Unexpected 31

54 12 3
                                    

Ayann's POV

Lumipas ang mga araw at walang nagbago sa mga trato ng ibang tao sa akin sa school namin. Pero wala nang nangyaring basaan at lagayan ng glue sa upuan. Puro parinig na lang na hindi ko na lang pinapansin dahil alam ko namang hindi totoo yung mga yun.Nakakaloka nga gumawa pa sila ng hatepage ko pero bahala na sila dyan sa buhay nila. Aaminin kong minsan yung iba nilang sinasabi ay masyado nang masakit pero kiber na lang.  Halos sila Sky na lang talaga ang pumapatol doon kahit sinasabi kong wag na nilang gawin. Kaso matitigas mga ulo nila kaya tuloy pa din sila sa pagpatol kaya hinahayaan ko na lang. Basta wag lang silang mapaaway nang pisikalan.

May ilan ding nagbabalak pa din akong saktan pero dahil halos ayaw na ako iwanan nila Kheean at ng mga Unicorns,hindi nila magawa. Kaya puro parinig na lang. Bahala sila sa mga buhay nila.

At ngayon ay Sabado na and yun nga tutoring day with Isaiah. Papunta na ako ngayon sa kanila kahit tinatamad ako pero wala eh kailangan talagang pumunta. Kung hindi naman ako magbebenefit sa pagtutor ko kay Isaiah,hindi ako magtitiis na pumunta lagi sa kanila tuwing Sabado.

Pasakay na sana ako ng shuttle bus nang biglang nagring ang cellphone ko. Agad ko naman kinuha iyon at sinagot nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello"sagot ko sa tawag.

"Baklang payatot"sabi ng nasa kabilang linya. Aba't ininsulto pa ako?!

"Hmm sino ho ito?"tanong ko. Pinanatili kong kalmado ang boses ko kahit na deep inside ay gusto ko nang sabunutan kung sino mang nasa kabilang linya.

"Tss. Kahit kailan slow talaga"sabi ulit ng nasa kabilang linya.

"Uhm mawalang galang lang ho. May pupuntahan at gagawin pa ho ako. Wala na ho akong oras para makipaglaro sa hindi ko naman kilala at mapang-insultong tao gaya ninyo"sabi ko. Papatayin ko na sana ang tawag ng magsalita ito.

"Hey calm down. It's me Isaiah"pagpapakilala niya. Wait saan nya nakuha number ko??

"Tss. Look papunta na ako sa inyo kaya di mo na kailangang tumawag"sabi ko at papatayin na sana ang tawag nang magsalit ulit ang punggok na ito. Aishhhh

"Wait may convenient store dyan sa labasan right?"tanong niya sa akin.

"Oo naman bakit? Wag mong sabihing. Hoy wala akong pera Isaiah"sabi ko sa kanya.

"Hey hey calm down. Wala akong balak ipabili sayo. Just stay in convenient store and wait for me"sabi niya.

"Bakit. Don't tell me dito tayo sa convenient store magtutor??"tanong ko.

"Tss. Andaming tanong. Just wait me there okay"sabi niya at pinatayan ako ng tawag. Aba't bastos.

Hinanap ko na lang ang convenient store na sinasabi niya at pumasok doon. Bigla akong nakaramdam ng gutom pagpasok ko sa convenient store,hindi pa kasi ako nakakapagalmusal, kaya naisipan kong bumili ng hotdog sandwich at ng paborito kong mixed berries juice para may kainin ako habang hinahantay ang asungot na si Isaiah.

Sakto namang naubos ko ang kinakain ko ng pumasok si Isaiah sa convenient store. Parang biglang bumagal yung paligid pagkapasok niya. Simpleng white shirt,jeans,white shoes at denim jacket lang naman ang suot niya pero litaw na litaw ang kaguwapuhan nya habang lumalapit sa akin. Dumagdag pa yang pahanging effect,na hindi ko naman alam kung saan nanggaling,sa kaguwapuhan niya. Shet?? Ano ba tong sinasabi ko???? Di ko namalayan na nasa harap ko na pala si Isaiah dahil sa pagiging tulala ko. Bumalik lang ang ulirat ko ng pumitik siya.

"Hey you're drooling"sabi niya at ngumisi.

Hinawakan ko ang gilid ng labi ko kung may laway at wala naman akong nakapang laway.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon