Ayann's POV
Naging mabilis lang ang weekend ko. Kasing bilis ng pag iwan sayo ng ex mo. Chos hahaha. Kung hindi lang siguro pumunta dito si Kheean kahapon baka buong magdamag akong tulog.Pumunta kasi siya dito kahapon ng mga bandang alas tres. Nag aya siyang magsimba kasi daw late daw siya nagising kaya di siya nakasama kanina kila tita sa pagsimba.Kahit ako naman ay late ding nagising kanina kasi anong oras na din kami nakauwi kagabi. Pumayag naman ako kaya agad akong nagbihis nun at bumyahe na kami papuntang Baclaran Church. Akala ko magsisimba lang talaga kami kaso nagulat ako ng bigla siyang nag aya na mag MOA. Gusto daw niya kumain muna at gumala. At dahil libre niya naman at nakakotse naman kami edi gumora na ako. Kumain kami sa pizza parlor. Pagkatapos noon ay nag ikot ikot kami kasi may gusto siyang bilhing damit. Nang mabili niya iyon ay umuwi na din kami. Alas syete kami umalis ng MOA pero dahil sa sobrang trapik simula MOA papuntang bahay,nakarating kami ng bahay mag aalas nuwebe na.
Teka nga lang bat ba ako nagkukuwento dito at nagmomonologue? Maliligo na pala dapat ako. Oh siya babye na muna.
Pagkatapos kong maligo,nagbihis na ako at lumabas ng kwarto ko para kumain. May pagkain na doon dahil bago ako magchika sa inyo at maligo ay nakaluto na ako. Si mama naman ay tulog pa sa kwarto niya. Masyado pa kasing maaga.
Isa sa rason kung bakit ako maaga gumising para pumasok dahil susunduin na niya ako at sabay kami papasok. May flag ceremony din kasi kami ngayon.
Kumakain na ako ngayon ng almusal. Si mama nama ay tulog pa. Pagod na pagod ata sa paglalaba niya kahapon. Pero maaga pa naman. Habang kumakain ako biglang may narinig ako ng busina. Shit si Kheean na ata yun. Sabi ko sa kanya huwag na siyang bumusina baka magising si mama.
Inabangan ko kung lalabas si mama ng kwarto niya pero hindi naman. Buti na lang talaga. Ang lakas pa naman busina.
Tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan ko. Nagtooth brush na din ako pagkatapos kong hugasan ang mga iyon. Tulog pa din si mama kahit tapos na akong maglipit kaya kumuha muna ako ng papel sa bag ko para gumawa ng note at inilagay iyon sa ref para paggising ni mama,alam na niyang wala na ako.
Matapos kong itong madikit ay lumabas na ako ng bahay. Bago ko isara ang pinto,pinatay ko muna ang ilaw. Pagkatapos noon ay lumabas na ako ng gate. Nakita kong nasa tapat lang ng bahay namin ang kotse ni Kheean kaya lumapit na ako dito para buksan iyon at pumasok.
"What took you so long?"tanong sa akin ni Kheean.
"Hinugasan ko pa kasi yung pinagkainan ko"sabi ko. Nilagay ko na ang bag ko sa back seat at isinuot ang seat belt.
"Okay"sabi niya at pinaandar ang kotse niya.
"Oy ikaw ah. Sabi ko diba wag ka na bumusina kasi tulog na tulog pa si mama. Buti na lang di nagising yun"sabi ko kay Kheean habang nagdadrive siya.
"Ah di ko kasi alam kung paano mo malalaman na andoon na ako. So I did that"sagot niya.
Di ko na siya sinagot. Nakatingin na lang ako sa labas ng bintana kung saan kitang kita ko ang iba't ibang tao. Mayroong mga estudyante at mga nagtatrabaho sa opisina na nag aabang ng mga sasakyan para makapunta sa mga kanya kanyang papasukan. Nakita ko din yung mga nagtatrabaho sa mga lansangan gaya ng mga street sweepers naglilinis ng daan at mga traffice enforcers na nagsasaayos ng daloy ng traffic.
Naging mabilis lang ang byahe namin dahil medyo maaga pa naman at wala pang masyadong dumadaang sasakyan. Pagdating namin ng school,wala pang masyadong tao. Paakyat na sana ako sa room namin ng pinigilan ako ni Kheean.
"Wait. Samahan mo naman ako sa canteen. I haven't eat breakfast yet"sabi niya.
"Huh? Bat di ka pa kasi kumain? Dapat kasi bago ka pumasok kumakain ka muna"pangangaral ko dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/189438614-288-k77401.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionSi Ayannry o mas kilala bilang Ayann ay isang normal at tipikal na gay. Mahilig siya sa mga girly na bagay. Actually lahat at ng gamit niya, pambabae. Almost everything tungkol sa kanya ay normal at parang predictable. Until one day,he met this guy...