Ayann's POV
Pagkatapos ko silang batiin ay dumiretso na ako sa cubicle ko.
May naabutan na naman akong note. Kinuha ko iyon at binasa."Hi Ayann. I think today will be a busy day. Pero don't worry alam ko namang kaya mo iyan. Just smile and cheer up ok
Ps. Mainit ngayon. Huwag kang magpapainit. Magpayong ka and stay hydrated, okay?"-A.C.
Di ko mapigilang ngumiti dahil sa note ni Abraham. Parang tanga kasi eh hahah. May pasabi sabi pa na wag akong magpapainit. Eh paano ako magpapainit eh binigyan niya nga ako ng payong kanina. Hays Abraham ano ba tong ginagawa mo sa akin?
"Hey Ayann andito ka na pala. Uy ganda ng ngiti mo ah. May bago na namang note?"bati sa akin ni Vanya. Wait alam niya yung tungkol sa note?!
"Ah eh. Alam mo yung about sa note?"tanong ko.
"Ahh oo. Lagi kasi ko yang napapansin pag pumapasok ako dito. Ang sweet nga eh. Taray mo naman may secret admirer ka pa. Ah by the way. Eto pala pinabibigay ni Ms. Shyantal. Iinencode daw tapos iaarrange mo alphabetically"sabi sa akin ni Vanya. Sabay abot ng mga papel.
"Ah ok. Thank you. Ang busy pala natin ngayon"sabi ko.
"Oo nga eh. Naloka ako. Ahm matanong lang alam mo ba kung sino nagbibigay sayo ng note?"tanong sa akin ni Vanya.
"Ah di lang ako sure eh. Pero feel ko si Abraham. May initial kasi na A.C. na nakalagay sa note. Eh siya lang naman ang kilala kong may initials na A at C dito sa atin"bulong ko sa kanya. Baka kasi may makarinig na iba dito sa amin at sabihing napakaassumera ko naman.
"Ah talaga? Oh siya balik na ako sa cubicle ko may gagawin pa kasi ako"sabi niya sa akin at bumalik sa cubicle. Anyare doon?
Hays okay nevermind na lang. Andami ko pang gagawin at kailangan ko nang umpisahan iyon.
Inarrange ko muna alphabetically ang mga papel na ibinigay sa akin para madali lang itong iencode mamaya. Habang inaayos ko iyon,napansin kong mga records pala iyon ng First year. Wait lang!! Bat kami ang gumagawa nito? Di ko alam na kami na pala ang record office. Hays hayaan na nga lang.
Pinagpatuloy ko na ang pag aarrange ng mga iyon. Matapos kong iarrange iyon,binuksan ko na ang computer na nasa cubicle ko. Gumawa muna ako ng folder para paglagyan ng mga ieencode ko. Pagkatapos ay isa isa ko nang inencode ang mga nakasulat sa bawat papel. Para hindi din ako mabored,kinuha ko ang cellphone ko at earphones ko para magsoundtrip habang nag eencode.
Nasa kalagitnaan na ako ng pageencode at pagsasoundtrip ng may kumatok sa cubicle ko. Tinanggal ko ang earphones ko at tiningnan kung sino yun.
Si Andre lang pala. Ano kayang trip neto? May pakatok katok pa. Eh wala namang pinto tong cubicle ko.
"Oh hi Andre. Bakit?"tanong ko.
"Ah pinapabigay lang ni Kuya Abraham. Merienda daw po"sabi niya sabay abot nung styro foam. Bigla akong napangiti. Parang tanga naman tong si Abraham di na lang siya mismo nagbigay hahaha.
"Ah pakisabi thank you para dito"sabi ko.
"Sige po. Kainin ko na din yung akin"sabi ni Andre at bumalik na sa cubicle niya.
Ay lahat pala kami binigyan. Akala ko ako lang. Hahaha hopia pa more. Hays okay na ito basta bigay niya.
Tinigil ko muna ang pag eencode at kinain ko na ang binigay niyang pagkain. Habang kumakain,nagsoundtrip ulit ako. Sakto namang paborito kong kanta yung nagplaplay kaya enjoy na enjoy ko ang pagkain ko sa pagkain na binigay ni Abraham.
![](https://img.wattpad.com/cover/189438614-288-k77401.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionSi Ayannry o mas kilala bilang Ayann ay isang normal at tipikal na gay. Mahilig siya sa mga girly na bagay. Actually lahat at ng gamit niya, pambabae. Almost everything tungkol sa kanya ay normal at parang predictable. Until one day,he met this guy...