Unexpected 37

36 9 0
                                    


Kheean's POV

Maaga pa lang ay nasa labas na ako ng bahay nila Ayann. Para saan? Kundi sunduin siya. At ang isa namang iyon ay tagal tagal lumabas ng bahay nila. Hindi naman sa nagrereklamo ako ah. Halos araw-araw ko naman na itong ginagawa pero sadyang makupad talaga kumilos ang isang iyon. Kung tutuusin nga ay hindi ko naman siya kailangan talagang sundin dahil unang-una ay kaya naman niya at pangalawa meron na akong kailangan talagang sunduin na special someone kaso ayaw din naman nitong magpasundo kaya naman tinutupad ko na lang ang pangako ko kay Ayann na susunduin ko siya at ihahahtid palagi para na din mabantayan lalo na't may nambubully na naman sa kanya. Ayoko ko kasing makitang nasasaktan na naman siya gaya nung una ko siyang makita nung mga bata kami. Pero do't get me wrong. Wala akong feelings para kay Ayann. I only see him as my younger brother or sister kung ano mang gusto niya. Special siya sa akin pero may tao nang nagmamay-ari ng pusoko at hindi si Ayann iyon. And speaking of that little devil,nakita ko nang lumabas si Ayann ng bahay nila kaya naman inistart ko na agad ang makina.

"Ang bagal-bagal mo talagang gumalaw kahit kalian"sabi ko sa kanya nang makasakay na siya sa kotse ko. Nagsimula na din akong magmaneho nang maikabit niya na ang seatbelt niya.

"Hoy ang bilis na kaya ng pagkilos ko no. Tsaka masyado ka lang talagang maaga dumating. Ano bang nakain mo ngayon at maaga kang pumasok?"tanong ni Ayann sa akin. Tama nga siya,masyado akong maagang umalis ng bahay naming ngayon. Ewan ko nga ba kung bakit. Siguro ganito talaga kapag inspirado. Nakss naman.

"Wala trip ko lang"sagot ko sa kanya. Hindi na siya sumagot, sa halip ay tahimik na lang siyang nakikinig sa music sa cellphone niya habang suot suot ang earphones niya.

"Salamat sa paghatid"sabi sa akin ni Ayann at tsaka bumaba na ng kotse ko.

'Himala nagpasalamat'

Nagpaiwan muna ako sa loob ng kotse ko. Naalala kop ala na iyong pinakaterror kong teacher ang first subject naming ngayon, kaya naman napagdesisyunan kong manatili na lang muna sa loob ng kotse ko. Bale mamayang second subject na ako papasok total hindi naman ako mapapansi ng teacher na iyon. Don't judge me,okay? Hindi ako nagbubulakbol. Sadyang nakakawalang gana lang talagang pasukan ang teacher na iyon. Sino ba namang gaganahang makiniig sa teacher na pagkapasok pa lang ay ramdam mo nang galit. Hindi man lang marunong bumati pabalik. Hindi ngumingiti at parang ang laki-laki ng galit at problema sa mundo. At higit sa lahat at ang pinaka-ayaw ko sa kanya ay kapag nagkamali ka ng sagot sa tanong niya,ipapahiya ka niya sa buong klase. Sige nga? Sinong gaganahang pumasok kapag ganyang ang teacher. Lumabas na lang ako ng kotse at pumunta sa malapit na coffee shop dito sa eskuwelahan naming at doon na lang muna ako magpapalipas ng oras.

Ring..... Ring....

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Nakatulog pala ako ditto sa coffe shop. Kinuha ko ang cellphone ko at agad akong napangiti ng makita ko kung kaninong pangalan ang nakaflash sa cellphone ko.

Baby Sky is calling....

Nakangiti kong kinuha nag cellphone ko at sinagot ang tawag.

"Hello Baby"nakangiting kong sabi.

"Nasaan ka?"agad na tanong ni Sky sa akin.

"Nasa coffe shop sa labas ng school. Bakit? Miss mo na ba ako?"nang-aasar na sabi ko sa kanya.

"Wag muna ngayon Kheean. Asan si Ayann?"tanong niya sa akin.

"Huh?Pumasok na siya ah"sabi ko.

"Wala pa siya dito Kheean. Mag sesecond subject na at wala pa din. Imposible ding umabsent iyon dahil wala iyon sa ugali ni Ayann"sabi niya. Agad naman akong kinabahan sa sinabi niya. May nangyari na naman ba kay Ayann?

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon