Sky's POV
Dali-dali kaming pumunta sa clinic ng mga kaibigan ko dahil sinugod daw doon si Ayann ayon kay Isaiah. Hindi na kami nakapasok ng first subject at nagsabi na lang kami sa mga kaklase namin na sila nang bahala kapag hinanap kami ng mga teacher namin. Patakbo kaming bumaba sa hagdan dahil alam para mabilis na makapunta sa clinic. May alam na kami kung ano ang nangyari kay Ayann base sa pagkamessage sa akin ni Isaiah kanina na dinala daw ng mga guards sa clinic pagkatapos maabutang pinagtutulungan siya ng mga ilang estudyangte sa may locker area. Halos magtulakan na kami sa daan ng mga kaibigan ko para mag-unahan na makaabot sa clinice dahil pare-pareho kaming nag-aalala kay Ayann.
Saktong pagdating namin sa tapat ng clinic, bumukas ang pinto nito kung saan lumabas sila Tita Mary at Isaiah.
'So ibig sabihin alam na ni Tita Marry? Lagot na!!'
"Tita si Ayann po?" tanong ko rito.
"Nasa loob siya, nakahiga at wala pa ring malay. Sige pumasok na kayo doon. Pupunta muna ako ng Guidance Office nyo" malumanay na sabi nito.
Sabay-sabay kaming tumango sa kanya bago isa-isang pumasok sa loob ng clinic at hinanap si Ayann. Nakita namin siyang nakahiga sa kama sa may bandang dulo ng clinic. Nilapitan namin siya at doon naman nakita ang kalagayan niya. Gulo-gulo ang buhok niya at punong-puno ng mga galos at kalmot ang mukha at braso. Namumula din ang mga pisngi niya. Sabay-sabay na lang kaming napasapo sa mga noo namin dala ng pagkaawa sa sinapit ni Ayann.
"Naku wag ko lang talaga makita iyang mga gumawa nito kay Ayann. Kakalbuhin ko silang lahat!!!!" naiinis na sabi ni Kate.
"Shhh Kate, tumigil ka. Walang magagadang maidudulot iyang iniisip" pigil sa kanya ni Kyla.
"Tama si Kyla, Kate. Gulo lang na ulit kapag ginawa mo iyang iniisip mo" sabi naman ni Jim.
"Pero,tingnan niyo yang kalagayan ni Ayann. Hindi man lang ba kayo nag-aalala?" tanong ni Kate.
"Nag-aalala din naman kami Kate pero kapag ginawa natin iyang iniisip mo mas magkakagulo lang lalo" sabi ni Jin.
"Ah basta! Huwag na huwag ko lang talaga makikita iyang mga hilatsa ng pagmumukha nila" inis na talagang sabi ni Kate.
"Shh. Tumigil na nga kayo. Mamaya kayo magaway-away diyan. Tumahik na lang kayo baka mamaya magising pa itong si Ayann sa kaingayan niyo" sabi ko sa kanila.
"Ang ingay nyo naman" sabay-sabay kaming napalingon kay Ayann na gising na pala.
Ayann's POV
Nanakit ang buong katawan ko at hindi ko madilat ang mata ko sa sobrang pagod. Para akong tumakbo sa field ng 51 laps sa sobrang sakit ng katawan ko pero rinig na rinig ko ang mga sinasabi ng kaibigan ko."Naku wag ko lang talaga makita iyang mga gumawa nito kay Ayann. Kakalbuhin ko silang lahat!!!!" naiinis na sabi ni Kate.
"Shhh Kate, tumigil ka. Walang magagadang maidudulot iyang iniisip" pigil sa kanya ni Kyla.
"Tama si Kyla, Kate. Gulo lang na ulit kapag ginawa mo iyang iniisip mo" sabi naman ni Jim.
"Pero,tingnan niyo yang kalagayan ni Ayann. Hindi man lang ba kayo nag-aalala?" tanong ni Kate.
"Nag-aalala din naman kami Kate pero kapag ginawa natin iyang iniisip mo mas magkakagulo lang lalo" sabi ni Jin.
Sinubukan ko nang idilat ang mga mata ko at doon ko nakita ang mga kaibigan ko na nakapalibot sa kamang hinihigaan ko. Pansin kong nasa clinic ako dahil sa mga nakikita ko sa paligid ko. Marahil dito ako dinala pagkatapos yung nangyari kanina. Pero sino kaya ang nagdala sa akin dito??
BINABASA MO ANG
Unexpected
Novela JuvenilSi Ayannry o mas kilala bilang Ayann ay isang normal at tipikal na gay. Mahilig siya sa mga girly na bagay. Actually lahat at ng gamit niya, pambabae. Almost everything tungkol sa kanya ay normal at parang predictable. Until one day,he met this guy...