Unexpected 12

82 13 1
                                    

Ayann's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at nakita kong alas otso na pala ng umaga.

"Ahhhh!!!!"sabi ko habang nag iinat ng katawan ko. Pagkatapos noon ay bumangon na ako ng kama ko at dumiretso sa cr para magtoothbrush at maghilamos.

Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas na ako ng kwarto ko. Wala na si mama dahil anong oras na din. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.

Bago ko mabuksan ang ref para kumuha ng tubig,nakita kong may note na nakalagay doon. Galing kay mama. Kinuha ko ito at binasa.

"Nak may pagkain na diyan sa lamesa kumain ka na pagkatapos mo itong basahin. Nakita ko na yung video nyo kahapon ang galing galing nyo. Di nakita nabati kasi pagdating ko tulog ka na. Sabi pala ni tita Kheana mo na doon daw tayo sa kanila magdidinner. Nasabi niya na daw ito sayo kahapon. Mauna ka na lang papunta doon ah"

Yan ang nakalagay sa note. Naalala ko nga pala kila Kheean kami magdidinner mamaya para daw icelebrate pag uwi ni ate Kiara. Makikita ko naman si Kheean. Di pa din mawala sa utak ko yung mga sinabi niya sa akin kahapon. Nakakainis siya!!!

Bago pa ako manggigil ng tuluyan ay kumuha na ako ng tubig sa ref at uminom para mahimasmasan ako.

Kumuha ako ng makakain ko at pumunta sa sala para doon kumain. Gusto ko kasing manood ng tv habang kumakain. Wala lang,di na kasi ako masyado nakakanood ng tv.

Pagkatapos kong kumain,pumunta ako sa kwarto ko para ayusin yung higaan ko. Kaya din ako pumasok para kunin yung mga marurumi kong damit para maglaba. Inihiwa hiwalay ko ang puti sa mga dekolor at una kong sinalang ang mga puti.

Habang nakasalang sa washing machine yung mga puti kong damit,nagwalis naman ako sa loob ng bahay. Para di masyadong boring,kinuha ko yung bluetooth speaker ko. Kinonecct ko doon ang cellphone ko at nagpatugtog ako. Sumasayaw sayaw pa ako habang nagwawalis.

Pagkatapos kong magwalis,binalikan ko ang mga nilalabhan ko at saktong tapos na ang yung mga puti ko. Kinuha ko na ito mula sa washing machine pagkatapos naman noon yung mga dekolor na ang isinalang ko.
Mga alas onse na ako natapos maglaba at magsampay ng mga damit ko.

Pagkatapos kong magsampay,pumasok ulit ako sa kwarto ko para doon naman maglinis. Inayos ko yung lagayan ko ng damit at sapatos. Yung bookshelf ko naman kung nasaan nakalagay yung mga koleksyon ko ng libro ay nilinis ko na din.

Bale mga alas dose na ng tanghali ako natapos maglinis. Sa sobrang pagod ko,nakasalampak ako ngayon dito sa sofa habang nanonood ng tv at nakatutok sa akin ang electric fan. Pinatay ko na yung bluetooth speaker.

Nang nakapagpahinga na ako ng kaunti,tumayo na ako at pumunta sa kusina para kumain. Pagkatapos ko kumain,hinugasan ko na ang pinagkainan ko at bumalik sa sala para manood ng tv.

Enjoy na enjoy ako sa kapapanood ng noontime show na lagi kong pinapanoond tuwing walang pasok. Nakakatawa kasi ang mga host dito. Lalo na yung host nila na gay comedian na si Meme. Habang enjoy na enjoy ako sa panonood,narinig kong tumunog yung cellphone ko. Nakita kong tumatawag si ate Kiara kaya sinagot ko na iyon.

"Hi Ayannry. What are you doing?"sabi niya pagkasagot ko ng tawag.

"Ah wala naman. Nanood lang ng tv. Napatawag ka ate?"

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon