh. Lalo na nung sinabi mong libre hahaha"

"Ah ganun ah"sabi nya sabay gulo sa buhok ko.

"Ah aray ano ba. Yung buhok ko. Nagugulo"sabi ko.

"Ayy ang sweet naman nila. Sana lahatt huhuhh"natigilan kaming dalawa sa paghaharutan namin ng marinig namin yung mga highschool students na nasa likod namin. Anim silang lahat. Nakasuot din sila ng uniform ng gaya sa amin. Pero mas mukha silang bata. Mga freshmen siguro.

Sabay kaming nagkatinginan ni Kheean. Maya maya bigla na lang kaming tumawa.

"Haahahaahaha. Laughtrip"tawang tawa si Kheean.

"Hahaha oo nga. Tayo sweet? Eww hahahaha"sabi ko naman.

"Hahaha dalian mo na nga dyan. Para makabili na tayo"sabi nya at nag umpisa na syang kumain. Nagumpisa na din akong kumain dahil bigla akong nagutom sa kakatawa.

Pagkatapos naming kumain,tumayo na kami at lumabas na ng fast food chain. Pinagtinginan ulit kami nung mga nasa likod namin kanina pag daan namin sa kanila. Nginitian ko na lang sila.

Paglabas namin. Naglakad kami papuntang elevator. Ayaw kasi ni Kheean sa escalator. Ewan ko dyan ang arte arte.

Pagdating namin sa harap ng elevator agad nya itong pinindot.
Pagbukas nito,pumasok na kaagad kami at pinindot niya ang fourth floor. Agad namang nagsira ang pinto ng elevator.

"By the way Ayann. Ken is in the store. Doon siya pinaderetso ni Mommy"sabi ni Kheean.

"Talaga andoon siya?? Hala namiss ko yung batang iyon. Hayss nakakaexcite tuloy makita si Ken." Si Ken yung bunso nilang kapatid. 8 years old pa lang ito at nasa Grade 3.Doon din sa school namin. Elementary at Highschool kasi ang inooffer ng school namin.

"Tsss. For sure our store will be like a daycare center,again"

"Toh naman Kheean. Ang OA mo naman"sabi ko.

"Bakit hindi ba? Remember last time we visit the store and Ken was also there. The store was so loud that time"sabi nya.

"Oo nga no hahahaa. Pero promise behave ako ngayon"sabi ko.

"Ting!!"pagbukas ng elevator,lumabas na kami. Di ko namalayan nasa fourth floor na pala kami hahaha. Yan chika pa kasi.

Naglakad kami ng beri beri light hanggang makadating kami sa K.N. Hardware. Yan yung pangalan ng store nila. Nagbebenta sila ng gamit na magagamit sa construction. Kahit ano mang uri ng construction,tamang tama para sa event namin.

"Hi kuya Johan"bati ko sa may guard nila. Dahil medyo matagal na din akong pabalik balik dito,naging kilala at close ko na yung mga nagtatrabaho dito. Kilala na din nila ako dito.

"Hello Ayann. Hello din po sir Kheean"bati nya sa amin.

"Hi kuya. Where's mom?"tanong ni Kheean sa kanya.

"Andun po sa may office kasama si sir Ken. Ano po palang ginagawa nyo dito sir?"tanong ng guard.

"Ah bibili kasi kami ng mga gagamitin sa props para sa gagawin naming mini concert sa Friday."ako na ang sumagot.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon