Unexpected 43

36 6 5
                                    

Ayann’s POV

“Ma alis na po ako”

“Sige Ayann. Nasa iyo na ba ang baon mo?”

“Opo ma. Sige na alis na po ako”

“Naku Ayann, ikaw ah! Hindi mo man lang pinapapasok iyang si Kheean kapag sinusundo ka niya”

“Naku ma, hayaan mo na iyon. Makikiakain lang iyon dito eh. Sige na last na to ma. Alis na talaga ako”humalik muna ako kay mama bago lumabas na ng bahay.

Hanggang ngayon,ang alam ni mama si Kheean ang sundo ko. Hindi niya na rin kasi sinisilip kapag may bumubusinang kotse. Automatic na si Kheean na kaagad para sa kanya kapag may bumusina. Nakokonsensya na nga ako. Gusto ko na nga ikwento kay mama yung tungkol kay Isaiah kaso nahihiya ako. And speaking of Isaiah,eto siya sa harapan ko at nakangiti. Jusko di pa din ako makamove on sa naganap noong Sabado,dagdag mo pa yung katototohanang nagugustuhan ko na siya. Oo nagugustuhan ko na siya,masyadong mabilis pero masisi niyo ba ako?

“Good morning”bati sa akin ni Isaiah habang nakangiti na parang mas malinaw pa sa sikat ng araw.

‘Sige ngayon niyo ipaliwanag kung paano ako hindi mafafall sa mga kilos na pinapakita niya? Sige na ipaliwanag niyo nang pare-pareho tayong malinawagan.’

“Good morning din”nakangiti kong bati sa kanya.

“Let’s go”pinagbuksan niya ako ng pintuan. Tinanguan ko lang siya at pumasok na ng kotse.

Lumipat siya sa kabila at doon pumasok gaya ng nakasanayan niya. Sinenyasan niya ang driver at nagsimula nang umandar ang kotse.

“Uhm.. Ayann”tawag sa akin ni Isaiah. Andito na kami ngayon sa parking lot ng school namin.

“Bakit? Ano iyon?”tanong ko sa kanya.

“Puwede ba akong sumabay sa iyo maglunch mamaya?”nahihiyang tanong niya sa akin.

“Sigurado ka ba?”tanong ko.

“Oo naman”sabi nya.

“Oh sige see you mamayang lunch”nakangiti kong pagpayag.

“Sure ka?”

“Oo. Sige kita na lang mamaya sa classroom”sabi ko at nagsimula nang maglakad.

‘Hays okay lang naman yung pagpayag ko di’ba? Sana naman hindi na magkaissue at baka kung ano na namang mangyari. Eh kung bawiin ko na lang kaya? Kaso nakakahiya naman. Hays bala na nga diyan mamaya’

“Hoy Ayann! Bakla ka di ka man lang nagkukuwento ah”sabi sa akin ni Kyla. Mahihimigan sa boses niya ang pang aasar. Nga pala andito na kami sa canteen dahil recess na namin.

“Oo nga. You’re keeping secrets to us ah. Nakakahurt bilang friend mo huhuhu”madaramang sabi ni Kate.

“Pinagsasabi mo teh?”naguguluhan ako sa mga pinagsasabi nito.

“Oh eto tingnan mo. Ipaliwanag mo tong picture”sabi ni Kate at pinakita sa akin ang isang post ni Isaiah sa social media account niya.

May caption iyong “what a beautiful view” at ang nakakaloka picture ko iyon noong sumakay kami ng ferris wheel habang nakatingin ako sa sunset.

“Now magkuwento kana Ayannry San Agustin” sabi ni Jim.

“What is the meaning of this picture at bakit may gantong picture si Isaiah?”dugtong ni Jin.

“Ah ano kasiii. Wait paano ba ito??”naguguluhan kong sabi.

“So ano??”tumaas na ang boses ni Kate.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon