Ayann's POV
Late na akong nagising ngayon araw kaya naman anong oras na din akong nakapasok pero buti na lang hindi naman ako nalate.. Hindi na din ako nagpasundo kay Kheean dahil ayaw kong makita niyang mugto yung mga mata ko. For sure magtataka at mag-aalala iyon. Umiyak kasi ako ng umiyak kagabi. Pero hindi ako umiyak dahil nirejct ako kahapon ni Abraham. Nasaktan lang ako pero ewan ko ba kung bakit hindi ako naiyak. Kahit anong pilit kong uiyak eh walang lumalabas.
Well kaya lang naman mugto ang mga mata ko ay dahil umiiyak ako ng malala kagabi dahil sa pinanuod kong pelikula. Kuwento siya ng dalawang highschool boys na nagkainlove an sa isat' isa pero tinutulan ng mga magulang nila dahil bukod sa pareho silang lalaki,magstep-brothers pa sila. Tapos sa ending namatay yung isang bidang lalaki na siya namang nagpaiyak sa akin talaga. Iniisip ko pa lang na sa akin mangyayari iyon ay nasasaktan na ako. Pero mukhang imposible namang mangyari sa akin iyon noh. Tatay ko nga di ko kilala,so paano ako magkakaroon ng half brother? Tsaka mukha namang walang balak magjowa ang nanay ko so paano ako magkakaroon ng step-brother. Hays kung anu-ano nang iniisip ko. Ganito ba ang epekto kapag nareject ka ng long-time crush mo?
Habang naglalakad ako ngayon sa lobby ng school namin,hindi makatakas sa paningin ko ang mga tingin ng mga estudyanteng nadadaanan ko roon. Para bang pinagtatakahan nila yung itsura ko ngayon. Isa-isa ko lang silang inirapan at nilagpasan.
'Jusko naman!! Ngayon lang nakakakita ng taong mugto ang mata? Uso kaya ito ngayon. Korean peg lang ganun. Mga late sa trends. Tch'
Bago ako makarating sa building namin,lumiko muna ako papunta sa locker ko. Kukunin ko ulit yung Science book ko dahil kailangan na na naman ulit. Ewan ko nga ba kung bakit hindi ko pa ito nilagay kahapon sa bag ko eh sinabi nang kailangan na naming to araw-araw. Pasensiya na, ganto talaga ata pag na reject. Chos!!
'Naku Ayann mema dahilan lang eh no?'
Bago ko buksan yung locker ko,luminga-linga muna ako sa paligid. Baka kasi mamaya ay may sumulpot na namang mga alipores na paligid at baka kung ano na naman ang gawin nila sa akin. Nakapikit kong binuksan yung locker ko. Wala trip ko lang baka kasi biglang may bumulaga sa akin 'pag bukas ko. Binuksan ko na ang mga mata ko at nagulat ako sa laman ng locker ko. Well wala namang mga hate letters or anything related sa mga galit sa akin sa halip may nakita akong isang paper bag. Kinuha ko ito at tiningnan ang loob nito at mas lalong nagulat ako. Puno kasi iyon ng mga ibat'ibang uri ng chocolate. Kanino naman galing ito? May nakita akong note sa paper bag kaya naman kinuha ko ito at binasa.
'I'm sorry sa mga nasabi ko sa iyo kahapon-Isaiah'
Nilukot ko ang note dahil sa inis. Anong tingin niya sa akin,madadala niya sa mga ganito? Sa mga suhol? Hindi ko kailangan to no.
Kinuha ko na lang ang kailangan ko at sinarado na ang locker ko. Hmm,itatapon ko na lang tong mga chocolates. Kala niya naman kailangan ko tong mga to.
'Wait ito yung mga paborito kong chocolate ah!! Sige na nga tatanggapin ko na ito pero inis pa din ako sa iyo Isaiah Cross!!'
Pumunta na ako sa classroom ko. Habang paakyat sa classroom naming,nakasabay ko ang teacher namin kaya naman ay tinulungan ko na ito. Pagpasok namin ng classroom,agad na nagsipagpuntahan sa kani-kanilang upuan ang mga kaklase kong nagkakagulo kani-kanina lang. Pansin ko din na napatingin sila sa akin parang nagulat ng makita ang itsura ko. Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na sa upuan ko at nakinig na sa lecture ng teacher namin.
"Hoy teh!! Ano na?"tanong sa akin ni Kate. Nasa canteen na kami dahil lunch na ngayon. Hindi na kami nakapagrecess kanina dahil may ginawa kami para subject namin na kasunod ng recess.
"Anong ano na?"nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Hala si bakla nakalimutan na. Magkuwento ka na teh"sabi ni Jin.
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionSi Ayannry o mas kilala bilang Ayann ay isang normal at tipikal na gay. Mahilig siya sa mga girly na bagay. Actually lahat at ng gamit niya, pambabae. Almost everything tungkol sa kanya ay normal at parang predictable. Until one day,he met this guy...