Unexpected 20

70 13 13
                                    

Ayann's POV

Naging mabilis lang naman ang mga pangyayari nung Friday. Wala namang masyadong nangyari. Lesson dito,lesson doon. Tapos recess. After naman ng recess,lesson ulit. Siyempre di mawawala ang mga paquiz at seatwork after ng mga lesson. Walang masyadong ganap. Ah meron pala,nag P.E. kami at puro physical activities lang. Usual na pagsisimula sa klase sa P.E. Gustong gusto ko pag nagpi-P.E. kami kasi hindi kami nagsusulat at lumalabas kami ng room. Sa basketball gym kasi kami lagi nagpiP.E. Bukod doon wala nang masyadong naganap sa Friday ko. Ah meron pa pala. Halos buong araw lang naman ako paalalahanan ni Isaiah about sa pagtutor ko sa kanya,na alas diyes daw ay dapat nasa kanila na ako. Hanggang sa chat ay nagremind siya. Kita mo? Parang excited pa siya habang ako naman ay bwisit.

Di ko siya pinansin. Bahala siya. Pupunta ako sa oras na gusto ko. After all ako naman ang masusunod sa aming dalawa kasi ako naman ang magtuturo at ako ang may hawak ng oras ko.

Ngayon ay sabado na at 10:30. Andito pa ako sa bahay habang sitting pretty. Kakatapos ko lang maglaba. Wala akong pake kung lagpas ten na at kung nag aantay sa akin doon si Isaiah sa bahay nila. Bahala siya mabulok sa kanila.

Binuksan ko ang phone ko para icheck ang Facebook ko. At tulad ng hinala ko,nagmessage nga sa akin ni Isaiah at nagtatanong kung asan na daw ako. Hindi ko siya pinansin.

Binuksan ko na lang ang tv namin at nanood ako ng cartoons. Oh baket masama bang manood ng cartoons kahit dalaga ka na??

Enjoy na enjoy ako sa kapapanood ng cartoons at hindi ko napansin na alas dose na pala. Kung hindi lang siguro kumalam ang tiyan ko eh, hindi ko maiisipan na tingnan yung oras sa cellphone ko.

Tumayo na ako at pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain.  Bumalik ako sa sala na may dalang pagkain at sa sala kumain.

Pagkatapos kong kumain, niligpit ko na ang pinagkainan ko at pumasok sa kwarto ko para maligo na. Wala naman na akong gagawin dito sa bahay kaya siguro pupunta na lang ako kila Isaiah para matutor ko na siya.

After kong maligo, kumuha ako ng ilang mga damit pangtaas at pangbaba at nilatag ko iyon sa kama ko. Tiningnan ko kung ano ang ang magandang susuotin ko. Bagay na hindi ko maintindihan kung bakit ko ginawa.

Hays!!! Wala naman siguro doon si Abraham kaya di ko na kailangan magpaganda. Niligpit ko na ang ibang damit na kinuha ko at ibinalik sa cabinet. Napag desisyunan ko na lang na magcrop top at highwaist na pantalon. Okay na siguro to. Nagpulbo na lang ako at liptint. Hindi ko kailangan mag ayos ng bongga dahil una,wala naman doon si Abraham. Pangalawa,magtutor lang naman at panghuli magiging haggard lang din naman ako sa byahe dahil sa init. Kung di lang naman siguro ako tanga,babyahe ako ng tanghali kung kailan putok na putok yung araw.

Pagkatapos kong mag ayos,binunot ko na ang cellphone ko na chinarge ko bago ako maligo at inilagay ko sa dadalhin kong bag. Lumabas na ako kwarto ko. Bago ako lumabas ng tuluyan sa bahay namin,chineck ko muna kung may nakasaksak pa bang mga appliances sa outlet. Nang masiguro kong wala na,lumabas na ako ng bahay at inilock ang pinto at gate namin.

Nang abang ako ng mga ilang minuto sa labas ng bahay namin bago may dumating na tricycle. Pinara ko agad iyon at sumakay na. Nang makarating na kami sa labas ng village namin,bumaba na ako at naglakad papuntang highway para mag abang ng jeep.

Nang may dumaan jeep,pinara ko na agad ito at sumakay ako dito. Nag abot ako ng bayad at inabot naman ito ng katabi ko. Doon ko napansin na ang gwapo pala ng katabi ko hahaha. Pero loyal pa din ako kay Abraham noh!! Nagsoundtrip na lang ako sa biyahe. Nang malapit na ako sa babaan ko,pumara na ako bumaba.

Sobrang init pagkababa ko kaya,inilabas ko ang payong ko at ginamit iyon. Umakyat na ako ng overpass dahil nasa kabilang side pa yung papunta kila Isaiah. Yung binabaan ko ay hindi yung mismong lugar kung saan ang subdivision nila Isaiah. Yun lang ang terminal ng mga sasakyang papunta sa subdivision nila. Yung lugar kasi nila ay mga subdivision na tabi tabi. Ito yung mga high class na subdivision,kung saan doon din nakatira yung mga government officials dito sa Parañaque at mga artista na taga dito sa amin. Hindi man doon sa exact na subdivision,nila kung hindi sa mga kalapit nito. Yung kila Kheean kasi middle class na subdivision. Ayaw kasi nilang tumira sa ganun kabonggang lugar dahil hindi naman kailangan.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon