Unexpected 11

69 14 2
                                    

Ayann's POV

"Woooohh!!!! Ang galing nyo Unicorns!!"

"Wahhh idol ko na kayo!!!"

"Shettt!! Ang gagaling. Isa pa!!!!"

"Collab kayo ng Triple Cross!!"

Iyan ang mga narinig namin pagkatapos naming iperform ang mga kanta na pinaghanda namin. Napangiti kami dahil di namin inexpect na magugustuhan nila kami. Naghawak hawak kami ng kamay at sabay sabay na nagbow.

"Woah. That was so lit af!! Unicorns just showed us how you you should end a show with a bang!! Yeah you heard me right. Yan na ang last act for our show. Thank you for watching us.  And now may I call the other performers and all of the Fourth Year students to come up here in the stage for our final bow"sabi ni Sheine.

Naglabasan naman mula sa backstage ang ibang performers at nag arrange kami according sa  pagkasunod sunod namin kanina. So technically yung Triple Cross ang katabi namin. Ok lang naman sa akin yun lalo na kapag si Abraham ang makakatabi ko kaso si Isaiah pa ang nakatabi ko. Dahil doon siya ang nakahawakan ko ng kamay para sa sabay sabay naming pagbow. May naramdaman akong parang kuryente ng magkahawak ang kamay namin. Di ko pinansin yun kasi baka dahil lang iyon sa lamig. Minsan kasi pag nagmamall kami ni Kheean at kapag nagkakabanggaan kami ay may biglang spark kaming nararamdaman.

"So again. Our show is already end. Thank you again for coming. Until the next show guys. You can now have a picture taking with our performers"pagtatapos na ni Sheine ng show namin at pumasok na siya ng backstage.

Kami naman ay bumaba ng stage at game na nagpapicture sa mga gustong makipagpicture sa amin.

Smile dito,awra doon. Wacky dito,fierce doon. Yan ang mga ginawa namin. Feeling artista tuloy kami ng mga kaibigan ko. Kaya tuwing nagkakatinginan kami kada may nagpapaicture samin,napapatawa na lang kami.

"Grabe feeling ko artista na ako"sabi ni Sky ng wala nang masyadong nakakikipagpicture sa amin.

"Super true. Feeling ko nga attract na attract talaga sila sa ganda ko"sabi naman ni Kate.

"Teh. Ganyan talaga sila kapag nakakakita ng endagered species. Gusto nilang may remembrance sila doon"pang aasar ko dito. Minura niya ako at tinawanan na lang namin siya.

"Uhm excuse me po"singit sa amin ng isang lalaki. Third Year siya dahil nakita namin siya kanina sa filmshowing kanina.

"Ay bakit be?"tanong sa kanya ni Kate.

"Pwede po bang magpapicture yung kaibigan ko kay Ayann. Nahihiya po kasi siyang lumapit at magpapicture kaya ako na lang po ang lumapit"sabi nito.

"Ah ganon ba. Sure. No problem. Asan ba siya?"tanong ko.

"Wait lang po ah. Tatawagin ko lang po"sabi nito at umalis. Maya maya ay bumalik siya at marami na sila. May tinutulak silang lalaki, iyon ata yung kaibigan niya. Nagulat ako ng makitang si Andre pala iyon.

"Ohh. Si cutie boy pala"sabi ni Jin.

"Ahm eto na po siya oh. Oh Andre dali na. Kanina diba gusto mong magpapicture"sabi nung kaibigan ni Andre.

"Oo nga pre. Wag ka nang mahiya. Tinutulungan ka na nga namin"sabi pa ng isa nilang kaibigan sabay tulak kay Andre papalapit sa akin.

"Naku sorry talaga Ayann ah. Nasali ka pa sa kabaliwan nitong mga hinayupak kong kaibigan"sabi nito sa akin.

"Naku ano ka ba wala iyon. Wag ka ng mahiya picture lang naman"sabi ko.

Nagtabi na kaming dalawa at pinicturan kami ng mga kaibigan niya. Di ko nga alam kung saan ako titingin kasi andaming camerang nakatutok sa 'min.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon