Unexpected 10

79 15 2
                                    

Ayann's POV

Brizk.. brizkkk...

Agad kong pinatay ang alarm ko ng marinig iyon. Agad akong tumayo kahit inaantok pa ako. Nag unat unat ako para kahit papaano ay mawala ang antok ko.

Lumabas muna ako ng kwarto para magsaing. Pagkasalang ko ng kanin sa rice cooker,pumasok ulit ako sa kwarto para maligo.

Pagkatapos kong maligo,nagbihis na ako ng damit. Nagsuot ako ng white shirt at high waist pants. Tinuck in ko sa pants yung tshirt. Pinarisan ko naman ito ng white sneakers. Pwede naman kaming magcivilian today sabi ng adviser namin kahapon tutal practice at preparation lag naman ang ganap namin. Lumabas na ako ng kwarto,dala dala ang bag ko.

Paglabas ko ng kwarto,luto na ang sinaing ko. Kaya nagluto na ako ng ulam namin. Pagkaluto ko ng ulam,sakto namang lumabas si Mama galing ng kwarto niya. Bagong gising pa lang siya.

"Ma kain"sabi ko sa kanya.

"Oh aga mo ngayon nak ah"sabi nito.

"Lagi naman akong maaga Ma. Well except kahapon hahaha"sabi ko.

"Bakit ka pala nakacivilian?"tanong nito.

"Ah pwede daw kasi kami magcivilian ngayon since practice lang naman para sa mga gagawin namin bukas ang ganap today"sabi ko.

"Bakit ano bang meron bukas?"tanong nito. Di ko nga pa pala nasasabi kay Mama yung tungkol sa ganap bukas.

"Acquaintance party kasi namin bukas. Tapos every year level dapat gagawa ng show. Eh kaming 4th Year,mini concert yung naisip naming gawin. Isa kaming mga Unicorns sa magpeperform."sabi ko.

"Ah ganun ba. Mag pavideo ka ah. Para mapanood"sabi ko.

"Matic na yun ma. Alam mo naman yung si Kheean. Kahit di ko sabihin na videohan ako,magvivideo pa din yun"sabi ko.

"Oh siya kumain ka na diyan. Maliligo muna ako. Yung baon mo andyaan lang sa ibabaw ng ref. Magpaalam ka na lang sa akin pag aalis ka na."

"Ok ma"sabi ko.

Tinuloy ko na ang pagkain ko ng almusal. Pagkatapos kong kumain,niligpit ko ang pinagkainan ko at hinugasan ang mga ito. Kinuha ko ang baon ko sa taas ng ref at nagpaalam na kay mama.

"Ma,alis na ako"sabi ko.

"Sige. Ilock mo yung pinto ah"sigaw niya. Nasa loob kasi siya ng banyo.

Lumabas na ako ng bahay namin. Saktong paglabas ko naman ng gate ay may tricycle na  dumaan. Pinara ko naman kaagad ito at sumakay rito.

Pagdating namin sa may labasan,tumigil na ang tricycle. Nagbabaan na kami rito at isa isang nagbayad sa driver. Naglakad lang ako ng kaunti at nasa highway na ako.

Nag aabang ako ngayon ng mga jeep at kung kamalas malasan nga naman oh. Punuan lahat ng mga jeep na dumadaan. Hmm...tawagan ko kaya si Kheean at magpasundo? Ay wag na lang baka tulog pa yun.

Habang nag aantay na may dumaang jeep,may tumigil na kotse sa harapan ko. Di ko alam kung kanino ito. Maya maya bumaba ang bintana ng backseat.

"Hey Ayann"si Abraham iyon. Shocks!! Kung sinuswerte nga naman ako oh. Ang aga aga siya na kaagad ang makikita ko.

"Oh hi Abraham"bati ko rito.

"Uhm What are you doing there?"tanong nito sa akin.

"Ah naghahantay kasi ako ng jeep na masasakyan. Di naman kasi ako katulad nyo na nakakakotse. Poorita kid lang ako eh hahaha"sabi ko. Shocks ang daldal ko hahaha.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon