Unexpected 16

63 9 0
                                    

Ayann's POV

Nagulat ako sa narinig ko. Ano daw? Wala na akong scholarship? Wait lang baka naman nagjojoke lang si Mam.

Inantay ko na sasabihin niya yung salitang "joke lang. Peace youw" kaso naalala ko na di kami close ng Accounting Head at base sa itsura niya,mukhang hindi niya ugali ang pagjojoke.

"Ano po Mam? Seryoso po? Imposible naman po yan Mam. Maayos naman po ang grades ko. Malinis naman ang records ko sa guidance. Actually nga po eh isa ako sa mga candidates for being Valedictorian. So pano po nangyari iyon Mam?"tanong ko sa kanya. Di pa rin talaga magsink in sa akin yung narinig ko.

"Ganito kasi yan. Wala ang pangalan mo sa list ng mga scholars na galing sa Munisipyo. Kahit ako eh nagulat dahil doon"sabi niya.

"Mam. Baka naman po pwede naman po nyong pacheck iyan ulit. Baka kasi error lang po"sabi ko.

"Sige sige. I will check it"sabi niya at may pinindot pindot siya sa laptop.

"Sorry pero wal talage eh"pinakita niya pa sa akin ang listahan sa laptop niya at wala nga doon ang pangalan ko nang hinanap ko iyon. Bigla akong nanlumo dahil doon.

"Hala Mam. Pano po iyan? Anong gagawin ko Mam. Di po pwedeng wala akong scholarship kasi matatanggal ako dito sa school kahit sabihin nating this school year lang ako magbabayad. Ag laki din po ng 30,000 pesos Mam. Saan po ako kukuha noon?"sabi ko rito.

"Ganto na lang. Pupunta ako mismo sa Munisipyo to verify kung ano talaga ang nangyari. But for now pwede ka naman kahit magdown payment muna ng at least 5,000 pesos by then of the month. And yung the rest ay huhulog hulugan mo na lang every grading period. Bago mag exam para may permit ka"sabi niya. Pero san naman ako kukuha ng 5,000?

"Sige po Mam. Pero pwede po bang magfavor?"sabi ko.

"Sure ano iyon?"tanong niya.

"Please lang po. Pwede po bang atin atin na lang ito. Huwag nyo pong ipaalam kay Mama. Ayoko pong maistress pa siya dahil lang dito"pakikiusap ko.

"Okay then. If that's what you want. I won't tell her. Sasabihan ko na lag yung nagpapadala ng school letter na sa iyo na lang direct ipadala"sabi niya.

"Sige po. Thank you po ng marami Mam"sabi ko.

Nanlulumo akong lumabas ng opisina niya. Hindi na ako sumunod sa canteen dahil wala na akong gana kumain dahil sa narinig ko. Huhu saan ako kukuha ng pera? Naiiyak na ako.

Dumiretso na lang ako sa classroom namin. Ang bright at masaya kong aura ay parang biglang napalitan ng itim at malungkot na aura. Kaya naman yung mga nakakasalubong ko kanina papuntan ng classroom ay parang naiilang na batiin ako. Siguro pansin din nila na wala ako sa mood. Or di kaya nakikita nila yung aura sa bumabalot sa katawan ko.

Pagdating ko ng classroom,walang gana akong umupo sa upuan ko at sumalampak doon. Nakinig na lang ako ng music para kahit papaano ay mawala sa utak ko yung usapan namin kanina. Pero wala pa ding dulot. Parang hindi na nga yung music ang naririnig ko kung hindi yung tanong kung saan ba ako kukuha ng pera pambayad ng tuition ko. Ayoko namang ipaalam kay mama kasi ayoko siyang mastress. Sakto lang naman kasi sa amin ang kinikita niya. Dahil lang naman sa scholarship kaya ako nakakapasok sa prestihiyosong school na ito dahil sa scholarship kaso bigla itong nawala. Huhuhu. Wala na. Sira na yung pangarap ko na makagraduate bilang Valedictorian sa isang sikat, pangmayaman,sosyal at prestigious school gaya ng Silver Cross Academy.

Maya maya kumalam ang tiyan ko. Shet di nga pala ako nakakain ng recess. Nakakawalang gana na kasing sumunod doon. Tsaka maya maya matatapos na din naman yung recess. Pero gutom na ako huhuhu. Wait oo nga pala. Di ko pa iyon nakakain.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon