Unexpected 23

70 13 13
                                    

Ayann's POV

Maaga pa lang ay andito na ako sa school. Hindi ko na inantay pa si Kheean. Tinext ko na lang siya at sinabing mauuna na ako. Nag reply na lang siya ng "okay" at sinabing kakagising pa lang naman daw niya.

Bakit nga ba ako maaga ngayon? Hahaha. Balak ko kasi panoorin si Abraham kung paano niya ginagawa yung pag iwan ng note sa table ko hihihi.

So ngayon andito na ako sa loob ng office namin. Naglog in na din ako kanina sa log book. Iniikot ikot ko ngayon ang buong office namin. Naghahanap ako ng mapagtataguan ko. Hahaha.

Pumunta ako sa cubicle ni Abraham. Tiningnan ko yung mga gamit niya doon. Inupuan ko yung upuan niya doon at fineel ko iyon. Ang bango ng upuan niya. Amoy na amoy ko yung cologne niyang kumapit sa upuan niya. Nagpaikot ikot pa ako sa habang nakaupo sa upuan niya. Yung upuan kasi namin ay yung para sa office na may gulong at naiikot. Naiimagine nyo ba? Ok good.

Tumigil na ako sa kakaikot dahil hilong hillo na din ako. Tiningnan ko ang mga gamit niya sa lamesa niya at may nakita akong picture niya. Picture niya nung bata siya. Elemantary days ata.

"Hala siya toh? Ang gwapo niya talaga. Pero wait lang. Parang nakita ko na itong batang to eh. Medyo familiar siya pero di ko alam kung saan ko to nakita"

Sa sobrang enjoy ko kakatingin sa picture niya,nakalimutan ko na kung ano nga ba talaga ang pakay ko kung bat ako gumising ng umaga at pumasok ng maaga.

Bigla akong napatayo ng marinig kong tumunog ang lock ng office. Shet may papasok!! Dali dali akong lumabas ng cubicle ni Abraham. Hinablot ko yung basahan na nakita ko at nagpanggap na nagpupunas punas sa loob ng office.

"Oh Ayann andito ka na pala. Anong ginagawa mo dito?"si Ms. Shyantal ang pumasok. Buti na lang.

"Ah pumasok po ako ng maaga Miss para maglinis. Heheheh"sabi ko.

"Huh maglinis? Eh sa Friday ka pa nakaassign sa paglilinis dito eh"nagtatakang sabi niya.

"Ay sa Friday pa po pala? Heheh kala ko po kasi ngayon"sabi ko at nagpunas punas sa kung ano man ang makita kong pwedeng punasan.

"Hahaha. It's ok. Tama na yan. You can go now. Magtatime na. Dahil naglinis ka na ngayon,you don't need to clean on Friday anymore"sabi niya.

"Ah ok po Miss. Thank you po"sabi ko at itinigil na ang pagpupunas.

Kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam na kay Miss Shyantal.
Paglabas ko ng office may kaunting paghihinayang sa loob ko dahil hindi ko man lang naabutan doon si Abraham at hindi ko nahuli yung paglagay niya ng note sa table ko. Pero sa kabilang banda, masaya naman ako dahil hindi ko na kailangang maglinis pa sa Friday.

Yas!!! Pero teka lang!! Di ko na picturan yung picture ni Abraham sa table niya!! Haysss. Sayang. Kabanas naman tong si Miss Shyantal dumating kaagad. Next time na nga lang.

Naglakad na ako papunta ng classroom namin. Nasa kalagitnaan na ako ng over sa lawak naming quadrangle nang may tumawag sa akin.

"Ayann!!!!"nilingon ko kung sino iyon,nakita ko si Kyla na tumatakbo papalapit sa akin.

"Oh Kyla hahaha. Kalma gurl. Ako lang to oh!"sabi ko.

"Papunta ka pa lang ng room?"hinihingal na tanong niya. Yan takbo pa gurl. Feeling niya kasi nasa marathon siya.

"Ay di ba obvious gurl?"pangbabara ko sa kanya. Nagsimula na kami maglakad papuntang room.

"Tss. Sabi kasi sa akin ni Kheean nauna ka na daw dito kasi naabutan ko sya kanina sa parking lot. So I assumed na you're inside the classroom na"sabi niya sa akin.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon