Ayann's POV
Monday na naman. Another day of the week. Another stressful day. Another start of hell week.
By the way nasa school na ako ngayon. Nauna na ako kay Kheean dahil knowing him,mas hate niya pa ang Monday kaysa sa akin. Every Monday ay nagpapalate iyon dahil ayaw niyang umattend ng flag raising ceremony dahil nakakabagot daw tumayo habang salita ng salita ng kung ano ano ang mga heads ng school namin. Well kahit ako din naman. Kung hindi nga lang siguro ako member ng SSG ay hind ako aattend ng ceremony.Now you can judge me pero totoo naman talaga na nakakabagot minsan lalo na kapag sobrang tagal nyo nang nakatayo sa gitna ng field. Dagdag mo pa yung init ng sikat ng araw na nakakahagard talaga.
Hays stop na nga muna sa kakarant. Paakyat na ako ngayon sa classroom namin para ilagay ang bag ko doon. Wala pa akong masyadong nakakasalubong na mga estudyante dahil nga medyo maaga pa naman. Which is good dahil ayoko nang mapunitan ng pants at mabasa tsaka n nakakarindi na rin yung mga pinuputak nila na wala namang katuturan. Sana kung may time sila magrant,may time din sila para alamin kong totoo di'ba?
Pagdating ko sa classroom namin,wala pang mga tao kaya naman inilapag ko na kaagad ang bag ko doon at sumalampak muna sa upuan ko. Kinuha ko ang cellphone at earphones ko mula sa bag. Sinalampak ko ang earphones sa magkabilang kong tenga at nagshuffle play ng music mula sa cellphone ko. Muntik na akong mapatalon sa upuan ko nang magplay ang kantang Can't Get Out. Biglang pumasok sa utak ko ang nangyari nung Sabado. Di ko namalayan na bigla na lang akong napangiti sa mga naalala ko.
'Shit Ayann ano ba iyang ginagawa mo? Ba't may pangiti-ngiti ka dyan. Kabahan ka nga. Arghh!!! Mali na ito!!'
Agad ko na lang nilipat ang kanta kahit hindi pa ito tapos para hindi ko na pumasok sa isip ko yung mga nangyari nung Sabado. Dahil wala naman nang dahilan para alalahanin ko ang mga iyon noh. Wala lang naman ang mga iyon.
Nang mabagot na ako sa kakasoundtrip,pinatay ko ang ang music. Tumayo na ako at lumabas. Saktong paglabas ko naman ay siyang pagdating ni Abraham.
"Oh Ayann ikaw pa lang?"tanong niya sa akin pagkalapag niya ng bag ko.
"Ah oo. Maaga pa kasi kaya ayun"sagot ko.
"Pupunta ka na ba ng SSG Office?"tanong niya ulit.
"Ah hindi pa naman. Bakit?"sabi ko.
"Tara samahan mo muna ako sa canteen. Hindi kasi ako nakapagbreakfast"aya niya sa akin.
"Ah busog pa ako eh"sabi ko.
"Tss sige na. Libre ko naman. Tsaka alam mo bang gantong oras daw ay may nagpaparamdam dito sa floor natin lalo na kapag mag-isa ka lang"sabi niya at bigla naman akong kinabahan dahil doon. Well aaminin ko takot ako sa multo. Sino bang hindi? Geezz.
"Sige tara na"sabi ko sa kanya at hinila siya. Nang marealize ko yung ginawa ko ay bigla ko siyang binitawan.
"Hahaha joke lang. Di naman totoo yung mga multo pero dahil umoo ka na. Tara na"sabi niya at siya naman ang humila sa akin.
Habang hila hila niya ako napansin kong parang hindi bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi na siya ganun kabilis tumibok kapag nasa paligid ko lang si Abraham. Hindi kagaya kay Isaiah.
'Argh!! ayan ka na naman Ayann kung anu-ano na naman yang iniisip mo. Medyo close na kasi kayo ni Abraham kaya hindi ka na ganon kinakabahan kapag kasama mo siya pero deep inside kinikilig ka pa din. Tama!! Tama!! Yun nga ang dahilan'
![](https://img.wattpad.com/cover/189438614-288-k77401.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected
Подростковая литератураSi Ayannry o mas kilala bilang Ayann ay isang normal at tipikal na gay. Mahilig siya sa mga girly na bagay. Actually lahat at ng gamit niya, pambabae. Almost everything tungkol sa kanya ay normal at parang predictable. Until one day,he met this guy...