Unexpected 26

65 12 5
                                    

Ayann's POV

Kringgg.... Kringg....

Ahh... Ano yung tumutunog??!! Cellphone ko ba yun?

Kringggg.... Kringgg..

Ugh... Sino ba yang tumatawag? Ang aga aga namang mambulabog.

Kringggg... Kringgg....

Arghh!!! Eto na!!!!!!

Inaantok man,pinilit kong kunin ang cellphone ko. Hindi ko na natingnan kung sino man ang tumatawag. Agad ko na lang sinagot iyon.

"Hello"sagot sa tawag in bedroom voice.

"Hoy Ayann!!! Hindi ka si sleeping beauty,kaya wag kang magmaganda dyan. Bumangon ka na. Anong oras na!!!"bigla kong nailayo ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ni Sky.

Ang aga aga nama niyang mambulabog. Ano bang meron?!

"Ano ba Sky?! Gagawin mo ba akong bingi. Ang aga aga nambubulabog ka na kaagad"sabi ko sa kanya.

"Anong maaga? Alas diyes na Ayann. Alas diyes"sabi niya. Diniinan niya pa ang huli niyang sinabi.

"Oh ano bang meron sa alas diyes?"inosenteng tanong ko.

"Di mo ba kung anong araw ngayon huh,Ayann?"tanong niya.

"Sabado ngayon. Bakit? Wala namang special sa Sabado ah. Tsaka wala naman tayong pinlanong gala ngayon araw diba?!"sabi ko sa kanya.

"Hay nako Ayann. Anak ng tokwa ka talaga. Mukhang nakalimutan mo eh. Oh sya papaalala ko sayo kung ano bang meron ngayong Sabado. Makinig ka Ayannry San Agustin ah. Ngayon lang naman pong sabado napag desisyunan na gagawin natin yung mini project natin kila Isaiah. At ang call time po ay alas diyes. At kung baka nakakalimutan mo,ikaw pa ang nagsabing alas diyes ang call time"mahabang litanya niya.

"Hala? Totoo?! Sinabi ko yun? Shit late na ako!!!"sabi ko.

"Oo. Kaya wag nang feeling pretty. Bumangon ka na dyan. Ako na bahala magchika dito sa mga groupmates natin habang hinihintay ka namin"sabi niya.

"Naku wag niyo na ako antayin. Mauna na kayo sa bahay nila Isaiah"sabi ko sa kanila.

"Huh? Eh pano ka? Mamaya maligaw ka pa eh"sabi niya.

"Seriously? Baka nakakalimutan mo,na nagtutor ako last week kay Isaiah at diyan mismo yung sa bahay nila"sabi ko.

"Ayy. Oo nga pala. Sige sige. Antayin ka na lang namin sa bahay nila Isaiah. Basta wag mong kalimutan yung laptop mo"sabi niya.

"Sige sige. Byee. Maliligo na ako"sabi ko at pinatay na ang tawag.

Pagkapatay ko ng tawag,dali dali akong tumayo at bumangon mula sa kama ko at patakbong kinuha ang tuwalya kong nakasabit sa isang tabi at dumiretso sa loob ng cr.

Dali dali akong naligo. Kung sa karaniwang araw,ay todo kuskos ako sa katawan ko,ngayon naman ay parang di ko man lang naramdaman sa balat ko yung panyong ginagamit ko sa pagkukukos ng katawan ko.

Pagkatapos kong maligo,patakbo akong lumabas ng cr para magbihis. Hindi ko na alam kung ano ba ang plano kong peg ngayon,basta kumuha na lang ako ng susuotin ko at parang ipo ipong nagbihis. Kung nakaraang araw ay planado ko na ang lahat mula sa paggising ko at susuotin ko dahil andoon si Abraham,pero  lahat yun ay nawala dahil late na akong nagising. Kainisss  Hays bala na nga dyan.

Pagkatapos kong magbihis,patakbo akong lumabas ng kwarto ko. Palabas na sana ako ng bahay, nang may daanan ako note na nakalagay sa ref namin. Huminto muna ako doon at binasa ang note doon sa ref.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon