Unexpected 46

35 7 3
                                    

Ayann's POV

Lumipas ang ilang araw pero fresh pa din sa akin ang nangyari sa library. Hindi ako makapaniwala na nagconfess na ako kay Isaiah. Dahil din doon mas naging close kami. Lagi na siyang sumasabay sa amin ng mga kaibigan ko kapag recess at lunch kaya naman lagi akong inaasar ng mga kaibigan ko. Alam na rin nila na gusto ko na si Isaiah kaya mas lalong tumitindi ang pang-aasar nila sa akin. At si Isaiah naman ay tuwang tuwa kapag naasar o nahihiya ako.

Balik na rin siya sa dating gawi nang paghatid sundo sa akin at one time nakita siya ni mama na sinusundo ako. Kung hindi ko lang siguro sinabi na malalate na kami baka hindi na kami nakapasok noong araw na iyon sa kakausisa ni mama tungkol sa amin ni Isaiah.

Ngayon ay andito kaming dalawa sa loob ng library at nagrereview, vacant kasi namin ngayon. Kakatapos lang mga prelims namin kahapon at next week na kaagad ang first quarter exam namin kaya naman nagrereview na kami ngayon. Kaming dalawa lang ni Isaiah ang nandito dahil humindi ang mga kaibigan ko dahil masakit pa daw ang ulo nila mula sa kakareview at kakasagot ng mga test noong mga lumipas na araw. Actually ako ang nagpumilit nito kaso umayaw sila kaya si Isaiah ang pinilit ko na medyo pinagsisihan ko ngayon dahil hindi ako makapagfocus ng maayos sa kakareview dahil kanina pa siya nakatingin sa akin.

"Alam mo Isaiah, itigil na lang natin tong ginagawa natin" sabi ko sa kanya. Ibinagsak ko pa ang binabasa kong libro.

"Why?!" tinawanan niya pa ako.

"Seriously? Hindi ka naman nagrereview eh. Tinitingnan mo lang naman ako buong oras, kulang na lang kainin mo ako"

"Can I eat you?" nilapit niya pa ang mukha niya sa akin saka ngumisi.

"Anong sabi mo? Siraulo ka talaga" hinampas ko sa kanya yung hawak-hawak kong libro.

"Aray.. aray.. Ayann... masakit..." hindi pa rin ako tumigil sa kakahampas sa kanya.

"Anong aray aray?? Ano yung sinasabi mo kanina huh? Anong eat eat?"

"Aray... tama na.."

"Ehemm" napatigil ako kahahampas  ko kay Isaiah nang may tumikhim sa likod namin.  Sabay namin nilingon ni Isaiah kung sino iyon at nakita namin ang librarian namin nakataas ang kilay sa amin.

"If you're just going to make this whole library your love nest, I think you better go out. Other students here are really studying unlike the both of you"

"Sorry po miss" sabay naming sabi ni Isaiah

"This is just a warning and kapag nakarinig pa ako ng ingay, puwede na kayong lumabas"

"Opo miss. Sorry po talaga.." paghingi ko ng apology sa kanya.

Inirapan niya lang kami bago siya nag-ikot sa buong library kung ang lahat ba ay sinusunod ang mga rules sa loob ng library. Ganon siya kastrikto. Kung hindi siguro si Isaiah ang kasama ko ngayon baka napalabas na ako or else naban na sa library na hindi ko maimagine kung anong gagawin ko if ever na magyayari sa akin iyon.

"Ikaw kasi Isaiah, apaka-ingay mo. Napagalitan tuloy tayo" paninisi ko sa kanya.

"Oh bakit ako?" natatawa niyang sabi.

"Totoo naman ah. Ikaw kasi ang ingay mo. Aray ka nang aray"

"Hindi naman ako aaray kung hindi mo ako hinahampas niyang libro"

"Ang OA mo lang kamo. Hindi naman masakit tong libro. Parang hindi ka lalaki, mas malambot ka pa sa akin eh"pang-aasar ko sa kanya.

"Why don't you try me para malaman natin kung sino mas matigas sa atin" nakangisi niyang pang-aasar pabalik sa akin.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon