Unexpected 45

42 6 4
                                    

Ayann's POV

Hindi ako pumasok sa mga sumunod na araw dahil pinagaling ko muna ang mga sugat at galos na natamo ko mula sa ginawa sa akin ng mga bullies na iyon. Si mama ay hindi rin pumasok para bantayan ako. Pinipilit ko na siyang pumasok dahil kaya ko na naman na ang sarili ko pero ayaw pa din niya. Minsan ay inaasar niya pa ako na magkuwento tungkol kay Isaiah kapag pinipilit ko siyang pumasok.

Ang mga kaibigan ko naman ay kinakamusta din ako araw-araw lalo na kapag breaktime. Sinesendan din nila ako ng mga notes para ma-review ko dahil paparating na ang prelims namin.

"Oh Ayann, kamusta ka na diyan?" tanong sa akin ni Sky.

Nagvivideo call kami ngayong dalawa.  Recess na sa school pero hindi siya bumaba para magrecess gaya ng apat pa namin mga kaibigan kaya siya lang ang kaharap ko sa cellphone ngayon.

"Eto medyo okay na din yung mga sugat ko. Gumagaling na din sila. Kayo diyan, kamusta? Kamusta ang school?"

"Eto busy sis. Kaloka nga eh. Maya't maya lesson. Maya't maya quiz. Pumasok ka na tehh. Wala akong makopyahan ihhh"

"Mukha kailangan ko na ngang pumasok. Maraming quiz ang hindi ko matatake"

"Ano ka ba teh? Bibigyan ka nga daw ng special test kapag nakapasok ka na. Buti ka pa. Kinausap sila ni Isaiah at ipinaliwanag nangyari sa iyo kaya ayun may special test ka after mong masagutan ang mga prelims pagpasok mo"

"Totoo?" napataas ang boses ko sa gulat.

"Oo beh. Kahit nga si Sir Judah, bibigyan ka din eh. Di'ba sabi niya kapag umabsent ka at may binigay siya quiz, wala nang paspecial-special na ganap. Sana all talaga sa iyo. Suwerte mo kay Isaiah teh, sagutin mo na nga yun"

"Tumigil ka nga"

"Luh arte pa? Naku kung ako niligawan niya, sagot na kaagad. Wala nang ligaw ligaw"

"Kahit isumbong kita kay Kheean?" pagbabanta ko.

"Char lang naman teh. Eto naman di mabiro"

"Nga pala, kamusta si Isaiah?"

"OMG? Taghukom na ba? May gusto ka na ba sa kanya?"

"Sira. So kamusta nga siya?"

"Ayun okay naman"

"Paanong okay? Wala bang nag-iba sa kanya?"

"Well ganon pa din. Tahimik at tinitilian pa rin ng mga fans nila dito. Nagbago lang siguro sa kanya ay yung binabati bati niya kami minsan. Teka nga lang bakit ba ganyan yung mga tanong mo?"

"Naalala mo nung naiwan kami sa clinic para mag-usap?"

"Oo. Ano bang nangyari doon?"

"Napagsabihan ko siya ng masama. Akala ko kasi siya iyong kumontact kay mama kaya nalaman ni mama na nasa clinic ako pero nalaman ko kay mama na yung guidance counselor pala mismo ang tumawag sa kanya. Eh napagbintangan ko siya. Kung ano ano pang masasamang salita yung nasabi ko sa kanya"

"Hala ka bakla!!! Bakit mo ginawa iyon?"

"Oo na alam ko nang mali ako. Nagsisisi na nga ako sa mga sinabi ko sa kanya eh"

"Teka nga lang. Matanong kita, may gusto ka na ba kay Isaiah?"

"Bakit mo naman natanong iyan?"

"Well kung wala ka namang gusto sa kaniya, hindi ka mag-aalala nang ganyan. So ano na? Gusto mo na ba siya?"

"Oo" nahihiya kong sabi.

"Wah!!!!" nabunot ko ang earphones na nakasalpak sa cellphone ko nang sumigaw siya.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon