Unexpected 1

246 22 7
                                    

Ayann's POV

Ring......ring....

Huhuhu...Sino ba yang tumatawag??? Ang aga aga pa para mambulabog..

Inaantok kong sinagot ang tawag. Ni hindi ko man lang tiningnan kung sino ang tumatawag sa sobrang antok.

"Hello??,"sabi ko gamit ang inaantok na boses.

"HOY AYANNRY SAN AGUSTIN ASAN KA NA HUH??? ANONG ORAS NA PERO HINDI KA PA DIN BIHIS?? KANINA PA AKO TUMATAWAG. HUWAG MO SABIHING PUYAT KA NAMAN SA KAKAPANOOD MO NA KUNG ANO ANONG DRAMA?? ". Hala si  Kheean pala ang tumatawag. Ang best friend ko.

"Aray gagawin mo ba akong bingi huh? Makasigaw ka naman. Ano bang meron huh?,"tanong ko sa kanya. Sa pagkaalala ko kasi wala naman kaming usapan.

"Anong meron?? Ngayon lang naman irerelease ang card natin at ngayon tayo magpapaenroll ayon sa sabi mo,"sabi niya.

"WAH!!! Ngayon na ba yon?,"tanong ko sa kanya.

"Oo ngayon na yun bakla hahahaha. Kaya dalian mo na dyan. Kanina pa ako dito sa school,"utos niya.

"O sige na sige na. Pero can I ask a favor?,"tanong ko sa kanya.

"Ano na naman yon?,"tanong niya pabalik.

"Sunduin mo naman ako please,"pakiusapan ko sa kanya.

"Tsss. Anlaki laki mo nang bakla ka tapos ayaw mo magcommute,"sabi niya.

"Hindi naman sa ayaw. Gusto ko lang makalibre ngayon sa pamasahe. Ngayon din tayo mamimili ng gamit diba?? Imbes na ipamasahe ko yung pera edi idadagdag ko na lang sa pambili ko ng gamit,"mahabang paliwanag ko sa kanya

"Tss. Oo na ah. Dami pang kuwento. Sige maligo ka na dyan. Dapat pagdating ko bihis ka na ah,"sabi niya.

"Aye aye!! Hahahaha,"sabi ko at pinatay na ang tawag.

Dali dali na akong pumasok sa cr para maligo....

Well bago ko pa makalimutan ang lahat. Ako nga pala si Ayannry San Agustin. You can call me Ayann. I'm a gay. Tanggap ako ng mama ko and napakathankful ko dahil doon. At yung tatay ko? Ewan ko dun. Di ko nakilala yun. Iniwan niya na kami habang nasa tiyan palang ako ni mama. Yung tumawag kanina,yun si Kheean. Childhood best friend ko pero di sya gaya ko. Straight yun and thankful din ako na tanggap niya ako. Nakatira ako kasama ang mama ko sa isang simpleng apartment. Actually etong apartment na ito ay para dapat kay Kheean at sa ate nya kaso sa states nag college ang ate nya at sya high school pa lang pero 18 years old na. Nagstop daw sya pero ayaw niyang sabihin sa akin ang dahilan. Kung ano man ang rason,aba ewan ko dun sa balugang yun pero thankful ako na pumayag ang pamilya niya na dito na lang kami tumira.

Pagkatapos kong maligo,nagbihis na kaagad ako ng damit. Well para sa araw na ito, nag suot ako ng over sized sweater at short shorts. Pinarisan ko ito ng sneakers. Enrollment lang naman kaya pwede naming suotin ang gusto naming suotin.

Kasalukuyan akong nag papaganda ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Si mama.

"Ayann, anak dalian mo na diyan. Andito na si Kheean"

"Opo ma. Eto na patapos na ako,"sagot ko sa kanya.

Pagkatapos kong magpaganda kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at naabutan ko doon si Kheean na lumalamon. Aba akala ko ba nagmamadali to kanina???

Umupo na din ako sa upuan at nagsimulang kumuha ng pagkain.

"Uy Ayann bat ambagal bagal mo ah? Kanina pa kaya ako naghihintay dito. Inip na inip na ako. Nagpaganda ka pa eh wala namang epekto! Tas nagshort ka pa ng maikli. Porket maputi yang legs mo?? Isusumbong kita kay tita dahil nang aakit ka ng mga lalake sa school,"sabi niya habang ngumunguya ng pagkain.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon