Unexpected 34

52 9 0
                                    

Ayann's POV

It's been two days na simula ng malaman ko ang sikreto ni Jeremiah. Just like what I've promised,wala akong pinagsabihan ng mga ito dahil wala naman akong karapatan eh.  Tsaka kung tutuusin hindi naman iyon big deal at wala naman akong pakealam doon. Pero ewan ko ba,hindi maalis sa akin yung ideyang bisexual pala si Jeremiah at gay ang current partner niya. Parang ang imposible lang,diba?! Nakakaloka sinong mageexpect na ang napakamanly na lalaking iyon ay may boyfriend na gay gaya ko? Sabagay sabi nga ng iba expect the unexpected. Kaya siguro ganun talaga. Haysss

"Hays kakaloka"sabi ko out of nowhere.

"Ang alin Ayann?!"tanong ni Kate. Kasama ko sila ngayon ni Kyla at nanonood kami ng championship game ng basketball kung saan ang naglalaban ay ang basketball team ng school namin at ang basketball team ng Easter Wood High. Napagdesisyunan kong manood ng laro kasama nila tutal napamigay na namin yung mga pagkain nung 1st half ng laro. Kaming tatlo lang magkasama dahil yung kambal ay nagpipicture. Si Sky naman ay hindi ko alam kung na saan. At si Kheean? Ewan ko din. Kaloka yung isang yun sinusundo at hatid nga ako pero hindi man lang kami nakakapag-usap. Parang laging nagmamadali.

"Ah wala. Wala lang to"sabi ko sa kanya.

"Wah!!!! Go SCA!!!"sigaw ni Kyla ng makashoot ang basketball team ng school namin.

"Sure ka ba Ayann? Lately pansin ko parang lagi kang wala sa sarili mo"sabi ni Kate sa akin. Si Kyla naman ay patuloy lang sa pagsigaw at pagcheer para sa school namin.

"Oo wala toh. Puyat lang siguro"sabi ko kahit ang totoo ay hindi naman ako nagpupuyat. Kung tutuusin nga ay wala pang 9pm ay tulog na ako.

"Yan kasi kung ano-anong pinapanood mong series. Kung ano-ano ding binabasa mo"sabi ni Kate sa akin.

Tumayo na lang ako.

"Oh san ka pupunta?"tanong ni Kate.

"Oo nga tih"singit ni Kyla na kakatapos lang magtitili.

"Pupunta akong CR. Naiihi na ako ih"sabi ko.

"Huh? Mamaya na pigilan mo na lang. Isang minuto na lang oh. Matatapos na yung laro"sabi ni Kyla.

"Eh?!! Uunahin ko pa ba yan? Puputok na pantog ko teh oh. Tsaka sure naman nang mananalo yung school natin. Ang laki ng agwat oh"sabi ko.

"Tss. Geh umihi ka na dun. Baka mamaya magka-UTI ka pa at kami ang sisihin mo"sabi ni Kyla. Tinanguan ko na lang siya nagmamadaling pumunta sa CR.

Nang makarating ako sa may labas ng CR,dali-dali akong pumasok doon dahil ihing-ihi na talaga ako kanina pa. Sa kakamadali kong umihi hindi ko namalayang puno pala ang CR ng mga basketball players mula sa Avaster High at lahat sila ay topless dahil nagbibihis.

'Shit andito pa sila? Kanina pa tapos laro nila ah. Shet nakakahiya naman tong pinasok ko. Argh!!'

"Sorry"yun na lang ang nasabi ko at akmang aalis na sana doon kaso may pumigil sa akin sa harap ng pintuan.

"Hey aalis ka na kaagad? Why don't you stay with us and have fun"sabi nung pumigil sa akin.

"Oo nga. Why don't you just enjoy  the view"sabi nung isa na nagflex pa ng katawan nya.

'Yak kadiri. Buto-buto'

"Uhm excuse me. Hindi ako interesado"sabi ko at sinubukan ko ulit na umalis kaso pinigilan ulit ako. At this kinorner na ako.

"Magstay ka na lang muna kasi. Eto naman ang mga gusto nyo diba"sabi nung pumigil sa akin kanina at hinila pa ang kamay ko para ihawak sa hubad niyang dibdib pero hinila ko kaagad iyon.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon