Unexpected 21

62 12 9
                                    

Ayann's POV

"Nak. Nakk. Gising na"ramdam kong may tumatapik tapik sa akin pero hindi ko talaga kayang buksan ang mata ko sa sobrang pagod at antok ko.

"Nak gising na malalate ka na"tinapik tapik nya ulit ako. Pero di ko pa din talaga kayang buksan yung mata ko dahil inaantok pa din talaga ako.

"Anak gising na. Mag aala syete na"yugyog sa akin ni mama. Bigla akong napabangon dahil sa gulat ko. Nawala bigla ang antok sa katawan ko.

"Huh? Totoo?!"gulat na tanong ko.

"Oo anak"sabi niya.

"Huh? Bat di mo ako ginising ma? Malalate na ako eh"sabi ko.

"Ano ka ba anak? Bangag ka ba? Kanina pa kita ginigising eh. Anong oras ka ba natulog kagabi?"tanong niya.

"Di ko alam eh"sagot ko.

"Hays nako Ayannry. Puyat pa!! Dalian mo na dya't bumangon ka na para makaligo ka na. Malalate ka na. Kanina pa nag aantay si Kheean kaso pinauna ko na kaya ayun nasa school na siguro yun"sabi niya. Aww sayang naman.

"Sige po ma"tumayo na ako para hanapin ang tuwalya ko.

"Oh siya. Aalis na ako. Yung mga nakasaksak,bunutin ah. Yung mga ilaw patayin. Papasok na ako sa trabaho ko"sabi ni mama. Doon ko napansin na nakauniform na pala siya.

"Sige po"sabi ko at pumasok na sa cr para maligo.

Di ko na alam kung gaano kabilis yung ligo ko. Basta buhos,sabon,buhos,shampoo,buhos ang ginawa ko. Di bale nang one-two-three ang mahalaga nakaligo na ako.

Dali dali akong nagbihis pagkalabas ko ng cr. Habang nagbibihis ako,doon ko naalala na Monday pala ngayon. Shet!! May flag ceremony pala kami tapos late ako!!!shet!! Kasalanan mo ito Isaiah.

Oo si Isaiah yung may kasalanan bat ako napuyat. Ganto kasi yan. Nagbrabrowse ako sa Facebook kagabi at biglang may nagpop up na message. Galing pala kay Isaiah. Binasa ko iyon at nakalagay na "Thank you for yesterday Ayann. I've learned a lot. I'm looking forward for the next tutoring session. See you tomorrow. Good night. Sweet dreams". Yan yung message niya. Nakakainis talaga. Nakakainis kasi nang dahil lang sa chat na yan hindi ako kaagad nakatulog. Dahil sa chat na yan, napangiti ako bigla ng di ko alam. Dahil sa chat na yan biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang kinikilig ako. Pero mas naiinis ako sa sarili ko kung bakit ganoon ang reaksiyon ko? Eh hindi tama iyon. Dapat kay Abraham ko lang nararamdaman yung naramdaman ko kagabi. Dahil kay Abraham ako may gusto at hindi sa pinsan niyang si Isaiah.

Pagkatapos kong magbihis,dali dali kong sinuot ang ID ko,binunot ang nakacharge kong cellphone at isinuot ko na ang bag ko sa balikat ko dahil late na ako. 7:40 na at for sure nasa classroom na silang lahat.

Lumabas na ako ng kwarto ko. Pinatay ko ang mga ilaw at binunot ang mga nakasaksak. Halos patakbo na ako ng lumabas ng bahay namin at isinara ang pinto at gate.

Buti na lang talaga saktong pagkasira ko ng gate,may dumaang tricycle. Pinara ko ito at dali daling sumakay rito. Habang kumukuha ako ng barya sa wallet ko,doon ko na naalala na hindi pala ako nakapagtoothbrush. Shet!!? Oh noes!!!

Pasimple kong inamoy ang hininga ko and thank G wala namang chismis sa bunganga ko. Halos talunin ko na ang tricycle ng nasa labas na kami ng village namin. Binigay ko na ang bayad ko sa driver at dali daling tumakbo papuntang highway para makasakay ng jeep.

Nang may dumaan na jeep,pinara ko na ito at sumakay ako doon. May kasikipan na sa sinakyan kong jeep dahil halos kaliwang pisngi na lang ng pwet ko ang nakaupo. Pero keri na to. Basta ang mahalaga makarating na ako ng school.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon