Ayann's POV
Umuwi na kaagad ako ng bahay pagkatapos ang nangyari sa bahay ni Jeremiah. Bago ako umalis ay ilang beses ko pa siyang sinumpa at sinisi dahil sa nangyari. Sinabi ko pang hinding hindi na ako babalik sa bahay niya kaya ayun si loko hingi nang hingi ng sorry hanggang sa makaalis ako.
Pagdating ng bahay namin, wala doon ang mga magulang ko, siguro nasa kanya kanyang trabaho. Si mama ay may sarili nang travelling agency habang si papa naman ay busy din sa business namin. Ang gusto pa nga ni papa ay si mama na lang ang mag manage ng school simula nung umalis si Tita Amy doon kaso umayaw si mama kaya ngayon si Abraham ang nangangalaga sa school.
Agad akong naligo pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko. Natagalan ako sa banyo dahil sobrang lagkit ng pakiramdam ko. Nakailang suka din siguro ako kagabi at ang lokong Isaiah hindi man lang pinalitan ang damit ko. Napakawalang kuwentang kapatid. Pero bakit kaya siya ang nagdala sa akin doon at hindi na daw siya umalis doon hanggang makatulog siya sabi ni Jeremiah. Hays eto na naman ako. Nag aassume na naman ng mga bagay na hindi dapat kaya ako nasasaktan eh.
'Tigilan mo na ang kakaisip ng kung ano-ano Ayann. Magkapatid kayo at malabo iyong iniisip mo kaya tigilan mo na ang iniisip mo'
Pagkatapos kong maligo, nag-ayos ako ng sarili ko dahil may pupuntahan ako ngayon. Pupunta ako sa restaurant na pag-aari nila Kheean at Sky. We need to talk. I need to explain everything to them. Hindi ko kaya yung cold treatment na ibinibigay nila sa akin. I need to fix our friendship.
Nagulat ang mga kasambahay namin ng makitang aalis na naman ako pero kaagad naman naihanda ang sasakyan kaya nagpahatid na ako sa driver. Kung marunong lang sana ako mag drive, hindi ko na aabalahin si manong para ihatid pa ako.
"Thank you po manong" sabi ko bago bumaba.
"Susunduin ho ba kita mamaya? tanong niya.
"Tawagan ko na lang po kayo" sabi ko.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa restaurant nila Kheean. Malaki ang restaurant na iyon. Nakakarelax ang atmosphere. Hindi din siya masyaadong elegante kaya kahit hindi ganon kayaman ay hindi mahihiyang kumain dito. Pansin kong marami rami na ding customer na kumakain at karamihan ay mga estudyante mula sa college. Lunch time na siguro nila ngayon.
Naglakad ako papuntang counter kung saan nakatayo si Kheean.
"Good afternoon, welcome to S&K Restaurant. May I take your order" nakatutok kasi siya sa computer kaya hindi niya ako nakita.
"Kheean, can we talk?" tanong ko. Doon niya inangat ang tingin sa akin.
"Oorder ka ba o hindi? I only talk to my customers"
"Kheean please let's talk. Bigyan mo ko kahit kaunting oras lang"
"Next customer"
"Kheean. Pleasee.. I'll order after we talk" wala nang nagawa si Kheean. Tinawag niya na lang ang isa niyang tauhan para pumalit sa kanya bago kami pumunta sa isang bakanteng lamesa.
"Thank you sa pagpayag"
"Now anong sasabihin mo?"
"I just want to say sorry. Sorry dahil iniwan ko na lang kayo bigla 10 years ago. Hindi ko talaga kinaya yung sakit kaya nagawa ko iyon. Sana naintindihan nyo ako pero parang hindi kasi ang cold nyo sa akin kagabi. Hindi ako sanay"
"Sana kasi di'ba iniisip mo muna yung kakahihinatnan ng gagawin mo bago ka umalis. Sana inisip mo yung mga naramdaman namin. Kaibigan mo kami Ayann. Hindi kami basta basta na kung sino lang. Nag-aalala kami noong panahon na yun"
BINABASA MO ANG
Unexpected
Ficção AdolescenteSi Ayannry o mas kilala bilang Ayann ay isang normal at tipikal na gay. Mahilig siya sa mga girly na bagay. Actually lahat at ng gamit niya, pambabae. Almost everything tungkol sa kanya ay normal at parang predictable. Until one day,he met this guy...