Unexpected 35

44 8 0
                                    

Ayann's POV

BORING

Yan lang ang masasabi ko sa buong weekend ko. Nakatambak lang ako sa bahay at nakahilata buong araw. Ginawa ko na din ang lahat ng pwede kong gawin. Naglinis,nagluto,kumain,kumanta,sumayaw. Lahat-lahat na ginawa ko na para lang hindi ako mabagot. Kulang na lang ay magconcert ako sa bahay. Sinubukan ko ding ayain ang mga kaibigan ko na tumambay dito sa bahay kaso pare-parehong busy. Kaya ang ending nakulong lang ako sa loob ng bahay kakabasa ng mga libro para hindi mabagot. Nanood din ako ng mga series na pinapanood ko hanggang sa magsawa ako.

Kaya naman ang ending late ang bakla ngayong Lunes. Dali-dali akong naligo kanina para lang makarating na kaagad dito sa school. Kakaunti na lang na mga estudyante ang nakakasalubong ko. Halos mga third year lang ang nakakasalubong ko at isa lang ang napapansin kong lahat sa kanila. Ang sama ng mga tingin nila sa akin at parang pinagbubulungan nila ako sa oras na dumadaan ako sa harapan nila.

Pero kiber lang ako. Nilalagpasan ko na lang sila dahil hindi sila ang business ko. Nang makarating na ako sa building namin,patakbo kong inakyat ang 4th floor dahil late na ako at for sure andoon na ang teacher namin sa classroom. Kaya ang ending para kong inikot ang buong school namin dahil sa sobrang hingal ko.

Nang makabawi na ako ng hininga,inayos ko ang sarili ko at nagdiretso nang maglakad papuntang classroom namin.

"You're late"bungad sa akin ni Ms. Rivera

"Sorry po Miss. Hindi na po mauulit"sabi ko.

"Siguraduhin mo lang. This is your third time Mr. San Agustin. At kapag umabot pa to nang fourth time,ipapatawag ko na ang mga magulang mo. Understood?"sabi niya.

"Yes Miss. Sorry po talaga. Hindi na mauulit"paghingi ko ng paumanhin.

"Now go to your seat"sabi niya at diretso na ako sa upuan ko. Doon ko napansin na parang nakatingin ang lahat sa akin na para bang may mali sa akin. Kahit ang mga kaibigan ko ay nakatingin din sa akin.

'Hays wag OA Ayann. Kaya sila nakatingin sayong lahat dahil late ka. Wala lang yun'

Kinuha ko na lang ang notebook at ballpen ko at nagsimula na din magsulat ng lecture na nakaflash sa board.

"Hays kaloka. Ang sakit sa ulo ng A.P. Malay ko ba sa mga isyung yan"reklamo ni Kyla habang hinihilot ang sentido nya.

"Tara canteen na tayo. Nagugutom na ako huhu"aya sa amin ng papalapit na si Kyla.

Inayos na muna namin ang mga gamit namin at lumabas na para magrecess. Pagdating sa canteen,hindi pa ganon kadami ang tao pero pansin kong halos lahat ay nakatingin sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin at nilagpasan ko na sila para makabili ng makakain. Hanggang sa makahanap kami ng mauupuan,pansin ko pa ding lahat ay nakatingin sa akin at para bang sinusundan nila ako ng tingin.

'Hays. Ano bang meron ngayong araw? Ngayon ba ang Staring at Ayann Day?'

"Hays salamat. Makakain na. Sakit talaga ng ulo ko"reklamo ni Jin nang makaupo kami.

"Sinabi mo pa. Sino ba namang matinong teacher ang magpapaquiz ng hindi pa natuturo?"sabi naman ni Jim.

Kahit na nakaupo na kami ngayon,pansin ko pa din ang mga tingin ng mga tao sa canteen. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong sa mga kaibigan ko.

"Wala ba kayong napapansin?"tanong ko sa kanila.

"Napapansin saan?"tanong ni Kyla.

"Sa mga tao dito sa canteen. Halos lahat ay nakatingin sa akin. Tapos maya-maya ay magbubulungan na lang bigla kapag nakita ako"sabi ko sa kanila.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon