Ayann's POV
Pagkarating namin sa canteen,medyo maingay na. Madami dami na din kasing taong kumakain. Yung iba palakad lakad lang. Meron namang grupo na nakaupo lang sa mga table pero di naman kumain. Nagpapaganda lang o di kaya nagjajaming.
Luminga linga ako sa paligid para hanapin si Kheean. Andito na yun panigurado kasi sabi nya kanina bago kami magkahiwalay, mauuna na lang daw sya dito para makabili na ng makakain namin. Remember? Treat nya ang pagkain ng Unicorns hahaha.
Nakita ko sya sa may bandang dulo,malapit sa bintana. Nakatalikod sya sa amin pero alam kong sya iyon kasi kilalang kilala ko na sya. Lumapit kami sa kaniya at....
"Hoy Kheaan"malakas kong sigaw sa kanya.
"Oh fuck. You scared me Ayann"gulat na sabi nya sa amin.
"OA ah. Hahaha. In fairness mukha kang tanga doon ah"pang aasar ko sabay upo. Umupo na din yung ibang Unicorns.
"Tss. Ewan ko sayo. Kumain na nga kayo dyan"sabi nya.
"Woah. Ang dami naman nito Kheean"sabi ni Jin.
"Oo nga. Tsak busog na naman ang mga bakla"sabi naman ni Jim.
"Oy mga bakla. Kayo talaga basta libre ang bibilis nyo"sabi ni Kate.
"Oo nga. Eh ang yayaman nyo naman. Mga PG. Talaga kayo sa pag libre"sabi naman ni Kyla.
"Look who's talking?"sabi naman ni Sky sabay irap kay Kyla na ngayon ay lamon ng lamon.
"By the way Kheean. Here's the list ng mga gustong magline up para sa mini concert. And eto naman yung contribution para sa props. Andyan na rin yung list ng sa ibang section pati contribution nila. Pinasabay na nila"sabi ni Kheean sabay abot sa akin ng papel at sobre.
"Woah. Ambilis naman. Wait magkano ba itong contribution lahat?"tanong ko sa kanya.
"Nasa 8,000 I think?"sabi nya.
"What??!!! 8,000?!! Ang laki naman. Di pa kami nakakaambag nyan ah"sabi ko.
"OA mo naman Ayann"sabi ni Sky.
"Oo nga. Di ka pa ba nasanay sa mga students dito? Eh alam mo naman ang mga yon kapag sinabing contribution"sabi naman ni Kate.
"Sanay naman na ako pero nakakashookt pa din. Eh sahod na yun ni mama ng isang buwan eh"sabi ko.
Tinawanan na lang nila ako st nagpatuloy sila sa pagkain. Nang matapos kaming kumain,nagstay muna kami ng mga 10 minutes,tutal maaga pa naman. Nang malapit na magtime tumayo na kami at nagsimulang bumalik sa mga classroom namin. Nang makaakyat na kami sa floor nila Kheean,ito ay nagpaalam na. Pero bago kami makaakyat,tinawag nya pa ako.
"Ayann. Samahan mo ako bumili ng materials para sa props ah"sabi nya.
"Ok. Hintayin mo na lang ako sa parking lot."
"Wag na. Akyat na lang ako. I'll fetch you."
"Sige. Akyat na kami"
"Sige"sabi nya at naglakad na papuntang classroom nila. Kami naman ay nagpatuloy na sa pag akyat papuntang classroom namin.
Pagkadating namin sa classroom namin,wala pa ang teacher namin. Umupo na kami sa mga kanya kanyang upuan namin. Nang maalala ko yung binigay sa akin na pera at listahan ni Kheean,umikot ako sa upuan ko patalikod. Doon ko nakita si Abraham na nakikinig sa music habang nakaheadphones at nakapikit. Shit!! Sobrang gwapo nya talaga. Para syang demigod. Oh lala haha. Sa sobrang gwapo nya,di ko namalayan na nakatulala na pala ako. Tsaka ko lang namalayan ng may pumitik sa harapan ko kaya napabalik ako sa aking ulirat.
BINABASA MO ANG
Unexpected
Teen FictionSi Ayannry o mas kilala bilang Ayann ay isang normal at tipikal na gay. Mahilig siya sa mga girly na bagay. Actually lahat at ng gamit niya, pambabae. Almost everything tungkol sa kanya ay normal at parang predictable. Until one day,he met this guy...