Unexpected 41

34 6 4
                                    

Ayann’s POV

Saglit akong natigilan ng makita kong andoon rin sa labas ng bahay namin si Isaiah. Bakas sa mga tingin ni Kheean ang pagtataka kung bakit narito ang lalaking ito sa labas ng bahay namin habang si Isaiah naman ay cool na cool lang habang nakatayo sa tapat ng kotse niya at ang mga kamay ay parehong nasa magkabilang bulsa ng pantalon niya. Dali-dali naman akong lumapit kay Kheean para kausapin ito.

“Ang aga mo naman ngayon Kheean heheheh’sabi ko rito.

“Oo nga Ayann. At hindi ko inaasahang gigising lang ako nang maaga ngayong araw para maabutan kong ang lalaking yan sa harap ng bahay nyo”sarkastikong sabi ni Kheean sa akin. Hindi naman ako nakasagot sa kaniya.

“Ano bang ginagawa nang lalaki na yan sa labas ng bahay niyo nang ganto kaaga?”tanong niya pa.

“Ahh ano kasi Kheean.. Si Isaiah”
“Sinusundo ko siya”naputol ang sasabihin ko nang si Isaiah ang sumagot sa tanong ni Kheean.

“At bakit mo naman ginagawa iyon?”tanong sa kaniya ni Kheean.

“Dahil nililigawan ko si Ayann”diretsong sagot ni Isaiah na bigla namang kinagulat ko. Kahit si Kheean ay nagulat sa sinabi nito.

Dali-dali kong hinila si Isaiah sa isang sulok para doon kausapin.

“Bakit nandito ka?”tanong ko sa kanya.

“Well, as what I’ve said, Im fetching you”sagot nito.

“Bakit?”wala sa sariling tanong ko.

“Part of courting you, I guess”

“Pero di mo na kailangang gawin iyon”

“Are you mad? Sorry”paghingi ng tawad sa akin ni Isaiah.

“Hindi naman ako galit. Dapat kasi sinabihan mo ako kaagad kasi gaya nga ng sabi ko sa iyo kahapon may sumusundo na at hatid si akin at si Kheean iyon. Di ko pa din nasasabi sa kanya yung tungkol sa atin”

“Hindi ko naman kasi alam kung paano kita icocontact. Wala akong number mo. Hindi mo din inaccept yung friend request ko sa iyo sa facebook. Tagal –tagal na nun”sabi nito. Bigla naman ako napatigil dahil doon.

‘Oo nga pala hindi ko pa inaaccept yung friend request nya dahil buwisit ako sa kanya dati’

“Tapos na ba kayo mag-usap?”singit ni Kheean sa usapan namin. Walang sumagot sa amin kaya naman hinila ako ni Kheean sa isang gilid.

“So kailan ka pa nililigawan ng mokong na iyan?”tanong sa akin ni Kheean.

“Noong Sabado. Umamin siya sa akin na gusto niya daw ako tapos liligawan nya ako”

“At pumayag ka naman?”

“Hindi ako nakahindi eh. Gulo yung isip ko nun eh”

“Akala ko ba gusto mo yung pinsan nyan”

“Wala na yun. Kaibigan lang tingin nya sa akin eh. Kaya kaibigan na lang din kaibigan turing ko dun”

“At paano mo naman nalaman na kaibigan lang tingin sa iyo nong Abraham?”tanong nito.

“Sinabi niya sa akin noong umamin ako sa kanya”

‘Sira na talaga ulo mo Ayanmn. Oh siya sumabay ka na diyan. Buti naman at may taga hatid sundo nang iba sa iyo. Mahahatid sundo ko na din si sky”sabi ni Kheean. Bulong lang ang huling sinabi niya pero hindi nakatakas iyon sa pandinig ko.

“At bakit mo naman ihahatid sundo si Sky”nakataas kilay kong tanong dito.

“May sinabi ba akong ganon? Wala naman ah”natatarantang sani ni Kheean. Huwag ako Kheean. Malakas at malinaw ang pandinig ko. So bakit mo naman ihahatid sundo si Sky? Ano bang meron sa inyo,huh? Sagot!”

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon