Unexpected 9

77 11 1
                                    

Ayann's POV

"Andito na po tayo. Pasok na po kayo"sabi nung sumundo sa akin ng makarating kami sa labas ng pintuan ng SSG Office.

"Ah sige salamat"kumatok muna ako ng pintuan bago pumasok sa loob.

Pagpasok ko,bumungad sa akin ang napakaadvance at pangmalakasang office ng SSG. Nakaaayos ang mga upuan at nakaharap ito sa malaking TV. At guess what. Flatscreen yun. Sa likod naman ay ang whiteboard nila kung saan nakalagay ang mga schedules nila for this month. Sa bawat sulok naman ay may mga shelves at cabinet na pinaglalagyan ng mga files at mga babasahin para di din mabored ang mga tao dito.

Naabutan ko doon sa loob ang adviser ng SSG na si Ms. Shyantal Alcazar. Nandoon din si Abraham my loves. Di ko nga pala nasabi sa inyo na siya yung President ng SSG dito sa school. What a great leader!!!! I-lead niya din sana yung relationship namin. Chozx. Wala pala kaming ganun. Nag uusap ang dalawa ng pumasok ako kaya hindi nila napansing pumasok na ako.

"Good morning po"bati ko. Nilingon nila akong dalawa.

"Oh Ayannry andito ka na pala."bati sa akin ni Ms. Shyantal.

"Ow hi Ayannry. Where's Andre?"tanong nito sa akin.

"Huh sinong Andre?"tanong ko.

"Yung Third Year na sumundo at naghatid sa'yo dito."sabi nito.

"Ah umalis na ata. Hahaha. Pumasok na kasi ako kaagad nung sinabi niyang pumasok ako"

"So pinatawag kita,habang maaga pa tutal alam kong may mga practice din kayo ngayon. So  the reason I called you because I want to know if you are still willing to be the SSG Secretary?"sabi sa akin ni Ms. Shyantal.

"Po?"gulat na sabi ko. Ako magiging Secretary ng SSG? Di ko pala sa inyo na sabi na tumakbo ako ng SSG bilang Secretary last year kasi nabalitaan kong tatakbo ng President si Abraham. Eh alam nyo naman diba na laging magkasama ang President at Secretary. Kaya nga lang olats ako.

"Eh diba po si Joy yung nanalo? Asan na po ba si Joy?"tanong ko? Si Joy yung Secretary ng partylist nila Abraham last year at eto din ang nanalo bilang Secretary.

"Joy transferred already in Japan. Doon na siya mag aaral. So as you are the one who got the second highest vote,are you willing to be our SSG Secretary?"

"Yes. My pleasure po Ms."sabi ko dito. Aba ano hihindian ko pa ba to? Hello more interaction ito with Abraham noh hahaha.

"Good. You can start now. Patatawag ka na lang namin again mamaya for your introduction to the other SSG Officer."sabi ni Ms. Shyantal.

"Thank you po Ms. Can I go now? May practice pa po kasi kami eh."sabi ko.

"Ow sure. Thank you for your time."

"Can I go too,Ms?"paalam ni Abraham.

"Oh yeah. Sabay ko na lang kayo ipapatawag ni Ayannry for later."

"Sige po. Miss alis na kami"sabi ni Abraham.

"Let's go?"aya niya sa akin. At lumabas na kami ng SSG Office.

Naglalakad kami ngayon pabalik sa classroom namin. Nasa kabilang building pa iyon kaya medyo matagal tagal ding tahimik na lakaran ito hahaha.

"Uhm thank you sa talaga sa pagtanggap ng position ah. Kala namin uulit na naman ng election. Eh nakakapagod na magheld ulit ng mga ganoon at andami na din kasing ginagawa. Buti na lang talaga pumayag kang maging secretary ko. Thank you talaga. I can't express my gratitude in words."sabi niya.

"Toh naman. Ang OA nito. Parang yun lang. Tsaka ba't ko naman di tatanggapin yung offer mo na yun noh. Privelage kayang makasama ka"hininaan ko na yung last part ng sinabi ko.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon